Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.


Messages - Redemption

Pages: [1] 2 3 4
1
SWINE / Re: ideal swine breed for fattening
« on: June 14, 2013, 06:05:41 AM »
hindi sir ako makaboto, pure breed kase lahat ng selections.. for now ang gamit namin and preferred is the Boar is combination of Duroc-Pietrain then ang sow is combination of largewhite-landrace.. thou me iba po akong lahi ng boar at sow pero based dun sa nakikita ko eh yan yung combination na satisfied ako at wala ako gasinong naririnig na pula mula sa mga byahero pag dating sa anak ng babuy na yan..


2
SWINE / Tagilid yung muka
« on: March 15, 2013, 04:39:43 PM »
Doc at sa mga kapwa magbababuy.. tanung ko lang po.. me babuy po kase ako na nasa starter stage na.. eh nakain naman pero mahina compare sa mga kasamahan, tapos tagilid yung muka nya...pag natayo at naglalakad eh parang lasing tapos yun nga po tagilid yung muka halos nka side view lagi.. anu kaya pong sakit yun? at anung mainam na gamot na ibigay? salamat po..

3
SWINE / Re: BIOGAS DIGESTER
« on: February 22, 2013, 04:51:16 PM »
Ako rin doc hihingi ng copy/design kung sakali na meron kayo.. thanks po me_tanung@yahoo.com

4
SWINE / Re: SWINE RAISING SEMINAR
« on: January 21, 2013, 03:47:17 PM »
Doc tuloy po ba? na reach ba yung target participants?

5
SWINE / Re: Hog Farm Gate Price
« on: January 10, 2013, 09:18:21 PM »
Kainis naman ng nakikita ko ang laki ng diperensya ng Backyard Price sa Farm Price...

6
SWINE / Re: SWINE RAISING SEMINAR
« on: December 13, 2012, 04:16:25 AM »
Doc Interested ako umatend dun sa seminar mo.. thanks

7
SWINE / Re: CP FOODS CORPORATION MultiBillion THAI Company
« on: December 10, 2012, 01:23:34 PM »
My mom is at my ears since she saw this news a couple of days ago... and yeah it seems a real threat.. just hope that all its products are for export and if its for local consumption then it will have a not so good effect on pig raisers specially dun sa mga backyard lang, kase siguradung mas babaratin tayo ng mga hauler.. NOT COOL..

8
SWINE / Re: Hog Farm Gate Price
« on: November 21, 2012, 12:25:06 PM »
Magkano kaya ang price liveweight price ng baboy dito .sa cavite area ? Tama  vaya yong  Kuha  .sa amin  na halos95 per kilo? At higit pa 2 lingo bago bayaran ?
 Sir  baka  may  magmagandang loob  na magbigay ng idea ..my email po sana: frankmacawile@email.com

Salamat po

Francisco

Sir.. Masyado napo mababa ang Price nyo.. katabi nyo lang po akong probinsya.. kakatanung ko lang po kahapon sa tao ng marketing ng isang feedmills na may babuyan ang sabi po sakin eh 103 naraw po ngayun ang lakaran.. sa ganito pong panahon na magpapasko eh pataas po ang price ng babuy at malakas po ang demand kaya ngayun po kayo bumawi at mag matigas sa mga buyer ika nga po eh ngayun po yung oras na kayo yung nag dedemand ng mas magandang terms.. as in CASH ang bayad, bawal ang utang tapos bawal din ang pili ng babuy as in kung me pang benta kayo na 30 ulo ng babuy eh dapat kunin lahat.. as in sabihin nyo dun sa buyer eh take it or leave it.. ngayun po tayo bumawi.. pag naman po tag tumal ang babuy saka nalang po uli kayu mag pakumbaba sa mga buyer.. saka yun pong nabasa ko na me sumagot na less 3 eh ang tawag po namin dun eh reseco, samin po laging me ganun.. basta mag bebenta kami eh less 3kg ang timbang ng isang babuy.. 

