pinoyagribusiness.com

Recent Posts

Pages: 1 ... 3 4 [5] 6 7 ... 10
41
BREEDING / Re: ano mas una AI or Barako?
« Last post by nemo on March 30, 2018, 03:03:57 AM »
physiologically and probability speaking mas may advantage kasi ang pagbred ng barako sa unang landi ng baboy kumpara sa AI.

Ganito po kasi yun. Sa unang paglalandi ng inahin mas mataas ang chance na mas konti ang itlog na ilalabas nito. Ngayon kung gagamitan mo kasi ng AI hindi mo alam kung ano ang ratio ng dilution nila. Sa isang ejaculation kasi ni barako kapag ginamit ito sa AI hinahati nila ito sa ilang doses/ parte. SO ibig sabihin mas konti ang semilya na ipapasok kapag AI ang gamit Compared kung barako na lahat ng semilya ay ipapasok sa inahin.

So dahil konti itlog ng inahin much better na mas marami semilya ang ipasok para mas mataas ang chance na magbuntis.

Yun mga susunod na breeding pwede na AI

Be aware lang na dapat na pambulog sa dumalaga ay yun medyo slim na barako. baka kasi masyado naman malaki si barako at mapilay si  dumalaga
42
Agricultural / Re: sugat sa dede ng inahing baboy.
« Last post by nemo on March 30, 2018, 02:56:01 AM »
check po din nila yun ipin ng biik kung meron magaspang or matulis na pagkaputol ng pangil baka gumagasgas sa dede ng inahin pag naggagatas sila.


usually kasi ang pinaka available is betadine pwedeng ipang gamot sa inahin relatively safe naman ito. para sure po sila kung possible after dumede ng biik, ihiwalay nila ito saka maglagay ng gamot then after an hour saka nila ibalik si biik
43
SWINE / Re: mga pagkain na bawal sa inahing baboy
« Last post by nemo on March 30, 2018, 02:50:17 AM »
hindi naman po masama ang fresh na gulay sa kanila yun nga lang po dapat sigurado sila na wala itong bulate at nahugasan mabuti....

44
SWINE / mga pagkain na bawal sa inahing baboy
« Last post by Shiva on March 29, 2018, 08:27:21 PM »
Doc, tanong ko lang po, ano pong mga pagkain ang bawal sa buntis na baboy?
Ang gulay po ba na hilaw ay bawal? kunwari po repolyo or pechay na hilaw.
Hindi po kasi purong feeds ang pinapakain namin. Ngayon lang po namin to gagawin. 4 na po kasi ang inahing baboy namin, kaya mag aalternate po kami ng pagkain nila, FEEDS po and GULAY.  Ano po ba yung maganda, FRESH NA GULAY or LUTO NA GULAY? HIndi po ba makakasama ang fresh?
 SALAMAT po.
45
SWINE / Re: How to start piggery business
« Last post by Advatech on March 28, 2018, 07:06:03 PM »
OFW po ako, kauuwi lang nung October 2017, ang unang naisip ko na negosyo ay ang pag-aalaga ng baboy. Pwede po ba ninyo ako bigyan ng FS? Salamat po
46
Agricultural / sugat sa dede ng inahing baboy.
« Last post by Shiva on March 26, 2018, 07:15:52 PM »
magandang gabi po. tanong ko lang po kung ano po ang gamot sa dede ng aming inahing baboy, may sugat po kasi ito sa  parteng dede lahat po ng dede. Sugat po na parang hindi naman galing sa kagat ng biik, parang mga butlig po na mapula at mamasa masa.

Yun pong gamot na hindi po makaka apekto sa pagdede ng mga biik. Salamat po.
47
BREEDING / ano mas una AI or Barako?
« Last post by jeecris on March 26, 2018, 09:36:02 AM »
patulong po kong ano mas mabuti sa inahin kong unang paglalandi? AI or Barako?
Pa advice lang po..
48
SWINE / Re: Walang gatas ang inahin
« Last post by Shiva on March 24, 2018, 10:43:59 AM »
Salamat po.
49
SWINE / Re: Nagtataeng mga biik
« Last post by Shiva on March 24, 2018, 10:42:19 AM »
Thank you po.
50
POULTRY / Re: Tanong sa baboyan
« Last post by nemo on March 23, 2018, 11:55:04 PM »
check na lang sa isang post mo ang sagot ko.

thank you
Pages: 1 ... 3 4 [5] 6 7 ... 10

Privacy Policy