PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: up_n_und3r on November 14, 2011, 11:49:28 PM
-
Gud pm doc and all,
Nanganak po ng 10 ung inahin (1st parity) namin kgabi, mejo matagal labor nya inabot ng 6hours and dukot ung 5.
Question ko lng po is normal po lng ba ung biik na kakasilang e nagdudumi ng may dugo tpos nanginginig pa xa? Sabi nung kapitbhay po is normal lng po un sa mga bagong silang and mawawala rin daw ung magdudumi ng dugo. How true is that po kaya? 1st time po naming nakaencounter ng ganun kc kaya di namin alam kung sakit xa or normal lng. Paano po maiiwasan ung panginginig nya? well heated nmn po cla.
Thanks.
-
can i asked a fovor if you can give a copy of sow-fattening calculator..please send to my email. scathz19856@yahoo.com
thanks a lot and more power..
-
kung fresh blood yan hindi normal yan
pero kung dark brown possible na meconium pa yan, normal yan.
ang possible reason din kung bakit nanginginig is hindi nakakadede ng maayos
-
ok doc, thanks.
-
doc nemo,
helo po doc can i ask favor pakihelp naman sa tanong ko
ano bang sakit nito at ano ang treatment? kasi yong dalawang biik namin 3 days lang ang gap sa kanilang pagkamatay
pareho ang sign ng kanilang karamdaman ang bilis ng kanilang paghinga
during sa kanilang paghinga pumapumping pa ang kanilang tiyan at walang gana
dumede at tuloyan pa hanggang di na sila dumede at hanggang sa kanilang pagkamatay.
hearing your rply doc..
maraming salamat po!!
-
yong unang namatay po doc ay nasa 7 days old,
yong pangalawa nasa 10 days old po!
-
my bakuna po ba yun inahin nung bata pa ito tulad ng mycoplasma, hog cholera etc...
may heater din po ba ang kanilang kulungan?
mukhang respiratory problem ang tumama sa kanila, mababawasan ang occurence nito kapag ang inahin ay nabakunahan dati.
another possibility , yun dalawang nabanggit nyo ang pinakamaliit sa grupo kaya pag dede nila ay lagi silang huli this could lead to chilling and other respiratory signs.
-
helo po doc,di po alam namin f may bakuna ba cla tulad ng nabanggit mo,
wala namang heater ang kanilang kulungan,ok doc lagyan namin.
maraming salamat po doc.
GOD bless!!!
-
Doc, ano po gagawin ko sa 14day old na biik na mahina magdede? Maysugat kc ung paa nya, nilalagyan namin ng betadine, mejo may pilay p rin and hirap xang mkpagcompete kpag magdedede. Ang gngwa na namin xa ung inuuna na lng para di xa mahirapan. Kaso po lately, ayaw na rin nya magdede po. Ano po magandang gawin para makabawi po xa sa pagdede? Hinala ko kc bk mamatay dahil di makainum ng gatas.
-
kapag ganyan tlc(tender loving care) ka talaga. you need to give milk replacer para sa kanya. give na rin creep feeds or booster feeds para masanay na siya sa solid foods.
-
doc nemo nakita ko po yung vaccination program ninyo send sa email...
Ask lang po talaga bang required ang pag babakuna ng Mycoplasma?
kung ang weaners ko ngayon ay 15heads lang...
O ito'y required para sa mga malalaking operation like 50sow level and up..
-
Mga Kuyang, follow ko lng ung topic dito. May reaction ba sa biik kapag sobra/kulang ung iron? Ksama po ba doon ang panginginig?
Ung alaga ko pong may pilay, di na po naagapan, dedo na rin. Ang mali na napansin ko is ung iron tinuloy pa rin xang nainjekan kht di na xa madaxo nagdedede. Dapat sana pinadelay ko na lng or ung dosage onti lng sana kc dagdag stress ung injection. Anyways, lessons learned na rin sa amin.
May on the way na manganganak tonight, tpos na ung 2 kong inahin, tig-9 po ung anak nila. Then ung sa bayaw ko, 8 nmn. Hopefully all is well para makabawi nmn kmi pagdating ng may next year, bago bumagsak ung prices. =)
-
doc,
yung 2 biik po nman, 12 days old, nanginginig sila. lalo na pag nakatayo.
ok naman dumi at malakas dumede. nakikitakbo din.
since birth ganun na daw sila, ano po kaya sakit yun?
may case kaya na gumaling yun? ano po medicine pwede?
thanks
-
kung inborn na siya possible na naapektuhan ang kanyang nerves nung ipinagbubuntis siya ng nanay niya.
usually ang pangpakalma sa nanginginig tao man or hayop ay vitamin B . so choose a vitamins na mataas ang level ng vitamins B , para makalma ang nerve nila.
-
Doc,
Follow-up question na lng po. May alternative po bng gamot aside sa penstrep para sa mga inahin after manganak?
Thanks.
-
amoxicillin
-
Mga Kuyang,
Hingi lng ako ng advise sa isa kong inahin.
Umuwi po ako sa farm last weekend para icheck personally mga alaga ko. Ung problematic na inahin ko kpapanganak one week ago. Mataba xang inahin pero ung mga anak na nilabas is mapapayat and ung iba maliliit. 12 lahat nilabas nya, 3 dead na paglabas and ung ibang nabuhay, isa isa na nangangayayat kc wala maxadong gatas ung inahin.
