PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: keera on November 07, 2013, 10:46:29 PM
-
Plano ko magshift ng feeds kasi lugi na ako nung una and tingin ko parang same dito sa pangalawang batch. Since nabasa ko dito na mas maganda kung ang feeds na gagamitin ay top 3 sa lugar try ko nalang ang BMEG. Tanong ko lang kung kamusta naman ang resulta ng mga alaga nyo po. Ilang yung kilo after 4 months and mga ilang sako ng feeds ang nagagamit. Ilang pre-starter, grower and finisher. Tinignan ko din yung site pero nalito ako. Para kasing may gap between pre-starter then daretso grower na. Tinignan ko ang date kung tugma pero may gap na 33 days. Kasi ang nakasulat sa pre-starter 35 to 50 days. Then kasunod grower na 83 to 137 days. Anong papakain ko sa 51 to 82 days?
And any advice po sa brand welcome na welcome po. Dadahan-dahanin ko lang ang pagshift.
-
Starter ipapakain days 51-82. 1-1.2kg/day.
Kinuha ko ng ito sa ibang thread. BMEG dynamix (farm grade) gamit ko pero parehas lng ito sa BMEG premium.
Age Bigat Tagal ng Pagpapakain Pakain bawat Araw
Booster 5-20 2-5kg 15 days 0.10kg
Pre starter 21-50 6-11kg 15 days 0.25kg
Starter 51-82 12-25kg 32 days 1.00-1.20kg
Grower 83-122 26-60 40 days 2.00-2.20kg
Finisher 123-150 61-80 28 days 2.20-2.50kg
-
Salamat. Tanong ko lang kamusta naman ang resulta? 85 kilos after 4 months ba talaga and strictly following the feeding guide?
-
4 months after walay ang pinaguusapan natin dito po hindi 4 months of age. Kung maganda lahi ng alaga mo and maganda management, aabot talaga sa 85. Tried and tested ko na xa kaya ako bumalik uli sa bmeg.
Kung kulang ang ipapakain mo sa age nila, di mo maaachieve ung published target weights. Kung naghhabol ka ng timbang at gusto mong dagdagan ipapakain nila, hindi rin effective un. Tandaan po na ung published feeding guide is already optimal based sa kanilang study. Anumang sobra kasi is idudumi lng nila un.
-
Cge po salamat sa input. I will shift to bmeg pagstart na sa gestating ng isa kong inahin.