PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => DISEASES => Topic started by: alshane on January 07, 2012, 09:19:31 AM
-
good day doc.
doc bago lang po ako sa pag-aalaga ng baboy, may nabili po akong baboy, sa ngayon 10 weeks na sya at ngayon ko lang napansin na parang may tumubo na bukol sa pusod nya pero maliit pa naman, sabi ng iba hernia daw ito. tanong ko lang po doc kung pwede ko pa bang gawing inahin tong baboy na to in the future?
-
alshane, hindi po magandang gawing inahin yan at hindi din po lalaking maganda kc po stress cya dyan sa hernia, ung iba po lumalaki ng kasinlako ng niyog...
-
maraming salamat po sa advis, hahanap nalang ako iba na gawing inahin,
-
good day doc.
doc bago lang po ako sa pag-aalaga ng baboy, may nabili po akong baboy, sa ngayon 10 weeks na sya at ngayon ko lang napansin na parang may tumubo na bukol sa pusod nya pero maliit pa naman, sabi ng iba hernia daw ito. tanong ko lang po doc kung pwede ko pa bang gawing inahin tong baboy na to in the future?
Doc good day po. May kapareho akong baboy na ganyan po ang sintomas, lalaki po and for fattening. Tanong ko lang po kung pwede pa pong magamot whether oral or surgery? Sayang naman po kasi. Pero kung sakaling hindi na po magamot, pwede pa po bang gawing fattening tapos katayin na lang po? Instead na ibentang live weight.
Thanks po in advance doc! :)
-
hindi po siya nagagamot orally , surgery naman is not advisable
lalaki naman po ang baboy minsan po up to fattening size pa , kung sakali umabot 80 kilos plus nagbabawas na lang ng timbang ang ahente ng baboy to compensate dun sa hernia. para fair to both parties
-
doc ano kaya ang sanhi ng bukol na tumutubo sa boar sa bandang tiyan malaki at matigas, ai boar po sya,
sept. 29 huling sampa nya at ng oct 2 biglang nagkabukol 2days lang po pagitan.
nasa picture gallery po yung picture bagong upload
history po nya is may bukol na sya dati pero maliit lang, akala ko nga simpleng pigsa lang
pero di naman pumuputok/nawawala halos 4mos na yung bukol nya tas this oct. 2 biglang lumaki
-
sad to say pero mukhang umbilical hernia pa check mo sa vet na malapit sa knila. nun time na maliit pa ito i means may slit lang ng kaonti yun tiyan nya kaya hindi lumabas pa lahat. nitong lumaki na siya at bumigat ang tiyan then batak pa sa pagbreed tuluyan napunit yun part tiyan kaya lumuwa yun pinaka mesentery and possible intestine din.
-
hindi po siya nagagamot orally , surgery naman is not advisable
lalaki naman po ang baboy minsan po up to fattening size pa , kung sakali umabot 80 kilos plus nagbabawas na lang ng timbang ang ahente ng baboy to compensate dun sa hernia. para fair to both parties
Doc thank you so much! paensiya na po kung late reply, ngayon ko lang po kasi ulit naharap mag-online... God speed! :)