PINOYAGRIBUSINESS

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: nickjr on June 05, 2013, 08:40:59 AM

Title: tamang feeding
Post by: nickjr on June 05, 2013, 08:40:59 AM
mga kapatid ko po sa pag baboy hihingi po sana ako ng payo nyo kung ano ma comment nyo na feeding sa stater na biik nga 40days?
tama po ba ito or mali?
Title: Re: tamang feeding
Post by: nemo on June 09, 2013, 08:21:08 PM
meron gumagawa nyan especially kapag alam nila na mabilis lumaki yun breed ng nakuha nilang biik

Title: Re: tamang feeding
Post by: nickjr on June 21, 2013, 12:16:41 PM
marami-maraming salamat po doc nemo

doc nemo puide po bang mag tanong ulit?

tungkul po sa biik na mula starter feed ,binigla ng grower feed so nawalan ng ganang kumain,ibinalik ko po sa starter ulit
meron po ba kaya chance na balang araw na lalakas or magana  ang kain nya ng grower feeds na once e lipat ko po ulit sya

maraming salamat po

puide din po mag suggest ang mga kapatid  ko po dito sa pag aalaga baboy
Title: Re: tamang feeding
Post by: nemo on June 21, 2013, 07:47:05 PM
yup gaganahan din yan sa grower feeds

nagshifting ka ba ng gradual?

Meaning few days before ka naggrower feeds  paunti unti lang muna ang ginawa mo..

example: first day 75%starter feeds and 25% grower feeds ihahalo mo then pakain sa baboy , 2nd day 50%starter then 50% grower, third day 25% starter then 75% grower then 4th day 100% grower na.
Title: Re: tamang feeding
Post by: nickjr on June 22, 2013, 01:02:37 AM
maraming salamat po doc nemo sa lahat po na info
sanay huwag po kayong magsawa sa tulad kung baguhan sa pag-aalaga ng baboy