9
SWINE / Fasting ng Babuy na Pang Benta?
« on: November 05, 2012, 02:53:08 AM »
Ilang oras po ba ang tamang fasting ng baboy Bago IBenta? kase po pag sinabi na nung buyer na ireserve sa kanya yung babuy eh sasabihin nya na wag ng pakainin at painumin yung babuy at kukunin nya kinabukasan.. eh kaya po ang tanung ko eh hanggang ilang oras po bang dapat hindi pakainin at painumin yung babuy na ibebenta? kse minsan ho eh umaabot ng 24 oras na hindi nakain at nainum yung babuy bago nila kunin..

10
SWINE / Ilan ang Tamang Araw ng suckling na biik bago iwalay sa inahin?
« on: November 02, 2012, 04:15:19 PM »
Matanung ko lang po kung ilang araw bago pwedeng ihiwalay ang biik sa inahin? ang ginagawa po kse namin eh 1 month na nasa inahin bago iwalay sa inahin eh Pwede po bang mas Maaga na ihiwalay ang biik sa inahin? magkukulang po kase ako ng anakan eh iniisip ko po kung pwede na ihiwalay ng mas maaga yung biik na nasa paanakan ko?..

11
SWINE / Re: Hog Farm Gate Price
« on: October 08, 2012, 11:19:00 PM »
sa palagay nyo po hanggang kelan po na ganito ang price ng liveweight. meron kasi akong 10 na fattener mga mid month ng february sya maiibenta aabot po kaya sya ito sa mataas na presyo?

Ang Asa nalang po natin eh sa february eh umpisa na yata ng kampanyahan para sa eleksyon kaya siguro naman maganda ang presyo ng babuy hanggang sa matapos ang eleksyon bababa lang cguro pag dating ng semana santa..

12
HOUSING / Re: Waste Management
« on: October 08, 2012, 03:12:48 AM »

(OT) magaganda din yung mga babae dun sa Agrilink ^_^  ;D


Agree ako dito.. hehehe... sa halip na sa babuy ako nakatingin dun ako napapatingin sa mga babae.. LOLZ ;D

13
Agricultural / Re: day old chicken supplier
« on: October 07, 2012, 01:33:27 PM »
Mam tama ito napo yung 45 days pero sa ngayun mam yung 2000 heads na minimum na robina ang tatak ng sisiw na sinasabi ko eh wala napong available.. we were informed po na since august pa hanggang january eh fully book na ang mga orders so wala ng available na sisiw kaming makuha na robina probably yung sa iba pong tindahan na naka order ng mas maaga eh meron.. ang balita po namin base dun sa pagtatanung namin dun sa nakalipas na Agri Link eh maari raw po magkarun ng kakulangan sa 45 days.. pero as of now po meron pa namang ibang brand ng 45 days ang last check ko po na retail price eh 33 pesos per head..

14
SWINE / Re: Hog Farm Gate Price
« on: October 03, 2012, 12:22:43 PM »
ProPorK Weekly Prices as of 09- 26-12:
Tarlac-106-108
Bulacan-104-108
cs-64
PSPA-98-106
Rizal-C-102-104 B-95-100
Laguna-101-106
Quezon-101-106
Cavite-100-105
Batangas-100-106
Mindoro-88 bkyard bansud
Naga-106
Pampanga-102-107
Ilocos - 102-103
N.Ecija-95
Pangasinan-95-100
Cebu-95-103
Bacolod-85-94
Iloilo-91-94
Dumaguete-85-90
Aklan-89-90
GenSan-87-90
Koronadal-88-90
Dipolog-93-95
Zamboanga-97-100
CDO-92-95
Surigao-90-92
Agusan Sur-88-90
Butuan-85-90
Davao-91-94


di totoo eto in our case sa trece martires cavite ang LW price ngayon and since last week is only 93-95/kg.



Dito po samin sa Batangas ang hirit nung buyer ko eh 98 lang pero ang naririnig ko po na actual na lakaran eh 101

15
SWINE / Re: Feeds Poll
« on: September 07, 2012, 04:45:46 AM »
Yung samin po regarding sa kapon eh yung technician namin eh usually 1 pero minsan 2 pag kelangan ding tahiin.. dati nagamit ako ng sprayer combinex pero sinabihan ako na pwede namang iodine nalang para tipid.. me iodine na mamahalin at merong iodine na mumurahin yun pong mumurahin ang gamit ko and so far okay naman..

Pages: [1] 2 3 4