PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: Shiva on March 29, 2018, 04:27:21 AM
-
Doc, tanong ko lang po, ano pong mga pagkain ang bawal sa buntis na baboy?
Ang gulay po ba na hilaw ay bawal? kunwari po repolyo or pechay na hilaw.
Hindi po kasi purong feeds ang pinapakain namin. Ngayon lang po namin to gagawin. 4 na po kasi ang inahing baboy namin, kaya mag aalternate po kami ng pagkain nila, FEEDS po and GULAY. Ano po ba yung maganda, FRESH NA GULAY or LUTO NA GULAY? HIndi po ba makakasama ang fresh?
SALAMAT po.
-
hindi naman po masama ang fresh na gulay sa kanila yun nga lang po dapat sigurado sila na wala itong bulate at nahugasan mabuti....
-
Doc, may natanungan po kami, may piggery din po. Sabi po nila bawal daw po ang repolyo sa nagpapasusong inahing baboy, dahil nawawala daw po ang gatas ng inahin. Totoo po ba yun???
-
so far ala naman akong makitang connection ng repolyo sa gatas ng inahin.
all in moderation lang po ang pagpapakain. hindi pwede puro repolyo lang , dapat may halo din ibang gulay, darak , corn etc...
-
Ah, ganun po ba. Thank you po.
-
Good day po doc,tanong ko lang po..kahapon po april 22 2am.nanganak po yung inahing baboy ko..12 po anak niya pero patay po yung isa..matagal tagal yung labor niya ngayon doc,,,nangyari po.nasira niya po yung bobong niya..tapos kahapon po ng umaga nabilad siya ng 2-3 oras po doc kc hindi pa naayos yung bobong niya..napainom ko po siya ng tubig doc..tapos simula kagabi po kunti lang po nakain niya pati kaninang umaga..hingal na hingal po siya doc kahit kunting galaw lang niya...anu po kaya nangyari sa kanya at anu po pwedeng gawin o gamut para gumaling po siya agad?