Pwede po talagang magbigay ng antibiotic at vitamins kapag may sakit or lagnat ang isang hayop. TO be honest ho sa medical ethics mas dapat nyo pong paniwalaan yun sinabi ng vet sa inyo dahil siya yun nakakita nun animal.
To further explain lang ho ciguro kung bakit heatstroke ang kanyang diagnosis is dahil sa violet na kulay nito possible indication na hinihingal yun animal...
Kung buhay pa po yun mga piglet na inanak nito kung meron pa silang inahin na kapapanganak lang pwede po nilang itry na ipaampon dun ang mga anak nito.
or kung ala naman po pwede silang bumili ng milk replacer sa mga poultry supply at yun ang pwede nilang ipainom sa mga biik.
Sigurado din po nila na ang kanilang mga inahin ay may bakuna against hog cholera, mycoplasma, e coli, parvo virus at pseudo rabies.