2
« on: August 13, 2011, 03:28:11 PM »
Good day po, Doc Nemo, tanong ko lang kung ano ang magandang igamot sa inahin ko, 5 days na siya nanganak, 13 yung anak nya, dinukot po yung 12, kaso nangamatay din po yung iba, sa ngayon 3 nalang yung buhay, napansin ko po nung naglabor sya nanginginig yung katawan niya at nahihirapan na siya tumayo hanggang sa siya ay manganak, sa ngayon po nakahiga pa rin po, sinubukan ko sya patayuin kahapon, hirap pa rin sya ang nanginginig yung buong katawan nya, ano po kaya ang pwede ko igamot sa kanya, para makatayo na sya at makakain ng maayos sinusubuan ko nalang po kasi at pati yung biik pinapadede ko nalang sa bote, mahina po kasi yung gatas (nag inject na nga po pala ako ng mamavet at sulpyrine 3 days na sunod sunod), sana matulungan nyo ako, tnx