PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => DISEASES => Topic started by: Kurt on April 13, 2011, 01:41:33 PM
-
Doc,
Inquire na namn po..
Ano po ba ang dapat nating igamot sa mga biik na hindi makatayo at parang laging nanginginig..
Malakas namn po dumide kaso lng hindi makatayo at kung nasa kabila yong inahin wala silang kain.
Noong lumabas sila pareho naman masigla...noong tinurukan ko nng iron ayan nagkaganyan na...try ko OTC.
Athritis kaya ito?
Thanks..
-
di kaya tinamaan nyo ang ugat or buto ng biik after injecting ng iron.
-
possible o na may tinamaan sila na ugat baka po mahaba masyado ang needle na ginamit nila.
-
click mo yung link kuyang, baka pareho tayo ng naging case>>> http://pinoyagribusiness.com/forum/swine/nanginginig_na_biik-t2004.0.html (http://pinoyagribusiness.com/forum/swine/nanginginig_na_biik-t2004.0.html)
-
tingnan nyo po site ng pinag inject ninyo kung nag kulay talong,, at kung namamaga.
-
Wala naman pong pamamaga sa may pige kung saan ako tumurok nang iron....
Napansin ko iyong mga joints ang namamaga, at tuwing buhatin ko sila iyak masyado...namatay na iyong isa..hindi nakayanan.
-
Any update po. hindi ko napansin yun last na reply about sa namamagang joints
-
Ubos na lahat Doc...sayang naman..cguro Doc makitanong na lng kung paano iiwas sa ganitong probs...
Thanks ulit..
-
anung size po ng needle ginagamit nila?
-
Yong sa 1 ml lng po..
-
Sorry to hear na namatay po pala mga alaga nila.
Proper disinfection po ng mga kulungan at kung gumagamit kayo ng fiberglass and needle then properly po dapat ang pagsterilize dito.
Ang sakit po ng baboy nila could be strep, parasuis, prv , tetanus etc...
Although di ko po mapipinpoint kung alin pero suspetsa ko kung less than 10 day old ito, baka strep po siya.
Meron naman pong mga bakuna para sa nabanggit ko na sakit.
-
idagdag po nila sa proper disinfection at mabakante yung kulunga the longer the better
-
Ano Po ba iyong strep?
Sorry for my ignorance...
-
gudpm doc nemo. ask ko lang po iniwalay ko na ang alaga kong biik after 35days sa inahin with complete vits. and vaccine ngayon po 48days na po cla ngayon po pag umiihi cla may kasamang puti na parang sinulid ano po ito? salamat po !
-
Malakas po ba animal nila at magana kumain
2 things ang iniisip ko mild infection or worm problem pero ang usual na lumalabas sa urine is egg and not worm.
nag deworm po sila ?
Kung malakas naman and no other symptoms maliban dito observe lang po nila. Give vitamins nalang for supportive treatment.
Kung may maidadagdag pa silang data much better.
-
hi gud am doc nemo salamat po my tanung pa po ako doc bkit po ung inahin ko naglalagas po ung balahibo at pagkumakain eh nagbubula ung bibig..ano po un?
-
http://pinoyagribusiness.com/forum/breeding/panlulugon_ng_inahing_baboy-t2178.0.html
-
yun pag lalaway meron talagang baboy na medyo malaway kumain.
kung ito ho ay hindi naman niya ginagawa /nangyayari dati then it would be a concern. pero kung eversince ganito siya malamang TL (tulo-laway) lang talaga siya.
check na lang yun link above about pag lulugon
-
salamat po sa reply malaking tulong po itong site nyo sa amin.
GodBless!