PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: pig_noypi on March 11, 2008, 05:31:39 PM
-
Sir Nemo,
pwede nyo po bang ipost dito yung step by step procedure ng gilt and sow management from start of breeding day 01 up to farrowing or weanling including po yung dami at uri ng feeds, vaccines, vits etc
thks
-
Gilt(around 6 months of age)
1. From 1st heat count 21 days, this would be the tentative date of the second heat.
2. At the 2nd heat count 11 days, this is the tentative date of flushing.
flushing= giving more food for the development of the egg cells.Increase the feed of the gilt, maybe
around 3 kgs per day (Check your feed manufacturer suggestion)
3. 21 days after the 2nd heat check if the animal is in heat.
Sign: Reddening of vulva, unrestlessness, frequent urination, noisy etc.
4. Check for standing heat(usually 2-3 days after first sign of heat)(checking should be done every hour if
possible) Apply back pressure in the rump area / hindquarters area .if the animal just stay it means it
in standing heat.
5. If the animal is in standing heat then it is ready to be breed. If you observed the heat in the morning
then you could bred it in the afternoon (12 hr ). Personally, if i see the animal in heat i would suggest
to breed it already.
6. Some lessen the feed intake of the animal in the first 2 weeks. If the feed intake before flushing is 2.2
kgs some would give 1.5-2 kg in the first 2 weeks of pregnancy. Personally i do not practice this/
suggest this.
7. Check your feed manufacturer's suggestion in terms of feeding a gestating sow.
8. Check the animal if it returns to heat at the 21 day and 42 days of pregnancy. If the animal shows sign
of heat it means it is a reheat.
9 After 114 days it should give birth. It could be 5 days early or 5 days delayed at most.
Vaccine depends on the prevalence of the disease in your locality. Ask your local vet for suggestions. If you think i forgot something please feel free to add to this. Thank you.
-
Doc para saan po ba yung afsillin at cisical?
-
Afsillin is a multivitamin while cecical is a calcium additive.
Cecical is used to prevent osteoporosis or soft bone in sows. And also if there is pamimilay of the sow.
-
Thanks po doc.. Tama po ba na bigyan ng tig 1/2 tsp. a day ang sow ng afsillin & cecical from the day 1 of gestation until farrowing? Senxa na doc, first time pa kasi ako sa pg-aalaga ng sow.
Thanks again... :)
-
Technically speaking most commercial feeds have the necessary vitamins and calcium that the animal need.
Your cost to produce might go up if you will give them vitamins and calcium supplement everyday.
There is no wrong in giving vitamins everyday it is just a matter of economics.
During the days that i am still connected in a feed company we do not suggest to give multivitamins.
We just suggest multivitamins if there is sudden change in the weather or there are outbreak or sick animals around the vicinity.
If you trust your feed i will suggest that do not give everyday vitamins. If you like you could give in a monthly basis.
-
doc binibigyan ko ng CECICAL ang sow ko since it says there Vitamins ADE.my target is para maglandi kaagad ito, my problem kase doc e 30 days na ito from walay sa biik at di pa rin ito naglalandi. im scared naman na gumamit ng GONADIN baka iilan lang ang maging anak nito. ano po ang mabisa o good brand for vitamin ADE na ang target ay paglandiin ang inahin?
-
Why not try to stress your animal nalang if you don't want to give hormone. Limit its feed intake for around 2-3 days maybe. Give 1-1.5 kgs per day only. and see if it will heat.
The percentage of the animal that will have few piglets is just small.
If in doubt ka, try to consult your local vet so he/she could assess/ give the best solution for your animal.
30 days is too long... it will affect the overall performance of your farm.
-
doc gud am po! nakabili po ako ng PS(landrace x largewhite) 15 teats, isang side is 7
then the other side is 8
tanong ko lang? ok lang ba kahit hinde pair yung teats? ano po yung epekto nito?
salamat po
-
It is ok, the only problem would be if you have more than 14-15 piglets for sure di maka dedede yun iba.
-
tnx doc
-
doc, pra saan po yung tylosin? napilay po kc yung gilt ko front left leg, wla naman sugat
-
Tylosin is an antibiotic.
Para sa pilay you can use anti inflammatory drugs assuming na swollen ang leg nito.
-
maraming salamot po !
more power doc!
-
doc gud pm, naubusan kami ng tylosin d2, pwed ho bang penstrep nalang?
-
Tylosin and penstrep are both antibiotics but not anti inflammatory.
If you want to give penstrep as a preventive for secondary infection then you can give it to the animal just follow the recommended dose which is usually written at the label of the drug.
-
tanks again doc
-
doc gud pm, isang PS-f1 gilt ko 4 days nagkasakit, pero medyo ok na sya ngayon, nagkataon na under warranty pa po ito sa farm,
inireport ko sa kanila and nangyari..... then sabi nila ibenta nalang dw then they will replace me another gilt
dahil hindi na raw maganda gawing inahin dahil may hindrance na sa growth n babalik at babalik din dw yun sakit nya.
ang tanong ko po is tama ba na pangit na gawing inhahin ang gilt na dating nagkasakit? sayang naman, ang mahal pa naman...
