actually sir babuylaber, most if not all company base ang feeding program sa weight ng animal. These is in theory kasi. Pero for practicality reason ibinabase nalang sa edad ng animal or sa dami ng nakain na nila.
Kung sa weight kasi ang gagawin basehan para magshift ang magiging tanong is paano malalaman weight ng alaga mo? Titimbangin mo isa isa? Tatantiyahin? SO kung titimbangin mo, magiging stressful sa animal yan. kasi it means 4 times mo sila titimbangin, kada shift ng feeds titimbangin mo sila? Kung tatantiyahin , hindi ka naman man magiging accurate.
So kalimitan ng feeding program ngayon may nakalagay na weight ng animal and corresponding day kung ano na edad ng animal. Kahit alin dun sa dalawa pwede mong gamitin, mas less stressful lang sa animal kapag base sa days.
Another system na ginagawa is depende sa nakain. so, for me for economic purpose mas maganda ito. kasi alam mo kung magkano na nakakain ng animal mo. sa system na ganito kasi iseset mo kung ilan feeds kakainin ng alaga nila, example 15 kgs na prestarter, 50 kgs starter, 100 kg grower and 35 kgs finisher, once nakain na ng alaga mo yan then benta mo na. Sa ganitong system alam mo agad kung magkano nagastos mo sa alaga mo. kasi from the beginning nakaprogram ka na.