3
« on: November 03, 2012, 06:04:51 PM »
Mga ka forumer,,,
bago lang po ako dito sa pinoyagri and bago lang din me nagkainteres sa piggery..
isa po akong bumbero, at zero knowledge sa piggery.marami po akong tanung and sana matulungan nyo ako
overview ng plano ko sa piggery business ko.. starting to zero
-plan to buy 5000 to 10000 sq meter at cavite/batanggas
-start muna sana sa 10 inahing baboy, then kung medyo nakabawi na expand ko up to 30 heads..
-shempre yung mga pigpens magpapagawa.
hindi ko alam kung tama ang mga plano ko or wala sa hulog. kaya i ask your guidance mga fellow forumer.
eto na mga tanung ko. ang inyong opinion ay malaking tulong sa pag buo ng aking magiging desisyon.
AREA:
1 tama na po ba ang size ng lupa na gusto ko para sa no ng baboy na gusto ko? answer.____________________________________
2 saan po sa tingin nyo mas maganda na lugar sa cavite (trece, indang) or batanggas area? _________________________________
3 sa ipapagawa kung kulungan, anung sukat ang kailangan sa kada baboy or ilang baboy dapat ang laman ng isang kulungan
(sa fattener and sa mga inahin)
4 saan ako dapat magsimula ng aalagaan? sa fattener ba? inahin or both?
5 magkanu ang magagastos sa pagpapagawa ng kulungan para sa 5 to 10 na inahin at sa mga expected na mga anank nito.
6 ilang water pumps and kailangan ko? at ilang horsepower
PAG AALAGA
1 ilang klaseng vitamins at meron dapat ako at anu anu? at tuwing kailan
2 ilang klaseng gamot ang meron ako at anu anu?at tuwing kailan
3 anu anung sakit ang mga karaniwang dumadapo sa baboy?
4 ilang beses kumain sa isang araw ang baboy at gaanu karami? ilang days tumatagal ang isang sako sa kada isang baboy
(para sa mga biik and para sa inahin?
5 tuwing kailan dapat linisan ang baboy? araw araw ba or may specific na bilang ng araw?
6 anu pa ang pwede ipakain sa baboy bukod sa feeds? advisable ba ang tirang pagkain ng mga kapit bahay?
7 kapag bagong panganak na biik palang ilang days para pwede na ibenta?
8 kapag bagong panganak na babaeing biik, ilang days sya pwede na mabuntis?
9 kapag pwede na mabuntis at nakipagtalik na, ilang araw ang bibilangin para manganak ang isang inahin
anu anu pa ang ginagawa sa pag aalaga ng baboy ang hindi ko nabanngit?
10 ilang tao ang kailangan ko para kasama ko mag alaga sa aking paguumpisa
GASTOS: (kahit range/approximate/estimated lang po para may idea ako kung magkanu lahat aabutin)
1 magkanu isang biik para sa paguumpisang alagaan?
2 magkanu ang isang inahin para sa pag uumpisang alagaan?
3 magkanu ang mga magkanu ang vitamins and mga gamot? ex:(tikitiki 1 peso)
4 magkanu ang isang sakong feeds? (branded ang generic)
5 magkanu ang bayad sa kasama ko? (babantay/ alaga) (100 / month kasama libre lahat, food, tirahan) example only
6 mga magkanu ang bill sa kuryente at sa tubig sa target kung bilang ng pag uumpisa
7 magkanu ang timbangan?
8 magkanu magpagawa ng deepwell? if the applicable sa lugar sa bill na lang?
9 makanu ang concrete / stainless cage kasama na yung bldg at gaanu kalaki para sa 5 to 10 inahin at mga posible na anak?mga ilang cage pa?
MARKETING
1 magkanu ko maibebenta ang biik? ilang days ba dapat ang biik?
2 magkanu ko mabebenta ang malaki adult na baboy? buhay na baboy/ kilo? and yung katay na?
3 magkanu kapag magpapa kasta ng baboy?
PAPERWORKS:
1, anu anu ang mga need ko i sucure na clearance/permit and magkanu?
ex: barangay clearance 1 peso
police clearance 1 peso
mayors permit 1 peso
___________________________
total 3 pesos
sa ngayon po iyan ang aking mga katanungan...
all answer are highly appreciated...
critics are also open, para makita ko din both side.
MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT.....