PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => DISEASES => Topic started by: darjen on October 10, 2012, 11:25:58 PM
-
Goodevening po doc nemo. Meron po ko baboy fattener. Bale 88 days old na siya sumula ng isilang. Ngayon gabi ko lang po napansin na may nakaulwang tumbong sa puwitan ng baboy ko namamaga parang parte na ata ng bituka. Tumatae sya ng malambot na para bang dinadaragis. Ano po ba magandang gawin dito. Kanina naman poy wala ngayon lang gabi. Delikado po ba to ano pong magandang lunas? Sana po masagot nyo asap at nag-aalala po ko sa baboy. Thanks...
-
sorry s delayed reply.
pagganyan po itinutulak pabalik yun lumabs na part. buhusan po muna nila ng tubig para malinis then soft feeding lang po sila.
better po sana na wag isama sa ibang baboy.
if after ilang days at lumalabas pa rin then better benta na lang po nila.
kung minsan po kasi lalo pong lumalala yan. minsan nagstop sa paglabas pero meron pa rin nakausli
-
ok po doc salamat po..
-
doc tanong, ano bang magandang gawin kung ang isang biik ay may luslus? pwede pa ba itong malunasan?
salamat po
-
luslus tiyan? or luslus sa itlog/ testicle ng biik?
pag sa tiyan kasi , habang lumalaki ang biik lumalaki din ang luslos sa tiyan. dpende din kasi kung alin talaga ang lumuslos, kung mesentery lang lumalaki naman ng maayos ang baboy , pero kung medyo may ipit na bituka bumabgal ang laki ng baboy.
kung luslos sa testicle naman then kapag kinapon si biik , ibinablik sa pwesto/ itinutulak yun lumuwa na part then tinatahi yun pinagkapunan.
-
SA tyan lang sya doc, possible ba na magkaroon sya ng impeksyon na pwede ikamatay ng baboy habang ito ay lumalaki.?
-
doc,,may gamot po ba pra mawala yung luslus sa tiyan,,?????habng lumalaki kasi baboy palaki din ng palaki,,
-
ala po eh, talagang lalaki at lalaki lang siya.
ang ending po nyan kapag binenta nagbabawas ng 3 kilos or more yun buyer sa timbang ng alaga nila.