PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: darjen on September 10, 2012, 11:12:20 PM
-
good evening doc nemo. tanong ko lang po kung pwedeng pagsabayin ang 2 bakuna? anti pneumonia at anti cholera..nalilito po kasi ako kc meron vet n ngssbing pwede pgsabayin pra 1 stress lng. meron dn nmn vet n ngssabi n 1 week interval bgo p mgbakuna ng 1 pa..
thank you in advance po s sagot nyo...
-
should be 1 week interval.. Manghihina ang inyong biik kapag pagsasabayin ito.
-
@ baboypig. Salamat sa pagsagot. Pero 3x ko na po nagawa to wala naman pong nagiging problema. Tinatanong ko lang kung di mawawalan ng bisa yung bakuna. Kase wala naman naging problema sa mga dati kong baboy na nasubukan ko ng ganon.
-
actually nagbakuna ako ng baboy last week sabay ang 2 bakuna magkabilang pige anti pneumonia yung s 1 at cholera yung sa kabila. Para ngang walang nangyari magana pa rin kumain na parang di dumaan sa stress.
-
bawal magsabay ang bakuna kapag kaparehas live vaccine ang ibinibigay nila.
ang nagiging problem kasi kapag nagsabay ka ay pwede magkasakit ang animal nila dahil over work ang immune system or pwede naman isa dun sa 2 bakuna mo na ibinigay ay hindi tumalab.
yun hog cholera live yun... anti pneumonia ? ah di ko alam kung ano brand kung ito ba live or bacterin etc...
Usually, yung mga live vaccine yun ang bakuna na may diluent.
meron naman bakuna na modified live/ attenuated - slightly live ito
meron din bakuna na killed talaga / bacterin etc.
yun live at isasabay mo sa live talagang No, No...
yun live at attenuated / modified.... gray area yun may nagsasabi hindi pwede meron ok lang. ito dati kapag hindi na kaya ng oras ginagawa ko.
live and killed pag pinagsabay , ok lang.
pero pinaka safe is always do it one week apart.
-
ok doc nemo maraming maraming salamat po. makakatulong po ng malaki ang inyong advice..
-
doc coglapes at respisure1 po ang brand ng vaccine na ginamit ko..
-
better sana ihiwalay mo nalang ;D ;D ;D
baka lang matsambahan ka , may mga cases minsan naaalergy ang baboy sa respisure1...
mas gusto ko yun isang respisure na dalawang dose ang gagamitin.
incase na magkaroon ka ng allergic reaction, basain mo ng basain yun baboy. and tandaan mo kung sinong nanay at tatay nung piglet na yun, kasi malamang kapag nagbakuna ka uli mula sa nanay at tatay nun mag aalergy siya,,, lahi lahi ba...
-
Doc anu po ba ang mga vaccines na ibinibagy sa bagong panganak na biik. Anu ang intervals po? Salamat po doc.
-
check your mail
---------------------
Join the Pinoyagribusiness Mailing list and be entitled to join the
(Pinoyagribusiness mailing list (http://www.pinoyagribusiness.com/subs.html)) swine manual raffle this coming October. Please after subscribing check your email/ spam box to confirm your registration. thank you...
Note: previous members/ old members are not automatically registered in the mailing list. You need to manually subscribe.. Thank you