PINOYAGRIBUSINESS
General Category => FORUM RULES => Topic started by: Rustley143 on December 01, 2012, 07:59:23 PM
-
Hello po.. Second session na po namin sa pag aalaga nang baboy and we admit na wala pa kameng mashadong slam tungkol sa pag aalaga ng baboy.. Bumi bili po kami ng biik at pina palaki namin hangang 4 months.. Napa gastos po ang pag papa kain namin ng mga baboy na Ina alagaan namin kasi wala po kameng Alam ang alam lang namin ay mag simula sa pre starter, starter, grower at finisher.. Pero ang mga biik na nabibili naman ai hinde bagung panganak.. Sila ay usually 2 months old na or 1 month old na.. Paano po ba eto..? Tama po ba mag simula sa pre starter kahit 2 or 1 months old na sila ng na bili namen..? If not ano po ba dapat pina pa kain namen hangang 4 months na pag papa laki namen na ba bili namen 1 to 2 months na..? Patulong namen po..?
-
first thing to do po is ask yun nabilan nyo kung ano feeds kinakain, nasa starter ba siya, prestarter etc at ano timbang nito
halimbawa: 16 kgs siya at prestarter ang feed niya, so nid mo magcompute. depende sa feeding guide ng feeds na bibilin mo ang recomendasyon nila.
Sa ACE feeds brochure ang nakalagay:
feed weight of animal total feeds/stage
ace prestarter 10-20 kg 15 kgs
so it means sa timbang na 10-20 kg prestarter ang kakainin ng baboy at ang total ay 15 kgs makakain nya.
20kg -10 kg = 10 kg gain ang baboy
15 kgs of feeds divided by 10kg gain = 1.5 kilos of feeds per kg of meat
ang baboy ay 16 kilos pa lang at kulang pa ng 4 kilos para umabot sa 20 kg
4 kgs x 1.5 kg of feed = 6 kilos.
so ang isang baboy na 16 kilos papakainin mo pa ng 6 na kilo ng prestarter bago ka lumipat sa starter stage.
then ifollow mo nalang yun feeding guide ng feed manufacturer mo.
sa ace feeds ito yun dami ng feed na ipapakain mo sa isang animal(note sure kung meron bago sila brochure):
prestarter = 15 kgs
starter = 36 kgs
grower = 66 kgs
finisher = 84 kgs
sa mga sanay na sa pagbababoy ang ginagawa nila per sako:
prestarter = 1/2 sack
starter = 1 sack
grower = 2 sack
finisher = 1/2 sack above
-
doc tama bang mula pagkapanganak ng biik hangang 45days kung ibebenta sila ang avarega lang nilang kakainin ay .750grams??
ano naman po ang average kg na kakainin ni fattener from birth hanggang 150days maibenta?
tnx doc
-
mga ganyan ang average ng kakainin nila within 45 days. pwedeng less pa kung magatas ang nanay nila.
average feed consumption from 2.2-3.5 dpende sa ganda ng breed and pakain