physiologically and probability speaking mas may advantage kasi ang pagbred ng barako sa unang landi ng baboy kumpara sa AI.
Ganito po kasi yun. Sa unang paglalandi ng inahin mas mataas ang chance na mas konti ang itlog na ilalabas nito. Ngayon kung gagamitan mo kasi ng AI hindi mo alam kung ano ang ratio ng dilution nila. Sa isang ejaculation kasi ni barako kapag ginamit ito sa AI hinahati nila ito sa ilang doses/ parte. SO ibig sabihin mas konti ang semilya na ipapasok kapag AI ang gamit Compared kung barako na lahat ng semilya ay ipapasok sa inahin.
So dahil konti itlog ng inahin much better na mas marami semilya ang ipasok para mas mataas ang chance na magbuntis.
Yun mga susunod na breeding pwede na AI
Be aware lang na dapat na pambulog sa dumalaga ay yun medyo slim na barako. baka kasi masyado naman malaki si barako at mapilay si dumalaga