Pinaturukan ko ng penstrep ung inahin pero til now may lagnat p rin. We were thinking na baka may naiwan sa loob pa pero sinabi ng mga tumingin na technician, kung may naiwan pa, ung behavior ng inahin is pahiga higa na lng and dapat pulang pula na katawan nya na parang mapopoison na xa. So di na namin inisip na turukan ng oxytocin. Ang sabi na lng nila is banyosan n lng ng suka w/ water batok, kili kili at singit. Pero ung issue sa milking ability, tlagang onti milk nya raw. Di nmn daw matigas ung mga dede nya kaya hindi na kelangan un oxytocin tlga na pang milk letdown.
Ang worry ko is kung may mabubuhay pa na anak nya kc 2 na ung namatay, 7 n lng natira sa kanila and everytime na dumedede, parang onting onti tlga nkukuha kc payat pa rin sila e.
8 days na nila ngaun doc, nagpabili na rin ako ng milk replacer para ipump after magdede. nagpump rin ako ng 1st pulse sa kanila para makayanan pa nila. Ano pa po ba ung pwede kong gawin sa mga biik ko? Ayaw naman nilang dumede sa ibang inahin, 2hours na nilagay sa kabilang pen, di nmn sila nagdedede dun. Pano po ba tamang paggwa dun?
Thank po.
-
kung 8 days na piglet nila sabayan na nila ng feeds ang gatas magbigay din sila ng vitamins na.
sa inahin give calcium na rin para mag gatas and dapat laging available ang water.
ang herbal alterntive is nagbibigay ng mallunggay sa inahin kasi marami itong calcium.
-
thanks doc.
bukas tuturukan na ng vtamins mga biik. papacreep feeds ko na rin ng prestarter, wala kasi akong booster, pwede na cguro po un then follow-up ko ng faramate. then ung v22 papahalo ko na rin sa feeds nya. padagdag ko na rin ng malunggay. though hinahaluan na rin namin ng faramate ung feeds nya.
-
Up,
Share ko lang gawa namin sa inahin pinakakain namin ng cooked malunggay leaves continous yun habang nagpapadede, hindi na din ako gumagamit ng lactation, broodsow lang, continuos vitamins sa biik at inahin lang. maganda ang gatas ng mga inahin ko so far wala naman kami nakikita na problema sa pagpapakain ng malunggay. at sa mga biik 5 days old pa lang binibigyan na namin ng pigrolac booster
-
Thanks Eric for sharing.
@Doc, nabigyan knina ng vitamins 0.4ml kaso nagtatae sila ngaun. Nagccreep feeding na po kmi ng wet prestarter. Ang pnpgawa ko ngaun sa kanila para ma-address ung pagtatae e tripulac sila. May isang biik, ung hinihinala kong bk bibigay last time ngaun mejo ayaw ng dumede. What went wrong kaya doc sa ginawa namin?
Under observation pa rin sila and overnight ngaun. Gaano po kadalas po namin bigyan sila ng prestarter and faramate? Every hour kc namin silang pinapadede then afterwards, prestarter + faramate kc wlang gatas po tlga ang inahin. How frequent po b namin i-aadminister ung prestarter feeding + faramate? Thanks po.
-
ang nakasanayan ko kasi na pakain is iniiwan lng namin sila ng feeds.
Kakain sila kapg gutom. sa gatas naman meron din drinker a exclusive para sa gatas. then paunti unti lang ang lagay para di mapanisan.
-
Doc,
Update lng po kita. 6 n lng po natira sa anak nung onting gatas na inahin ko. Mga payatot na sila kht lagi silang pinapakain ng booster at faramate. Wala ng gatas tlga kc inahin kht anong gawin namin. Ano pa po ba pwedeng gawin? We're losng hope na and ung mga bantay ko mejo pagod na rin sila, 2 weeks na nilang gngwa pump ng milk and feed sa booster.
Although nagmimilk nmn sila sa lalagyan, kulang pa rin ung nakukuhang nutrients nila compared sa mlk ng inahin. Maganda naman na ung feed ng inahin namin and naghahalo pa kmi ng faramate. Nagtatae pa ung mga biik. Scheduled booster shot ng iron nila. Sana makatulong.
Mga kuyang, share nyo rin kung ano pa possible na pwedeng gawin.
Do you think it's wise to cull ung inahin? Ayoko na kasing magsuffer uli anak nya kung we give it a second chance.
-
@up...
May inahin din akong kagaya sa inyo..
Noong una binigyan ko ng chance sa kanyang 8 piglets niya tatlo lng ang natira...at talagang behind na sya sa timbang w/ respect to edad.
Sa pangalawa ganoon pa rin...pero sa 6 na piglet survive lahat pero ganoon pa rin payatot ang mga biik...sa ulit behind na naman sa timbang w/ respect to edad.
Sa aking opinion ang tedious at costly dahil sa added milk repalcer at napalaking epekto sa sched for the nxt farrow...kasi i-prolong mo ng kaunti ang weaning sa mga biik.
Kaya cull ko na lng...at saka ang sungit pa na inahin tuwing mag-farrow lagi akong naghanda ng bino para pangkalma.
-
Thanks Kurt for sharing your experience. Tama ka, ung sacrifice ung bantay ko rin ung iniisip ko kc di pwedeng pbayaan mga un. I wont take chances na lng, kuha na lng ako ng pamalit lahi sa batch ko ngaun.
How much po ba benta ng mga inahin ngaun?
-
benta mo na lang mukhang makulit yan inahin mo.
i assume mo na above 50 pesos per kilo sana ang presyo ibigay sa iyo kapag binenta mo na inahin