9
« on: June 22, 2015, 09:43:06 AM »
Magandang Araw Doc Nemo,
Ano po ba ang mas maganda, wet or dry feeding?
At sa anong stage po ng pagbababuyan magandang gawin ang mga ito?
At proseso na rin po ng pag-gawa?
Ask ko lang po etong tungkol sa feeding na binabalak ko.
Aug 1st week po ay mag-start na po ang aming farm na kumuha ng 15 na biik for fattening.
Yung 12 po dito ang balak ko po is sundin ang feeding requirement ng bibilhan namin ng feeds.
Yun pong 3 is balak ko pong pag ekperimentuhang bigyan ng 40% azzola and 60% com feeds.
Ano po ang masasabi nyo dito? At meron po ba kayong ma issuggest na preparasyon ukol dito? Nakakita po ako sa Facebook na nifferment nila ito pero hindi ni-share kung gaano katagal at ano ang ratio.
Wala pong nagsshare ng eksaktong magandang gawin ukol dito, pero ang plano ko po pagkakuha ng biik gawing gradual ang pagpapakain ng azzola sa mga biik.
Ang akin pong naisip is, sa unang 5 days ng biik sa farm wala po munang azzola na ihahalo, after 5days ulit hahaluan lamang po ito ng 10% azzola, sa susunod na 5days gagawin po itong 20% at sa susunod is 30% at sa susunod hangng finisher is 40%.
Marami pong salamat!
Maitanong ko na rin po, taga san kayo doc?