PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => DISEASES => Topic started by: ronald31 on April 25, 2011, 05:58:04 AM
-
yung tatlo ko biik nanamlay parang mahina at basag ang pagdumi niya pero ok naman ang pagkain nila. bali 3 weeks old na sila.
pede po ba APRALYTE? anti SCOUR na gamot
yung TRIPULAC ok din ba na gamot?yung oral
-
apralyte is good kuyang..
-
ilang drops every day?
-
ilagay mo na lang sa inumin nila kuyang. sundin mo yung label, dun ka na sa "treatment" part
-
ang apralyte po is water soluble na antibiotic unlike trisulak na ipapatak sa bibig ng biik.
uuhawin mo muna ang biik then saka sila magbibigay ng tubig na may halo nang apralyte.
-
salamant sa mga nagreply lalu na kay Doc Nemo.
Doc nemo yung Animicyn Ok din ba para sa gamot sa scouring?
anu magandang gamitin apralyte or animycin?
-
animycin ang mas gusto ko sa dalawa , ang tanda ko ito yun may kaolin pectin.
-
Yup animycin is also good... Pero noong walang animycin na nabili dito sa aming lugar...
Bumili kami ng Yakult sa grocery at pinainom sa biik.. nawala din ang pag tatae nila...
Effective din.. ;)
-
@laguna_piglets masubukan kaya ang yakult. Gaano ba karami ang ipaiinom? Pwde ba sa 53 days old na biik?
-
Sa 53days old? Medyo malalaki na mga yun.. at medyo may kamahalan din kasi yung yakult.
Pwde rin naman ipainom kung 53days old nasa timbang na yan 15-18kilos, bigay dyan mga 5ml
Nagtry lang kami noon sa nagtataeng biik age 20days old, binigyan ko ng 2ml using syringe 2x a day for 2days,
then sa ika 3rd day nawala wala na yung pagtatae, until maging bilog bilog na ang dumi nila.
-
ang yakult ay may lactobacili -good bacteria. so wala pong posibilidad na maoverdose ang ating mga biik kahit mejo masobrahan natin tama po ba?
-
Maganda rin ang bacterid, pang sever scouring yun.
-
Magkano po ba sir sa market ang bacterid kung bibilhin?
-
Kung ang biik po eh walang improvement sa pag gagamot gamit ang apralyte or animycin.. Last option na ang pag bbgay ng bacterid, para sa mga grabeng scouring na... Avail naman sya sa maraming agrivet supply.
-
Sige po sir salamat. Siguro may kamahalan din yun ano? Ok lang mahal basta siguradong gagaling.
-
additional lang po, pwede rin pong tylosin injectable then lagay sila ng pistigo (tylosin water soluble) sa inumin.
-
doc, ok din po b ang tylosin sa yellow-scouring? oxytet kc panggamot ko s yellow-scouring and tylosin naman sa arthritis.. minsan kc mgkasabay tumama sa sucklings ang scouring and arthritis so hindi ko alam kung aling gamot uunahin ko
-
wat cause and treatment? 3 days old po since birth nagsusuka at nagtatae mga biik namin
pagdumumi cla parang umihi na binigyan namin ng animycin apralyte bacterid wala parin effect.
pls help me
-
yong dumi nila parang may halong white egg,nagtataka kami lahat po na biik
14 piglets nagsusuka at nagtatae
-
wat cause and treatment? 3 days old po since birth nagsusuka at nagtatae mga biik namin
pagdumumi cla parang umihi na binigyan namin ng animycin apralyte bacterid wala parin effect.
pls help
1. may sapat ba na init ng ilaw ang lagayan ng mga biik?kung hindi lagyan ng 100watta na ilaw.
2. nag inject ba kayo sa inahin??? isa sa mga dahilan ang gatas ng inahin.
3. malinis ba ang paligid ng paanakan????kung hindi dapat linisan at mag disinfect kayo.
4. pwede na rin ang bacterid 0.2ml per piglet for 3 days.
-
in my case, yung yellowish-scouring, ang ginagamot ko pra dyan ay Oxytetracycline(Terramycin LA).. maganda neto Long-acting sya and once ka lang mg.inject 3-5 days ang bisa
-
lelet yun inahin ang gamutin nila mukhang may mastitis ito