PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: sanico on May 23, 2011, 11:20:41 AM
-
Hi Doc Nemo,
I have 3 - F1 Gilts ( LR x LW ) with uneven teats.
Gilt 1 and 2 - Number of teats are 8 and 7 , total of 15 teats.
Gilt 3 - Number of teats are 7 and 6 , total of 13 teats.
Are these F1 Gilts good for breeding or not ?
What are the advantages and disadvantages when these Gilts will have piglets ?
Are they prone to Mastitis and Other deceases during their milking period to her piglets ?
Thanks
-
farm produce po ba yung gilts nila?
-
From the Breeder Farm and it was delivered 2 weeks ago. I inform them already pero wala pa sagot sa email ko.
farm produce po ba yung gilts nila?
-
dun sa gilt 3 ang problem is if more than 12 ang ipinanganak , although 13 siya sometimes yun pang 13 non functional. although yun 12 teats is the minimum naman po na need nila.
dun sa gilt 1-2 okay naman ang 15 teats kung patay man ang isa nasa 14 pa sila.
better sana kung nasa14-16 teats para atleast kahit madami anak di mag aagawan.
dati kasi ang usual na dami ng piglet born nasa 12 pero ngayon kasi dahil sa advancement na ng genetics medyo nalalagpasan na nila ito madalas.
in terms of mastitis , ala naman po akong nababasa na related sa dami ng teats nila ang occurence...
-
Maraming Salamat Doc. Kasi nagtatalo kami sa mga gilts na nabili namin because of uneven teats.
Next time, dapat ma inspection ang mga gilts bago ibaba sa truck nang nag deliver na breeding farm.
Di kasi na inspection kaagad at nakita ko lang last Saturday nang pumunta ako sa farm.
-
is it a hypig or pic kuyang? hindi daw po kasi pwedeng mamili sa mga gilts nila dahil according to them piling-pili na mga inilalabas nila
-
Sa Infarmco (sa kinukuhanan namin ng pang inahin) ppwede kang mamili ng mga gilts sa marketing building nila.. Karamihan ng buyers nila maseselan kaya piling pili din nakukuha nila.. Bago ideliver sa inyong farm..
-
It is a big breeder farm in south luzon. Wag ko muna sabihin dito sa forum ang name ng farm, pero kilala sila. Sila kasi ang namiili
at deliver na lang sa farm mo due to bio-security reasons. Until now wait ko pa ang response nila otherwise I will cancel their succeeding
delivery.
-
ilang months yung gilt nung binili mo kuyang? may nakausap akong farm manager, palibhasa kababayan kaya sinabi niya sa aking wag daw bibili ng 7mos na gilt dahil karamihan dito ay mga pinagpilian na
-
Ang edad ay between 5 1/2 mos. to 6 months.
-
update mo kami kung nagreply na yung farm kuyang
-
Hi Doc Nemo,
At last my 3 F1 Gilts with deficiencies were replaced today by Luz Farm. It took 38 days before the replacement were done.
With some exchanges of pros and cons on email messages. But I loss already financially and time for 38 days of feeding the gilts including
the vaccines and meds. Mahirap talaga pag di ikaw ang pumipili sa breeder farm at derecho deliver sa location mo. Next time, ayoko na ibaba
lang ang gilts without checking the condition before they unload. That's my lesson and experience being a new backyarders.
-
Nako kung nagka problema pa or nanamlay or napilay... Bebenta na lng yun sa presyong fattener. Dapat meron silang consultant na bibisita sa farm na kanilang pinag deliver ng stocks.. Kahit backyard lang din.
-
Charge to experience nalang po....
Buti nga po pinalitan nila. kasi minsan di sila papayag dahil pagbinalik sa farm nila pwedeng maging source ito ng sakit din.
-
mag sir magkanu ba ung guilt na nabibili sa malalaking farm?.pure po ba breeding nyan?.kac ung guilt ko kinuha ko lang sa mga fattening ko den ung anak ng sow ko kukuha ulit ako ng mga babae para gawing guilt peru titgnan ko po kung madaling lumaki mga anak ng sow ko..
-
meron kayang farm bilhan ng guilt na magagandang lahi d2 sa ilocos?.
-
try po nila yun contact sa baba baka po meron malapit silang multiplier sa area nila
PIC Philippines, Inc.
Unit 2102 Jollibee Plaza
F.Ortigas Jr. Road (formerly Emerald Ave.), Ortigas Center
1605 Pasig City
Philippines
(632) 914-2594
(632) 637-6899
phpinfo@pic.com
-
tnx doc sana meron
-
doc, ok lng ba inahin 12 teats? pag nakahiga kasi yung inahin, yung mga teats na nakalinya sa baba eh natatakpan ng tiyan bale hindi rin makasuso yung biik dun banda sa baba. kumbaga pag 12 din yung biik eh hindi makasuso yung iba sa baba..
pwede din po ba doc i.modify yung sahig? yung medyo naka-arko pataas yung gitna para pag nakahiga yung inahin e ma-lift-up yung tiyan?
-
actually iniimagine ko bakit natatakpan ng tiyan yun dede ng inahin? masyado ho bang mataba ang kanilang inahin? usually kasi yun inahin ang nagaadjust kapag hindi makadede ang piglet, umaayos ng posisyon yun inahin...
kung iarko mo kasi yun sahig baka magkaback problem yun inahin
-
Doc Nemo, paano po ba nalalaman na unproductive ang teats or patay ang dede sa 5 month old na gilts, may dede po bang namamatay sa panahon ng pag papasuso at namamatay po ulit sa susunod na pag aanak? Can u enlighten me sir about this.
-
usually kasi ang sinasabing patay na teats ay yun inverted or hindi nakaumbok. inaasume na kapag lumaki ang baboy hindi ito magiging productive. minsan kapag nanganak na ang baboy at nakagat or nasugatan ang dede ng baboy ay namamatay ito or nagsasara yun butas.
during pagpapadede ng baboy pwede nila pisilin ang dede nito para malaman kung may lumalabas pa bang gatas dito.