-
As much as possible po tlaga dpat wala siyang sakit haggang magbuntis at manganak.
Possible kasi na mamana or mapasa sa piglet yun sakit or possible din naman na maging resistang yun piglet sa said na sakit. It may go both ways.
If under warranty pa naman then papalitan nyo as long as free naman diba.
TO be honest kung ito ay galing lang sa herd nyo i would suggest na ituloy nila maging inahin ito pero dahil galing sa farm and may warranty then why should you go for risk kung pwede naman palitan.
-
tank you po talaga doc and more power to u....
-
doc gud pm, isang PS-f1 gilt ko 4 days nagkasakit, pero medyo ok na sya ngayon, nagkataon na under warranty pa po ito sa farm,
inireport ko sa kanila and nangyari..... then sabi nila ibenta nalang dw then they will replace me another gilt
dahil hindi na raw maganda gawing inahin dahil may hindrance na sa growth n babalik at babalik din dw yun sakit nya.
ang tanong ko po is tama ba na pangit na gawing inhahin ang gilt na dating nagkasakit? sayang naman, ang mahal pa naman...
Alexgarci, san nyo po binili yung gilt nyo? Kung binenta nyo ba yung gilt kanino mapupunta bayad sa pinagbentahan ng gilt sa pinagbilhan mo?Tapos papalitan pa nila yung gilt mo?Or sayo na yung bayad at papalitan pa rin yung gilt mo?
-
mapupunta po sa farm yung bayad, den papalitan nila, di ko lang alam kun same age ba ang papalitan nila, last week of july pa kc ang shedule
-
doc ano po ang meds para sa anti-inflammatory swollen ang feet ng gilt
-
doc naputukan napo yung boil ng gilt ko madaming nana ang lumabas,
pro may tumutubo na naman almost 8mos na sya wala pang first heat, doc sumasakit na po yung ulo sa gilt na ito
ano po bang gamot para matigil ang boil? pls. help doc.. tnx
- nabasa ko rin yung suspecious act ni sir yuan d2....
-
Sir, eksakto tumutubo?
Ang boil kasi is bacterial. Disinfect the pen then give kahit oral antibiotic sa animal 3-5 days then give gonadin para maglandi ito.
Is this gilt came from a farm? kung hindi naman at if hindi naglandi after giving gonadin benta mo nalang especially mataas naman ang presyo ng baboy ngayon then yun kita ipangbili mo ng bagong gilt.
-
ok doc tnx, ganito po ang gagawin ko
- disinfect the pen
- oral antibiotic (amoxicillin 3-5days)
- ivermectin for internal & external parasites
- inject VITON 500 (Vit. ADE).. kung wala prin sign ng heat
- then inject PG600.. after a week wla p rin
- benta nalang
doc interval po sa every treatment is 5 days... paki comment nalang po
maraming salamat po!
-
after antibiotic isunod mo na agad kinabukasan yun deworm then the following day viton 500 after 1 week saka naman PG600.
-
tank u doc,
pag naturukan na ba ng GONADIN, on the FIRST DAY of heat detection AI po ba kaagad? or maghihintay pa
ng timing? maybe on the second or third day....
worried lang po ako baka hindi sasabay yung ovulation sa heat ng gilt pag naturukan ng GONADIN...
-
doc,
bakit po need ng antibiotics? kahit walang sakit? amoxicillin lang po ba available? thanks po
-
alexgarcia, once na nagstanding heat na ipa A.I. na po nila.
pig_noypi, meron kasing syang nabanggit na bukol na tumutubo. So, possible na bacterial ang origin nito.
-
ah ok po...so no need na or ok lang din just to prevent na magkasakit ang inahin? thanks po
-
sa case ng baboy nya need na bigyan ng antibiotic. sa word kasi na ginamit na "tumutubo" meanign progressing pa yun boil ng animal.
-
doc, ung sow ko na naiwalay ko 1 week na ngaun ay naglulugon at namumula ung balat parang mga rashes ito, ano po ba ito, anong tawag dito at ano ang gamot na pwedeng ibigay. thanks po. worry ko baka matagalan maglandi ito.
2nd.
itong kalapit na piggery ko ang practice nya sa gilt ay after grower stage, finisher na para lumabas yong built at puro laman daw, pinakakain nya til maglandi ito. mas lumaki nga naman ito kumpara sa gilt ko, the same age sila. mas nauna ko nga lang napabulugan ung sa kin.do you hear some folks practicing that way, concern lang ako ano ang advantage non?
-
Magvitamins muna sila and increase nila yun feed intake. Di ko masasabi kung anong definite na rash/sakit yan medyo broad po kasi kapag sinabing naglugon and namula ang balat.
Check lang kung nangangati ba lagi ang animal at kung nawalan ito ng ganang kumain.
