Paraan ng Pagpapalahi
Upgrading- Sa tekhnikal na aspeto ang upgrading ay ang pagpapalahi ng ng isang purebreed na barako sa isang grade na inahin.
Ang isang inahin ay matatawag na grade kung ito ay anak ng isang purong barako at inahing mula din sa parehas na lahi ngunit di maaaring matawag na puro dahil sa mga kapintasan di angkop sa kanilang lahi. Halimbawa, Duroc na may puting buhok, dito sa Pilipinas ay hindi istrikto sa mga ganitong bagay.
Sa kasalukuyan ang terminong upgrading ay ginagamit sa ating bansa sa depinisyon alin sunod: Ang ang baboy na katutubo ay ipapabulog sa isang baboy na may lahi.
Purebreeding-Ang purebreeding ay ang pagpapakasta ng parehas na lahi ng baboy na hindi magkakamag-anak. Ang inahing Duroc ay ipabubulog sa barakong Durok, ang inahing Largewhite sa barakong Largewhite etc..
Inbreeding- Ang inbreeding ay ang pagpapalahi ng mga baboy na magkakamag-anak. Kalimitan ito ay nagdudulot ng kapansanan sa mga baboy. Nagkakaroon ng mahihinang lumaki na biik at karaniwan maliliit ang biik na isinisilang.
Crossbreeding-Ang crossbreeding ang pagpapalahi ng 2 magkaibang lahi ng baboy maging purebreed man o grade lang. Ito ay kalimitang ginagawa ng ating mga backyard raiser.
source:"Pag aalaga ng baboy sa Likod bahay" copyrighted.
Please do not copy and post to other site. Thank you!