Maki tanong din ako doc...
Kakakuha lang namin ng aming pang apat na boar mula nung nag operate. Doon po sa unang tatlo, lagpas 1 year old na sila bago kunin yung semilya for ai.
Ngayong lang po namin sinimulan kunan ng semen ang boar bago mag 1 year, nag start kami nung 8 months na sya. Medyo nagulat kami na doon sa unang kuha namin, 50 ml lang ang puwede ma process at zero (im not jokng po, 0) ang semen count, para pong tubig doon sa microscope. After a week tumaas ng konti, mga 10-20% lang yung present na semen. It went on and on and tumaas po up to 70-80% kumpara sa dating mga boar namin. Nung huliing kinunan namin, bumaba ulit yung numero ng semilya, mga 40-50% lang.
Is this normal po sa mga boar na below 1 year yung edad?? Halos 10 months na kasi siya at matatalo po ako kung tuloy tuloy ito...
Salamat po.