PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => DISEASES => Topic started by: baboypig on August 29, 2011, 03:10:21 AM
-
Doc please help paano namin ito gagamutin sa aming F1 sow
naka 1st parity na po siya at 12piglets pero noong nagbubuntis siya
napansin na namin unti unting nagprolapse siya...
Ito po ngayon prolapse nya buntis po yan ngayon at 50days.
(http://i52.tinypic.com/302xk4w.jpg)
Ito po itsura after namin maibalik ng may ice (yelo).
(http://i51.tinypic.com/2a4pb1z.jpg)
Ano pa ho ang pwde ibigay na gamot?? para huminto na paglabas ng rectum nya?
salamt po sa inyo doc nemo. mabuhay kayo.
-
Soft diet lang po ang pwede nila ibigay sa inahin. Yun marami tubig para malambot dumi nila.
Kapag lumabas pa uli yan mas malamang na bentahin po na yan. Ang problem kasi sa mga prolapse bihira po yun kapag binalik mo ay napipirme....
-
Ahh buntis po ito doc pagbibigyan pa po namin ng isa pa... then tska namin icull..
-
ang magiging problem kasi kung lumabas uli then magpatuloy yun pagbubuntis, lalabas at lalo pang magprogress ang kaniyang prolapse. at imagine nyo nalang habang umiire siya at may prolapse siya... baka di siya makasurvive.
-
@baboypig, kmusta itong inahin nyo na may prolapse?
Ganito rin ung scenario ng inahin ko 1st parity. Worse, aside sa rectal prolapse may uterus prolapse rin xa. 5 healthly piglets nilabas nya, ki-null na lng namin kc grabe na ung lumalabas. hayz. emergency culling, mababa ung rate sa typical lw ng inahin.
@doc, ano po usually cause nito and paano po ito mapprevent? thanks.
-
meron due to genetics
meron din due to pneumonia
meron din dahil sa diet.
so if you prevent pneumonia maprevent/lessen ang chance ng rectal prolapse... kung iisipin malayo ang lungs sa puwet pero ang sobrang pagubo minsan nakakacause ng abdominal compression na nagiging cause ng prolapse. diba sa tao nga minsan pagsobra lakas ng ubo napapaihi o ipot..
diet , nid ng maraming water para maging medyo malambot dumi para hindi hirap pupu
-
Doc marami sa mga backyard nagpapakain sila ng puno ng saging, napier grasses, Darak 2 (d2) which is maraming residue. kaya pwde rin maka pagcause ng prolapse sa rectum.
-
possible din yan kasi monogastric ang baboy it means hindi siya nakakatunaw ng mga fiber na matitigas tulad ng mga nasa napier etc...
-
Thanks po. Pwede rin po bang cause nito is in-breeding rin?