PINOYAGRIBUSINESS

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: Marienil on January 16, 2011, 12:34:50 AM

Title: sakit ng baboy
Post by: Marienil on January 16, 2011, 12:34:50 AM
meron pong baboy yong auntie ko..buntis na po at all of a sudden nag bleeding po at hindi na kumain...after ilang oras po, namatay na..ano pong sakit iyon?
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: nemo on January 16, 2011, 04:49:38 PM
bleeding? sa ilong, mata, bibig. puwet, ari? san po ba?
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: Darkbraveheart on February 05, 2011, 08:17:21 AM
magandang araw po doc..may gusto lang po sana akong itanong..ano po ang dahilan ng pagiging basa ang tae ng biik ko..at ano po ang magandang gamot para dto
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: nemo on February 05, 2011, 08:32:53 PM
it would range from bacterial/ viral, nutritional, enviromental etc....

You need rule out muna kung alin ang problem at saka mo ito icocorrect.

as a temporary remedy put uling sa kulungan nila let the pig nibble on it para maibsan ang pagdudumi ng basa ng kanila baboy.

then correct kung ano man sa tingin nila ang cause ng pagtatae. baka dahil malamig lang sa kulungan ng baboy nyo kaya sila nagtatae
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: lito3115 on March 29, 2011, 11:41:35 AM


Doc, last year po nagkaroon ako 3 fattener 80 days old bigla po huminang kumain nag black and blue hanggang mamatay sila,,,ano po ang pobable na naging sakit nila...

salamat po, God bless
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: nemo on March 29, 2011, 07:38:54 PM
Black and blue, usual suspect hog cholera.


Pero minsan ang pagiging black and blue ng animal is dahil din hirap sila humina, respiratory problem o kaya naman naheheat stroke na sila. sa sobrang init hindi sila makahinga. kaya nagblablack and blue.

Kung ang nagblack and blue ay ang tenga at abdominal and legs area mas malamang hog cholera.
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: lito3115 on March 30, 2011, 09:40:30 PM


sa case po bang ito nagtatae din po ba sila? yun pong amin nag tae din kasi...

salamat po,

Gog bless
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: nemo on March 31, 2011, 11:44:37 PM
opo meron din
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: erik_0930 on April 18, 2011, 05:06:31 PM
Doc, Merun ako isang biik bale 40 days na siya, nangalisag ang balahibo at nagkulay blue/violet at nangingitim ang nguso at batik batik n kulay itim sa tenga, 2 days na hindi kumain tapos ngayun kumain na on the 3rd day saksak namin Hog cholera vaccine.....anu po ba signs ng sakit na ito...hog cholera po ba?
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: nemo on April 18, 2011, 09:26:39 PM
nag saksak sila sa animal ng hog cholera?

Possible na hog cholera, prrs, APP, mycoplasma  ...  pero assume na lang muna natin as hog cholera...
ano po ba ang nabigay na nila na antibiotic?
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: erik_0930 on April 18, 2011, 10:07:18 PM
Hindi ko alam doc kung anung klase ng antiobiotic isinaksak nung 2nd day, at 3rd day nag inject na kami ng hog cholera vaccine. sana nga po gumaling kc kumakain na kahit paunti unti, inalis na namin sa loob ng pen at inilipat na namin sa ibang lugar 1000 meters away baka po kc mahawa pa yung iba.
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: laguna_piglets on April 19, 2011, 06:28:41 AM
Doc Nemo

Naka kita na ho ba kayo ng biik ng ipinanganak ang sakit na tinatawag EPITHELIOGENESIS IMPERFECTA??

Recent lang lang January nagpaanak kami non. May isang biik ganun ang case.. Grabe ang pagkawala ng balat.. Halos buong likuran ng biik walang balat.. 5days lng po nabuhay ang biik, akala namin mabubuhay tlga kasi malakas dumede sa inahin..  Sa loob ng 8years namin s pig business ngayon lng namin na experience ang ganon.. At itong MARCH lng namin nalaman ang tawag sa ganoong kaso..
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: lito3115 on July 11, 2011, 08:42:57 PM


Doc, may inahin akong nanganganak kahapon isa lang ang nailabas dahil dinukot sa pag ire ng inahin meron parang atay na lumalabas at yun natitira ng biik hindi maabot hanggang mamatay ang inahin...ano po naging problema...