Dahil finisher po ang kanilang pinakain definitely bibilis pa ang laki nito compared sa baboy na pinakain lang ng broadsow ang problem po hindi magmatch ang age nila sa weight. Usually kasi dpat around 110-130 kg ang animal kung ito ay nasa 7 1/2 to 8 months. So, may tendency na maging overfat naman or heavy size ang sow kung ito ay nasa 8 months na at puro finisher pa rin ang pinapakain.
-
di po ba pag inabot ng lugon ay matatagalan ang reheat nito, meron naman akong teaser boar. pero kung this wont help dahil nga sa paglulugon should i inject her gonadin na para di sayang panahon. malakas naman pong kumain, at para nga pong nangangati. pero ngaun nagsusubside na ung pamumula. am still observing. ano pong cause kaya nito.
-
Use your teaser boar until the 14th day if alang return to heat saka sila mag gonadin.
Have you injected her broad spectrum antiparasite like ivermectin?
Possible cause kasi ng lugon is nutritional, fungal, mite and even bacterial.
So the vitamins is to increase her immunity and you can use ivermectin as antiparasite naman.
Fungal,,,, daanin na lang muna sa paligo.
-
thanks doc will do that. i use ivermectic sa mga biik i never tried sa sow pa. in case how many "ml" should i inject sa sow.
-
hi doc.. gud pm! ask ko lang ho if how many days before magheat yong sow after na maiwalay yong mga anak.
-
usually seven days
-
thanks ho doc.. ano ho kaya yong magandang gawin ko sa inahin ko, kasi more than a month na di pa nagheheat?
-
use hormone treatment na like gonadin
-
doc, pwede ho bang turukan ng GONADIN kahit na may boil yung gilt 8.5mos na kc d p nag first heat...
ito na po yung last chance nya, pag d parin.......cull nalang.....sayang...
tanks doc...
-
Magandang araw po Doc.
Baguhan po ako sa pagaalaga ng baboy meron po akong gilt 8.5 months old tapos namumula po yung vulva nya tapos lumaki from the regular size this is the 2nd time eto po ba yung sinasabing heat stage ng gilt ibig sabihin po ba after 11 days pwede na syang ipa mate kasi nalilito po ako kasi feeling ko sobrang tagal na bakit di pa sya naglalandi. paki guide lang po ako kung ano dapat gawin. Salamat po
-
doc, pwede ho bang turukan ng GONADIN kahit na may boil yung gilt 8.5mos na kc d p nag first heat...
ito na po yung last chance nya, pag d parin.......cull nalang.....sayang...
tanks doc...
yup ok lang. if yun boil ay lumalaki at nangingintab puputok naman ng kusa yun.
-
Magandang araw po Doc.
Baguhan po ako sa pagaalaga ng baboy meron po akong gilt 8.5 months old tapos namumula po yung vulva nya tapos lumaki from the regular size this is the 2nd time eto po ba yung sinasabing heat stage ng gilt ibig sabihin po ba after 11 days pwede na syang ipa mate kasi nalilito po ako kasi feeling ko sobrang tagal na bakit di pa sya naglalandi. paki guide lang po ako kung ano dapat gawin. Salamat po
Malaman po yan na. Once na nagkaganyan na, apply back pressure or tukuran nila yun likod ng animal kapag hindi siya pumalag yan na po yun time na pwede siya ipabreed usually 2 days to 4 days after nun sinasabi nyon namula.
Take note lang na mula dun sa pamumula apply back pressure na para malaman nila kung kelan pwede ipabred
-
ang pagkakaalam ko ang 1st & 2nd heat ay pamumula lang ng ari ng gilt pero walang mucus na lumalabas thats y di pa pwedeng pabulugan. the 3rd heat sometimes sa 2nd heat rin, kapansin pansin na ang pamamaga ng ari ng gilt at ang mucus na nalabas, thats y 3rd heat ang ideal time. kaya ako i don't observe 1st or 2nd heat. pag nasa 7-8 months old na gilt at pag me lumabas ng mucus i pressume it's her 3 heat and just the right time to breed. basta ok sya sa back pressure GO! GO! GO!
-
Kaya po hindi pinapabred sa first heat because of yun egg cell release ay hindi pa ganun karami at the same time din kapag 3rd heat na yun na ang time na nameet na rin nun animal ang kayang weight requirement for breeding.
-
doc ok na ho nagheat na yong inahin ko. marami hong salamat.
-
congratulation,
forced heat ba or natural na nagheat?
-
Magandang araw po Doc.
Baguhan po ako sa pagaalaga ng baboy meron po akong gilt 8.5 months old tapos namumula po yung vulva nya tapos lumaki from the regular size this is the 2nd time eto po ba yung sinasabing heat stage ng gilt ibig sabihin po ba after 11 days pwede na syang ipa mate kasi nalilito po ako kasi feeling ko sobrang tagal na bakit di pa sya naglalandi. paki guide lang po ako kung ano dapat gawin. Salamat po
Malaman po yan na. Once na nagkaganyan na, apply back pressure or tukuran nila yun likod ng animal kapag hindi siya pumalag yan na po yun time na pwede siya ipabreed usually 2 days to 4 days after nun sinasabi nyon namula.
