PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: laguna_piglets on July 13, 2011, 10:22:26 AM
-
Chromium Tripicolinate
(http://s1.postimage.org/7mvujais/07022011_copy.jpg) (http://postimage.org/image/7mvujais/)
Doc Nemo para saan po talaga ang paggamit nitong Chromium Tripicolinate (feed additives)
Ano po Advantages and disadvantages ng paggagamit nito sa mga Sows and Boars (reproductivity)
Maraming salamat sa inyo.
-
Yung initial labas ng chromium tripicolinate ang indication niya is for growth promotant and fertility / productivity ng inahin and boar...
Kami dati ginamit namin as meat enhancer /growth promotant sa estimate namin around 2-3 kilos ang nadadagdag sa timbang ng animal...
pero lately mas napropromote siya para sa inahin....
Advantage dadami or magiging productive ang inahin
disadvantage yun price ng chromium ....
-
Doc ano po difference ng Chromium at ractopamine? Thanks!
-
yun ractopamine pang lean din ng muscle ng baboy. pero i am not sure kung ginagamit siya as for improved reproductive performance... parang ala ito sa kanyang description.
-
okay po...Thanks!
-
Salamat sa inyo doc..
Tama nga hinala ko nagpapaimprove ito sa reproductivity ng sows and boars... Nagstart na kmi magmix nito sa kanilang feeds na kinakain..
-
anung company po ba nagbebenta ng Chromium Tripicolinate? magkanu po per kilo?
-
Search mo lng kuyang sa google ung nkaindicate sa picture. Delta Agrivet ata.
It's around 200/kg if I'm not mistaken.
-
doc nemo,
ask lang po ito bang chromium tripicolinate ay the same diin po ba ng atovi ang result nya or ano po ang mas magandang ipayo nyo po sa akin kasi ako atovi gamit ko which is good naman po sa sow at piglets.
-
in terms of result, wala akong data na magsasabi na parehas ang result nila. ang masasabi ko lang almost parehas ang claim nila.
kung good naman ang result ng atovi nila then stick muna sila dun.
-
good day doc,
thanks sa info doc ,ok sa atovi nalang ako kasi sure na ako sa performance nya..
doc followup lang ko sa dati kong tanong kasi ang isa kong piglet namatay na after 5 days kasi walang labasan ng dumi or puwit kaya nang hina sinusuka nya kasi ang dumi nya,balak ko sanang surgery kya lang d payag mrs ko kaya wait nalang namin hanggang sya nabawian ng buyahay.
-
atresia ani ang technical term dito. ito po yun alang butas ang puwit. usually namamatay na lang ito, bihira po ang nagsusurgery.
kapag babae minsan lumalaki hanggang litsunin size,kasi dun sa pwerta nila lumalabas yun dumi.
-
thanks doc
-
Doc may bagong update regarding the use of ractapamine in China
http://www.pigprogress.net/news/china-bans-ractopamine-growth-promoter-used-in-pig-feed-8172.html?cmpid=SOC|Twitter|PigProgress
-
Kawawang ractopamine nadamay sa issue ng salbutamol...
-
pero allowed pa rin naman aw ang pag gamit ng ractopamine sa 20 countries..
like on this site
http://www.pigprogress.net/news/ractopamine-in-feed-improves-pig-growth-3730.html
-
recently si purina nagrelease ng product nila na grower2 na may ractopamine. i'm assuming na ok itong gamitin sa pinas since may nagbebenta nito legally.