Lito
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: mikegwaps on July 11, 2011, 09:12:30 PM
ouch! suffocation kaya doc?
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: nemo on July 12, 2011, 09:37:23 PM
malamang dahil bumara yun isang biik kaya po medyo pumutok /nagrupture yun matress niya kaya namatay ang inahin....

Kung hindi maabot nung dumudukot usually ang ginagawa namin is naghahanap kami ng taong mas payat ang braso at masmahaba para baka sakaling maabot yun nakabarang biik....

Nanecropsy ba nila ito after mamamatay?
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: Kurt on July 13, 2011, 11:53:00 AM
Ahh..'yan pala ang posibling cause nang ganyang pangyayari...

Kasi, last year mayron din akong kagaya n'yan...mga ilang minuto lumabas 'yong parang atay..patay agad talaga iyong inahin ko..

Pero hindi naman namin dinukot yun, nailabas talaga niya ang walong biik pero walang inunan....akala ko nga inunan na iyon.

Pinadede ko na lng iyong mga biik kahit patay na inahin...ayon 3 lng nagsurvive using babyflo/cow's milk at ang payat nga...yong inahin kinatay na lng sa kapitbahay...ewan ko kung pinagbili ba yun...sabi ko kayo na ang bahala dyan....that was her 6 parity naman...

Paano ba eto maiwasan Doc o at least malimit mn lng?

Thanks..
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: mikegwaps on July 13, 2011, 10:56:34 PM
isang paraan na nakita kong effective na siyang pinapractice ko ngayon ay yung paraan ni kuyang conrad "hindi pinapalaki ang biik sa loob ng tiyan, paglabas lang"
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: nemo on July 14, 2011, 06:26:26 PM
Follow the feeding program ng kanilang feed na ginagamit...

Ang overfeeding kasi pwedeng magcause ng malalaking biik na nagiging problem naman kapag ilalabas na...
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: Kurt on July 15, 2011, 11:52:27 AM
Okay Doc...as long as condition yong inahin at hindi naman sobrang taba...

Kasi, minsan sabi ng kapitbahay ko ang laki ng mga inahin mo...sobrang lapad baka malaki din yong mga biik sa loob..then I realize tama nga cla...ayoko kasing mangayayat yong inahin sa tuwing magdede na ang mga kulig...cguro paglabas ko na lng babanatan sa pagkain ang inahin...

Thanks..
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: mikegwaps on July 16, 2011, 10:10:10 PM
may mga inahin pong sadyang malapad. kaya mahalaga rin ang backfat tester
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: nemo on July 16, 2011, 10:42:41 PM
@kurt,

sa umpisa talagang mangangapa ka , pero  as time goes makakacreate ka din ng sarili mong system na applicable sa farm mo.
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: Kurt on July 19, 2011, 05:03:46 PM
Okay Doc...thanks...yan nga ang feeling ko ngayon..pag nakita kong namamayat yong mga pig ko...worry talaga.

Cge, observe akong masyado kung ano ang effective..
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: edgar70872 on July 21, 2011, 12:02:22 AM
doc ask k lng po kung ano po ito...nanganak po kc yng baboy nmin...10buhay at meron din 9 na hugis biik na kulay brown na lumabas...ano po dapat gawin pra maiwasan ang ganito...
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: evjenov on July 21, 2011, 09:09:46 AM
doc ask ko lang,
meron akong 1 month and 7 days na F1na biik  3 days ago nag umpisang lumobo ang tenga nia ngayun ang laki na parang me tubig ang loob ng isang tenga. ano po ang cause nito, ano pong gagawin ko at anong igagamut? salamat po doc ng marami
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: nemo on July 22, 2011, 07:06:49 PM
doc ask k lng po kung ano po ito...nanganak po kc yng baboy nmin...10buhay at meron din 9 na hugis biik na kulay brown na lumabas...ano po dapat gawin pra maiwasan ang ganito...

usual suspect is parvo virus,, so ang question is kung nagbabakuna po ba sila against parvo virus...