Take note lang na mula dun sa pamumula apply back pressure na para malaman nila kung kelan pwede ipabred
Doc di pa rin po tumuloy ang heat ng gilt ko lagi po namin apply back pressure pero parang wala po epekto nawala po for 1 week pamumula ng vulva tapos bumalik nanaman pero magana pa din sya kumain at wala ding mucus na lumalabas balak ko po sana turukan ng gonadin pero ilang ml po ba dapat saka saang parte ng katawan ng gilt ituturok. Medyo nadidiscourage na din po kasi ako kasi sabi nila baka di na daw tutuloy talaga kaya pinagiisipan ko na ibenta na lang but if you look at the gilt maganda po ang tindig malaki po sa not fat katamtaman lang please advise me what to do totally wala po talaga ako idea sa pag iinahin. Salamat and more power!!!!!!
-
kahit po alang mucus discharge at kahit hindi tumamlay sa pagkain as long as nung nagback pressure sila ang animal ay steady lang pwede po nila ito ibreed.
HIndi din assurance na kung maganda ang katawan magbubuntis ito.
-
doc,
Gilt ko po tumatae at nagsusuka at ayaw kumain, 19 days na po sya ngayon since AI
- ano po ang epekto nito sa pagbubuntis nya? kung sakaling buntis man sya....
- ano po ang mas magandang gawin sa ganitong scenario?
salamat po..
-
worst case scenario ,magkaroon ng abortion. possible din na komunti ang ianak nito
It is not common na magtae at magsuka ang inahin. Better ask your munincipal veterinarian kung pwede nila madiagnose ang kanilang animal. Habang wala ang vet pwede po silang magbigay ng antibiotic like tetracyline or penincillin.
Although possible na ang pag inject ng antibiotic is magcause ng abortion we need to understand na mas importante lagi ang welfare ng sow/gilt compared sa piglet na dinadala nito
-
medyo ok na sya ngayon, dahan dahan ng bumabalik ang appetite nya at d na rin nagtatae at sumusuka
pero matamlay pa rin, d ko nalang binigyan ng antibiotic dahil may improvement na at sana d sya maagasan
obserbahan ko nalang, hope n pray na walang mangyari.....
possible cguro na ang feeds na kinain nya may ihi ng daga, yun ang suspect ko,
ano po sa tingin nyo doc?
salamat po doc, maasahan po talaga kyo......more power!
-
I cannot confirm nor deny the idea.
Lets hope na hindi naman. kasi pag nagkataon pati kayo pwedeng mahawa sa ihi ng baboy nyo.
Marami naman pong bacteria na dala ang daga just hope na yun ang nag upset sa animal nila and not lepto.
-
tama po kayo doc! wag lang sana lepto....
ano po yung mas comportableng higaan pra sa sow with litters especially nursing period
- plastic flooring (sabi ng kapitbahay namin nasusugatan ang suso at paa sa may bandang kuko)
- steel flooring (d ko pa na itry)
- cement flooring (experience ko nasusugatan din den minsan ayaw magpadede ang sow)
salamat po!
-
steel flooring para dun sa area ng inahin then plastic flooring naman para sa piglet.
-
doc,
- nakakaapekto po ba ang gilt na magulatin or laging nagugulat san kanyang pagbubuntis?
- if nakakaapekto, ano po ang pissible na mangyayari? kc po nagreheat yung gilt ko paglipas ng 39days...
salamat po!
-
possible na kumonti ang anak niya.
Try to minimize yung sudden ingay sa babuyan, some put radio sa kulungan para constantly masanay sa ingay ang baboy,
-
doc, ano po ba ang magandang vitamins pra sa buntis gilt/sow?
- makapal kc yung buhok nya and medyo curly then parang madumi sya kahit pinapaligo kona at inii-srub yun katawan.
- ano po ba itong CECICAL or PECUTRIN? ano po b ang dala nito/anong nutrients makukuha dito?, V22 powder po ang gamit ko noon..
ano po siguro ang magandang gawin dito?
maraming salamat po....
-
Cecical kasi is more of calcium sya.
Pecutrin vitamins minerals a, d, e.
Pecutrin and afsillin are good vitamins.
Kung injectable pwede naman belamyl
-
doc,
kakabili ko lang ng bagong F1gilt 2weeks palang ito sakin hindi nauubos yong kinakain nya dahil naglalaway..
kahapon napansin ko sinusuka nya yong kinakain nyang feeds - premium grower po ang ginagamit ko dahil yon din pagkain nya sa farm
ano ang nangyari doc ?
salamat po at merry x'mas...
-
Ano po ba edad at timbang ng gilt nila at grower pa ang feed nya?
ONce lang po ba nangyari yun pagsusuka at gaano karami ang pagkain niya per day?
