PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: Shiva on March 16, 2018, 06:33:11 PM
-
Hello po sainyong lahat. Tanong ko lang po kung normal lang sa isang biik ang magtae ng liquid?
Ang biik po kasi namin ay bagong panganak, 1day old pa lang po, ayaw magpadede ng nanay, parang nasasaktan, pinutol na din nga po namin ang mga ngipin ayaw pa rin magpadede. Pinapainom na lang po namin sila ng gatas sa bote, ok po ba yung PORK O MILK (pangalan ng gatas) bilang substitute na gatas?
Salamat po sa sasagot
-
sorry sa delayed response. matagal ko na rin po napabayaan ang website na ito dahil busy sa work
pag ayaw pong magpadede ni inahin lalo na at unang anak ito ang isang simpleng ginagawa sa inahin para magpadede at masanay ay binibigyan ng konting gin , up to the point lang na maging submissive ito sa pagpapadede. gaano karami? kahit 20 ml lang muna then increase up to 50 ml para maging mabait. one time lang gagawin ito.
actually meron gamot na isinasaksak para maging kalmado sila pero not sure ako kung available siya sa market. usually kasi dati sa field gin ang pinaka madaling makuha na pwedeng alternative.
-
Thank you po.
-
Hi po Doc nemo God Bless, anong gin po ito, alak ba ito?
Salamat po.
-
yup alak po, konti lang to the point lang na makakalma siya.
-
Hi...doc good day po,sana makita nyo po ang query ko na ito....may mga biik po ako actually hindi naman po silang lahat eh nagtatae may ilan ilan lang...mag 1 week na sila sa akin basa pa rin dumi nila...pero malakas naman kumain at umiinom din...anu po kaya ang pwedeng maging remedyo dito doc?