@evjenov,

yun baboy po ba nila mahilig ikaskas ang katawan or ulo sa pader? sa description po nila mukhang hematoma siya ng tenga. Nagbigay po ba sila dati ng gamot against external parasite like ivermectin? this would help kasi para mabawasan ang pag kaskas niya. Then yun iba kasi gumagawa ng incision sa tenga para lumabas yun laman ng bukol, pero ang suggestion ko ask  a vet to do it for you....
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: laguna_piglets on July 22, 2011, 09:01:46 PM
Doc nemo Ppwde pa po kaya iincision ang bukol kung kasing laki na ito ng dalawang bola ng golf??
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: evjenov on July 22, 2011, 11:59:54 PM
doc ask k lng po kung ano po ito...nanganak po kc yng baboy nmin...10buhay at meron din 9 na hugis biik na kulay brown na lumabas...ano po dapat gawin pra maiwasan ang ganito...

usual suspect is parvo virus,, so ang question is kung nagbabakuna po ba sila against parvo virus...


@evjenov,

yun baboy po ba nila mahilig ikaskas ang katawan or ulo sa pader? sa description po nila mukhang hematoma siya ng tenga. Nagbigay po ba sila dati ng gamot against external parasite like ivermectin? this would help kasi para mabawasan ang pag kaskas niya. Then yun iba kasi gumagawa ng incision sa tenga para lumabas yun laman ng bukol, pero ang suggestion ko ask  a vet to do it for you....
ok doc,
salamat po ng marami
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: baboypig on July 24, 2011, 04:06:21 AM
Doc anong gagawin ko sa aking inahin, noong nagpapasuso sya sa biik okay naman kondisyon nya, pero 3days pagkawalay sa biik wala nang ganang kumain (binigyan namin sya ng amox at hinaluan ng soluble powder ang feeds nya), sa ika 6 days napabulog pa ng boy namin sa barako kc ngstanding heat,, after 5 days po ng pagbubulog nagsimulang umiihi na sya ng dugo na may kasamang pus.. Hanggang ngaun po ika 2weeks na nya sa pagwawalay umiihi ng dugo ang aming inahin kada ihi nya is mga 15ml lang. May sakit po kayang UTI ang aming inahin?? Medyo namayat na po sya, pero kumakain naman ngaun. Naka 6parity napo sya.
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: nemo on July 24, 2011, 07:32:18 PM
bakit parang ang daming umiihi ng dugo ng baboy ngayon???

Magflush po sila ng antibiotic sa pwerta ng animal para malinis ito.

Possible uti, or nahirapan sa laki ng boar /narape, or wag naman sana nnalepto...
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: maecel on August 30, 2012, 11:14:26 AM
Doc, Merun ako isang biik bale 40 days na siya, nangalisag ang balahibo at nagkulay blue/violet at nangingitim ang nguso at batik batik n kulay itim sa tenga, 2 days na hindi kumain tapos ngayun kumain na on the 3rd day saksak namin Hog cholera vaccine.....anu po ba signs ng sakit na ito...hog cholera po ba?

Doc Nemo, parang ganito po ang nangyari sa baboy namin ngayon, batik2 daw po ang katawan ng isang fattener namin.. ano po ba ang igagamot namin sa kanya? sa 8 na fattener isa lang po ang nagkaganito, magkakasama naman sila sa isang kulungan. Thanks in advance doc. -Maecel
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: nemo on August 31, 2012, 08:39:24 PM
for starters sa penicillin po muna sila magstart.

hogcholera, posible, insect bite possible , pnd, erysipelas at marami png iba ang pwedeng cause nito
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: leletgr on October 08, 2013, 09:58:57 PM
helo po doc,ask lang po kung anong posibleng gamot nito
na sakit ng baboy..mapula na matigas at may nanang dinadala
ang balat ng baboy namin?marami na kaming itinurok na antibiotic di pa rin
gumaling..hearing your rply..salamat!!
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: leletgr on October 08, 2013, 10:00:49 PM
marami po naman lumabas sa balat niya doc
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: nemo on October 11, 2013, 06:53:41 PM
magiging optimistic po ako , iassume ko muna na insect bite ito.

try po nila magcheck ng mga breeding ground ng lamok at sirain or linisin / tanggalin mga stagnant water.
pwede din po silang magspray ng mga citronella base spray pang bugaw lamok.
put pinetar sa mga sugat or kagat ng lamok.

natray na din po ba nila gumamit ng amoxicillin or penicillin.
Title: Re: sakit ng baboy
Post by: nemo on October 19, 2013, 07:54:30 PM
from time to time po magpalit sila ng karayom possible din kasi nainfect na yun part na sinaksakan kung mapurol ang karayom.

may pagkakataon din na hindi naabsorb yung iron ng animal kaya minsan kapag nagsasaksak minamassage yun area na sinaksakan para  mastimulate yun area at maabsorb ng animal.