Around 2.2-2.5 kgs per day po kasi ang usual na pagkain ng gilt unless specified ng feed company kung gaano karami ang recommendation nila.
Sa naglalaway naman, nung dalhin ba sa inyo naglalaway na siyang ganyan or lately na lang. Naglalaway naman tlaga ang baboy pero baka kasi yun sinasabi nyo is excessive na paglalaway na possible isang sign na may problema na ang animal nila.
Ito po ba ay nilalagnat or namumula ang mata?
Try to give muna vitamins sa animal if after 2 days at hindi parin gumagana ito sa pagkain or kung ito ay lalong tumamlay better call a vet para makita ang kanilang alaga.
The list could go on from poisoning, pesticides, lepto, flu, etc....
-
5mos na ngayon dec. 25 around 85-90kgs
kahapon whole day and kaninang umaga every meal pagkinakain nya yung feeds ay nagsusuka den kinakain nya uli yung sinuka nya
.6-7grams lng kada meal 3x daily dahil d nya nauubos yung 1kg per meal, kaya 3x a day para mahabol nya yung 2kgs daily
lately nalang, tama po kayo excessive po ang paglalaway, kaya yung pagkain nya ay nababasa talaga
hindi po sya nilalagnat..parang numumula po ang mga mata, pro d po entire mata parang sa gilid ng mga mata at d po sya matamlay..
may multivitamins po sa tubig...
naaalala ko po na dinisimpek ko sya/pen nya ng virkon S...
sabi ng farm na pinagkukunan ko ng gilt is inject "STREPTOPEN" para saan po ba ito? d ko po muna gagawin ito hanggang d ko po kayo kinulsuta..
maraming salamat po sayo and merry x'mas
-
Streptopen is an antibiotic combination of Penicillin and streptomycin.
Kung hindi po nagbabago condition ng animal nila then give na nga lang sila Streptopen. Malaman ito yun ginagamit nila sa farm kaya ito din yun nirerecommend nila.
Pag gumaling na po slowly shift na yun feed nung animal into breeder feed or broodsow
-
doc help nmn po. panu i injet un gonadin sa gilt?ipa2sok po b sa pwerta ng gilt or khit saan parte lng ng katawan..
cenxa n po..
-
doc help nmn po. panu i injet un gonadin sa gilt?ipa2sok po b sa pwerta ng gilt or khit saan parte lng ng katawan..
cenxa n po..
-
inject siya neck area behind the ears.
Ganyan po tlaga kapag nag uumpisa medyo marami dapat alamin pero in the long run magiging instinct na lang yan sa kanila.
-
inject siya neck area behind the ears.
Ganyan po tlaga kapag nag uumpisa medyo marami dapat alamin pero in the long run magiging instinct na lang yan sa kanila.
thanks doc..
-
doc
- ano po b yung prolapsed?
- ano po ang cause ng prolapsed?
- nangyayari po ba ito sa kahit anong edad ng gilt?
- ano po ang prevention maaring gawin?
salamat po..
-
prolapse is a condition on which a organ moved or slipped outside its normal place.
Meron tayong tinatawag na rectal prolapse meron ding vaginal prolapse.
Kahit anong edad pwede itong mangyari.
causes could be constipation, loose ligament, coughing , genetics etc...
Prevention...give the animal plenty water, treat cough immediately, yun others kasi if nasa genes nila then mahirap nang gawan ng prevention.
-
sir doki.. good pm po.. may mga tips po ba kayo na mai advice sa akin kasi doc,, yung isa kong sow manganganak na first panganak po.. may mga advice po ba kayong ma ibigay?? like vitamins,, feed intakes and etc.. thanks po
Sir Nemo,
pwede nyo po bang ipost dito yung step by step procedure ng gilt and sow management from start of breeding day 01 up to farrowing or weanling including po yung dami at uri ng feeds, vaccines, vits etc
thks
-
prepare betadine, cutting equipment for umbilical, nail cutter/ teeth cutter, basahan for afrrowing gagamitin nila ang mga ito.
increase feed intake ng inahin pagnanganak n a ito para it can produce more milk for its piglets
-
Doc, good day,
Bagohan lang po kasi ako sa pag iinahin ng baboy, nanganak po yung alaga ko ng 11, dahil daw nagka anemia, namatay po talaga yung dalawa, tanong ko lang po, Ano po ba ang cause na mag ka anemia ang mga biik? ngayong araw na ito, ikaw 8 days na po ng syam na natira na alaga ko. 9 nalang po yung natira sa alaga ko, nagsabi po kasi yong technician namin sa isang feeds company, medyo alanganin po yong gatas ng inay.. tanong ko po ulit,, maganda po ba ang CECICAL at SOWLAC sa inahin na baboy na alanganin ang kanilang gatas? nakakadagdag po ba ang mga ito ng gatas ng inahin? maganda po bang bigyan ng vitamins ang mga biik at yung inahin din?
doc binibigyan ko ng CECICAL ang sow ko since it says there Vitamins ADE.my target is para maglandi kaagad ito, my problem kase doc e 30 days na ito from walay sa biik at di pa rin ito naglalandi. im scared naman na gumamit ng GONADIN baka iilan lang ang maging anak nito. ano po ang mabisa o good brand for vitamin ADE na ang target ay paglandiin ang inahin?
