PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: ice.blue on December 13, 2012, 12:03:51 AM
-
Hi everyone!
May isang sow po akong nanganak ng 11 last October pa. 1st parity nya. After 1 month, nawean ko na ang 11 nyang anak pero nagpa adopt pa ako ng 5 piglets sa kanya. Ginawa ko syang foster parent since yong halos kasabayan nyang manganak e ayaw magpasuso. To cut it short, bale po, 45 days all in all syang nagpasuso. Tapos d kami nagkaintinihan ng tagabantay ko, imbes 4kg/day ang instruction ko pra sa pakain, naging 1.5kg LNG. Sobrang nangangayat po tlaga ang sow ko. Bale pagkawean na tlaga after 45 days, nag increase ako ng feeding na 2kg/day. 35days na po since weaning day and 2kg/day na ang kanyang feeding. Nagbigay na din ako ng ADE at bcomplex. Payat pa rin sya pero d tulad 35days ago.
QUESTION:
1. Pagpatuloy ko LNG po ba ang feeding at antayin syang mag heat?
2. I increase ko ang feeding to 3kg/day or higher tapos antayin ang pag reheat?
3. Tuturokan ko na ng gonadin?
-
kung payat pa po increase nyo feeding para magheat siya.
-
kung payat pa po increase nyo feeding para magheat siya.
Salamat po sa reply doc. Ilang kilo per day po ang maisasuggest nyo?
-
doc papaano kung mga 1-2months hindi naiwalay ang biik sa inahin tapos namayat na hindi naglalandi,, tapos tinotodo ng pakain may chance pa rin kaya doc bumalik ang dating katawan nya, at performance na marami pa rin manganganak ito... kung ibabase kase doc sa body score 1 lang... ano po advise ninyo? salamat po

Tanong ko dn po to doc. Sana masagot nyo po or Kung sno nkakaalam. Thnx
-
kung 1 ang body score pakainin ng grower pra bumawi.
kung lahi kasi niya na marami manganak then basta bumawi katawn niya may chance na bumalik sa dati ang kanyang production
-
kung 1 ang body score pakainin ng grower pra bumawi.
kung lahi kasi niya na marami manganak then basta bumawi katawn niya may chance na bumalik sa dati ang kanyang production
Doc, ginawa kong 3kg per day ang feeding. So far nakabawi na ng konte ang sow ko. Kung sakaling d pa rin mag heat sa first week of January, magtuturok na po ba ako ng gonadin? Bale po mag 2 months na since weaning day sa January 4, 2013
-
saksakan mo na ng hormone kapag ayaw pa magheat
-
saksakan mo na ng hormone kapag ayaw pa magheat
Ok po doc. Salamat sa pagrereply. Babalitaan kita once nag heat naturally ang sow ko or tuturukan ko ng hormones. Salamat ng Marami uli ho doc.
-
Problema tlaga sa pakain kya tumatayo ang dry period. Nag heat na po sya doc Nong dec 24 ng hapon. Pina AI Ko na kaninang hapon. Salamat po sa lahat. More powers!
-
nice to hear that nag heat na yun alaga nila
-
I would to start on piggery business or swine raising I would like to request for a feasibility study
Please send it to my email address. Thank you! More power...
:)
-
check your mail...
--------------
Join the swine raising seminar this January 27, 2013 for details click here SWINE RAISING SEMINAR (http://www.http://pinoyagribusiness.com/forum/swine/swine_raising_seminar-t3195.0.html)