Author Topic: tips and advice on hog raising  (Read 2938 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

jholando

  • Guest
tips and advice on hog raising
« on: June 05, 2011, 07:22:14 PM »
good day po! nagnanais po kong magtayo ng maliit na piggery. hihingi po sana ako ng tips at advice sa inyo kung ano-ano ang dapat gawin sa pag-umpisa at kung papano maiwasan ang o ma minimize ang mga maling pamamaraan ng pag-aalaga. at kung ano naman po ang dapat gawin para mamaximize ang profit nito. at kung pano din po magmarket ng mga ito. ano po ba ang dapat na target net profit sa 10 heads? salamat po

mikegwaps

  • Guest
Re: tips and advice on hog raising
« Reply #1 on: June 05, 2011, 07:54:29 PM »
search lang po sa internet at matiyagang pagbabasa. dito pa lang sa forum marami na silang malalaman

fhingbarase

  • Guest
Re: tips and advice on hog raising
« Reply #2 on: February 12, 2013, 09:42:00 PM »
Tips sa Wastong Pagpapakain:
Multiple feeding (2 or 3 times a day) ay mas mainam sa once a day
Hindi mahalaga kung ang pag papakaing kinaugalian ay dalawa o tatlong beses isang araw. Ang mahalaga, may routine o schedule na sinusunod sa pagpapakain. Halimbawa, kung nasimulan ang pagpapakain ng 7:00 ng umaga at 4:00 ng hapon, kinakailangan na araw-araw ganito ang oras ng pagpapakain.
Bakit? Kapag may mintis na isang beses sa pagpapakain, ito ay may impact na 3% na pagkawala sa timbang ng baboy; ang nawalang timbang na ito ay ma-rerecover sa loob ng tatlong araw na papakain.
Pag-aralan ang feeding guide at gamitin sa pagpaplano sa pagbili ng feeds.
Iba ' t iba ang recommended feeding guide ng iba ' t ibang brand ng feeds. Ang mga feeding guide ay ginawa para maging gabay sa pagpapakain base sa density ng bawat feed. Gaya ng nabangit, kinakailangang naaayon ang pagpapakain sa kondisyon ng farm at sa breed ng baboy, pati na rin ang kanilang health conditions. Malaking tulong ang feeding guide, ngunit kinakailangang obserbahan ang baboy ng higit kumulang 30 minutes ng pagkain para malaman ang kanayang kakayanan o feed intake.
Unti-untiin ang pagpapalit o pag-shift ng pakain upang di mabigla ang baboy.
Ang biglaang pag palit ng pakain ay maaaring makasanhi ng diarrhea o scouring sa baboy. Makakatulong ang unti-unting paghalo ng pakain hanggang sa tuluyang mapalitan. Ito ay recommended between stages (pre-starter papuntang starter, starter papuntang grower, etc.) at kapag mag papalit ng feed brand (B-MEG Premium papuntang B-MEG Expert)