-
Namatay sa anemia? so far ala pa naman akong naencounter na biik na namatay sa anemia. Ang anemia kasi is common sa piglets na hindi nakakaroam sa lupa. So ang tendency yun iron reserve nila ay nauubos around 10 days. Kaya after that namumutla sila. Kaya kalimitan 3 days palang nagbibigay na tayo ng iron.
Cecical at sowlac ay makakatulong sa pagpaparami ng gatas also dapat spat ang pagkain ng kanilang inahin at tubig. As much as possible continuous dapat and source ng water ng animal
-
doc good evening,
nung lumabas kasi yong 2nd to the last at yung last sa kanilang nanay medyo inuubo na, yun, ilang araw namumutla at namatay. hindi po ba isa din ito sa cause ng pagkamatay nila? okey na po bang pa gala galain ang mga 10 days old na mga kulig sa lupa? or just inject them with iron within 14 days for them to have their vaccine completed..
additional ko po na tanong sa second mo na paragraph, hindi pa po kasi kumakain na marami yung inahin mula ng nangannak sya.. 9 days na po ngayon.. pero nakaka ubos na po ng 1/4 klo na feed ration nya, okey po ba ang kahit 1/4 na ration nya sa feeds? nag sabi kasi ang technician na mahina pa daw talaga at di pa naka recover inahin sa pag panganak nya.. tama po ba?
kapag di po naging ideal na maging inahin yung gawin gilt na gawin na sow, isa din po ba ito sa problema sa pag gagatas ng inahin? ( like mataba, yung ari po nya ay hindi po naka ibaba nakataas po yung formation.)
maraming salamat po sa mga advices ninyo doc. hoping to hear another advice from you soon.
Namatay sa anemia? so far ala pa naman akong naencounter na biik na namatay sa anemia. Ang anemia kasi is common sa piglets na hindi nakakaroam sa lupa. So ang tendency yun iron reserve nila ay nauubos around 10 days. Kaya after that namumutla sila. Kaya kalimitan 3 days palang nagbibigay na tayo ng iron.
Cecical at sowlac ay makakatulong sa pagpaparami ng gatas also dapat spat ang pagkain ng kanilang inahin at tubig. As much as possible continuous dapat and source ng water ng animal
-
possible din po, pero possible din na nung lumabas yun piglet is mahina na or mababa ang timbang etc...
wag na po nila pagalain yun piglet inject na lang po nila ng iron.
Dapat full blast ang kain nito kasi madami siyang pinapadede. give vitamins nalang and try na lagyan ng tubig ang pagkain niya mismo, observed po nila kung mas kakainin niya nag wet feeds.
Yun pagagatas is more on kung pangit ba yun dede ng inahin, patay etc... Or genetically yun lahi nila is mahina mag gatas. Yun sinasabi po nila na ari na di nakababa, mataba ang baboy etc,,, sa ibang aspeto naman ng breeding ito mas associated at hndi sa paggagatas ng inahin.
-
Maraming maraming salamat po doc, at least na wala na po yung pagiging ignorant about sa mga myths about mataba, di naka baba ang ari ay nakaka apekto sa pag gagatas. maraming slamat at nalinawan po.
Additional tanong lang po, 10 days po ba talaga mag inject ulit ng iron? kasi na inject ang mga alaga ko ng iron 2 days pa lang po, eh 11 days na ngayon at sabi ng technician sa linggo na i inject at i castrate. tama po ba ang ganitong suggestion?
possible din po, pero possible din na nung lumabas yun piglet is mahina na or mababa ang timbang etc...
wag na po nila pagalain yun piglet inject na lang po nila ng iron.
Dapat full blast ang kain nito kasi madami siyang pinapadede. give vitamins nalang and try na lagyan ng tubig ang pagkain niya mismo, observed po nila kung mas kakainin niya nag wet feeds.
Yun pagagatas is more on kung pangit ba yun dede ng inahin, patay etc... Or genetically yun lahi nila is mahina mag gatas. Yun sinasabi po nila na ari na di nakababa, mataba ang baboy etc,,, sa ibang aspeto naman ng breeding ito mas associated at hndi sa paggagatas ng inahin.
-
Usually kasi 3 days ang injection ng iron. Yun 10th day additional iron yun, optional na ito. Kung hindi ka nasaksakan sa 3rd day then important na masaksakan ka sa 10th day.
Ang castration naman is ginawa within 14 days. Meron iba 5 days, 7 or 10th or 14. Iba ibang farm iba iba din kung kelan . General rule na lang is atleast hindi pa siya malaki para hindi maging madugo. Kung magagawa sana ng masbata sa 14th day mas maganda.
-
good morning doc,
maraming maraming salamat sa suggestions., at least kung meron na naman sa susunod eh, alam na ang mga gawain.
thnks po sa tips.
Usually kasi 3 days ang injection ng iron. Yun 10th day additional iron yun, optional na ito. Kung hindi ka nasaksakan sa 3rd day then important na masaksakan ka sa 10th day.
Ang castration naman is ginawa within 14 days. Meron iba 5 days, 7 or 10th or 14. Iba ibang farm iba iba din kung kelan . General rule na lang is atleast hindi pa siya malaki para hindi maging madugo. Kung magagawa sana ng masbata sa 14th day mas maganda.
-
sir pacensya na po.. qoute ko nalang po yong sagot mo. \
pwedi po kaya para mag landi yong sow, i papalapit lang palagi yung lalaki na baboy?
14 days na kasi now mula pag walay ng mga biik ay di pa nagpapakasta. sinubukan ko na nga yung in advice nyo pero sabi nong nag pakasta, baka bukas pa. ano ba ang ibang alternative pa di pa talaga xa nagpa kasta?
Why not try to stress your animal nalang if you don't want to give hormone. Limit its feed intake for around 2-3 days maybe. Give 1-1.5 kgs per day only. and see if it will heat.
The percentage of the animal that will have few piglets is just small.
If in doubt ka, try to consult your local vet so he/she could assess/ give the best solution for your animal.
30 days is too long... it will affect the overall performance of your farm.
-
Yes, pwede po, nila gawin na palapitan lagi ang inahin,
Yun iba ang ginagawa is pinupunasan ng laway ng barako or laway ng inahing naglalandi ang kulungan nung baboy na ayaw maglandi
-
gud eve doc. w/in 7 days po ba after weaning, maglalandi ulit yung inahin. ksi yung inahin parang wala sign na landi xa 7th day na xa bukas.ty
-
Kung maganda ang health status ng kanilang animal within 7 days maglalandi yan.
Minsan meron animal na medyo makunat maglandi umaabot ito ng 14 days and kapag minalas minsan 1 month pa.
-
akala ko po kasi w/in that period e landi xa ulit.
-
dapat maglandi agad siya within 7 days.... so yun 14 days medyo acceptable pa yan pero kapag 15 days na dapat intervention na it is either hormone injection ka na.
The best is kung 8 days na hindi naglandi istress na dapat yan, kontian ang pagkain, palapitin sa barako, paamuyin ng laway ng naglalanding sow etc.... then kung lagpas na 14 hormone na.
kung maliit pa lang naman ang kanilang babuyan madali po nila itong mamonitor.
-
tnx po ulit doc.
-
doc ask ko lang po sana kung ano yung mga hindi dapat gawin pag napabulugan na ang isang inahin.
ex. kung bawal na po bakunahan ng ano man.
tnx doc.
-
Iwasan ang stress...maingay na kapaligiran, labas masok na mga tao sa kulungan etc...
Usually most vaccine is not recommended sa first to second trimester ng pagbubuntis.
Feed intake is minimal usually around 2-2.2 kgs lang sa first few weeks. (depende sa recommendation ng feed manufacturer nyo)
yan yun basic...
-
tnx ulit doc.
-
Hello po sa lahat ng forumers,
help naman po oh, i need an advice, may gagawin po kasi akung inahin sa mga inaalagaan ko ngayon...tell me naman po kung ok ba to gawing inahin..pang apat na po na anak tong mga alaga ko ngayon..according dun sa pinagkunan namin, may lahing duroc daw po ang nanay nila ang tatay po parang LR and LW..peru parang mas lutang ang lahing LR kasi po lahat sila nakalaylay ang mga tiyan at mabibilog...may lahi din pong pietrain mga alaga ko...dalawa kasi sa kanila may palatandaan ng lahing pietrain...maganda naman po ang physical appearance ng napili kong inahin..more than 6 pairs ang teats nya...ang di ko lang po sigurado kung maganda po ba ang lahi nya parang gawing gilt/inahin..sana may makatulong.....naghanap na po kasi aku dito sa area namin para gawing inahin.yung tinatawag na F1..walang available kahit na sa mga farm wala daw silang stock kaya i decided na sa mga alaga ko na lang ako kukuha ng gagawing inahin..nakakainis yung technician ng ginagamit kong feeds...hindi madaling lapitan...sana po may makatulong...
Maraming Salamat,
Ken
-
Maganda po ba yun naging timbang ng inyong alaga at mga kapatid nito, pati n yun unang mga batch?
Yun inahin na pinanggalingan ba nito ay maganda mag anak, marami, malaki, malalakas at hindi sakitin?
hindi ba makulit mag buntis ang nanay ng gagawin nyon inahin. Kung positibo naman ang sagot nyo sa mga tanong na ito, it means mataas ang chance na maging maganda ang anak ng inyong baboy.
-
Doc,
Hi! Is there a possibility that there will be some piglets of a sow with rectal prolapse will not inherit it? I know that it is hereditary but it does not apply to all piglets, right? there is still a chance that the piglet will not have the condition? we have one sow and it is her first parity. she has rectal prolapse and we are hoping to get 1 of her piglets as replacement if in case something happens to her. is it ok? thanks!
-
it would be a 50-50 chance po that the animal will inherit it.
On a long term perspective it is better to find a proven piglet to replace your sow.
If you opted to choose from the batch that you have currently and only to find out later that it inherited its mother's defect your lost will be substantial.
-
Doc tanong ko lang po pgkatusok ng gonadin agad agad din ba eepekto para maglandi yung baboy? 8 mths na d pa sya nagheheat. Ilan araw ang bibilangin? Slamat po.
-
it would be a 50-50 chance po that the animal will inherit it.
On a long term perspective it is better to find a proven piglet to replace your sow.
If you opted to choose from the batch that you have currently and only to find out later that it inherited its mother's defect your lost will be substantial.
doc have you heard gold dust instead na basahan pupunas yun na daw ang ggamitn pag bago pag anak?how was vitamins ade with vitamins b mas maganda ito???
-
dadikoy, it would take 3-7 days para mageffect yan pero check mo na din kinabukasan minsan kasi nagheheat agad.
@petersotan
i havent heard about gold dust, ang una kong question dyan is ano mode ng absorption niyan , ala pa kasi akong narining or nabasa na ang vitamin ade and b ay pwede maabsorbe through skin para maging systmetic available siya. Kung skali kasi maabsorb yan more on topical or for aesthetic purpose lang yan at hindi systemic. again baka outdated lang ako, di pa kasi ako nakakabasa ng brochure nila or kung anong klase bang drug talaga ito....
-
docc nemo galing sa infarmco groups of companies yun mga gold dust at yun meta prime ATP nasa websites sila doc nemo thank you pero i asking for flyers para upload ko so ma review rin......for now i using instant-on and nutriet drench hindi ako nag ininject ng vitamin except for ADE and hog cholera vacine so far lakas naman lahat pi ko
-
Doc good morning po. Tanong ko LNG po Anu puwede ko igamot sa baboy po my sugat po sa paa ung baboy Mahigit 1 buwan na hindi pa gumagaling namamasa parang my nana. Buntis po ung baboy. Tnx!!
-
Doc memo help pls.. Hanggang ngaun Hindi pa run gumagaling yung sugat nang baboy ko sa paa, namamasa syA Mahigit isang buwan na po Hindi parin gumagaling. Namamalat na syA sa dun sa tip ng toe Nya infected na po. Buntis po yum baboy. Pls help me. Salamat po doc memo!
-
@dadokoy hindi sa kuko sa paa ang sugat ng iyong inahin? kung sa kuko sa paa maghalo ka sa tubig na merong formalin at ipahid sa kuko, gagaling yang sugat at titigas ang kuko, iwasan din yung madalas pagbabasa sa gestating, at kung may magaspang na sahig iparepair ito para maging makinis.. kung sa binti lang ang sugat na may nana incision/drainage lang gagawin mo sabay wound spray..
-
@baboypig sir tnx for the advice!!
-
doc, sabi daw ng iba kung 6-7 parity na ang sow e candidate for culling na daw.. in your own experience doc mga ilang parity (maximum) pwede pa ang sow?
yung sow ko kasi doc parity 5 na ngayong november, gusto ko sana i-extend kasi hindi pa ako nakakabawi sa sow nato ;D..
still practicing pa kasi doc kaya masyado mahina production
-
doc, magtatanong na lang din ako about sa rectal and vaginal prolapse.. meron ka ba babasahin about dito doc? paano ba i-treat ang ganitong mga kaso?
-
Doc ilang sow and pwede sa isang boar? Like 5sow/1boar or 10sow/1boar.
-
ang target ko dati is 8. pero dahil sa economics nageextend ako depende sa dami ng inaanak nila at kung maganda pa ang inaanak.
basta 10 pa ang inaanak at mabilis pa lumaki ang mga anak nito at hindi sakitin , i go molang.
big companies kaya nila yun 8 farrowing culling ratio.
ang vaginal and rectal prolapse is good as listunin na siya...
sa rectal minsan pwede pang lumaki na fattener size as long as isolated siya at puro soft diet pakain niya
ang vaginal usually cull na yan.
@keera
1 boar to 10 sow kapag natural
1 boar to 50 sow kapag AI
-
doc good pm.. my name is netchie.. baguhan po ako sa pag-aalaga ng inahing baboy, 44days na po buntis yung gilt. ika 42 days nya na pong buntis at first time nya pa lang; nawalan po sya ng ganang kumain and succeeding 2days di na talaga kumain and tumatayo para uminom ng tubig, lagi na lng pong natutulog at nakahiga.. minsan lng po tumatayo d para kumain at uminom kundi magtae at mag stretching.. ano po dapat kung gawin?.. maraming salamat po.
-
sorry kung hind ako nakareply dito hopefully magaling na ang kanilang alaga