PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => DISEASES => Topic started by: darkemlp on May 28, 2015, 09:34:30 PM
-
gud day, pwede pa tulong po? meron kami 40 days na biik at first 7 lang na biik ang biglang nag tatae at nag susuka (severe at mabaho amoy ma lansa) tapos tinamaan na ang 22 na biik 8 na ang patay, possible po kaya TGE tumama sa amin? ano po treatment nito? meron ba known vaccine ito? nag inject na pamo kami ng enrofloxacin(for 3 days already. 1.5ml per day), dextrolyte at nag bigay narin kami ng aquadox. yung antibiotic prang wlang masyadong natutulong. plss i need ur advice. ty and godbless
-
TGE or PED ang possible culprit.. Usually sa nakita kong case dati ng TGE mostly after ng ulan nagkakaroon ng case TGE so kung umulan sa area before nagkasakit si animal malamang TGE. although sinama ko ang PED sa possible culprit kasi mostly sa TGE mga before walay ang tinatamaan and konti yun kakawalay na, kung tamaan man gumagaling din yun bagong walay.
virus po ang culprit ng sakit so ang line of treatment is fluids replacement , give vitamins sa water ng animal give charcoal/uling sa animal para bumuo ang dumi. yun enro po mataas na na klase ng gamot kung sa tingin po nila hindi gumagaling try nila duplocillin
-
gud pm doc nemo. broad spectrum antibiotic po ba tong duplocillin? d naman po umulan sa amin at tag tuyo ngayon sa amin. yung uling po ba na nabibili sa mercado dudurugin at ipapakain in its pure form or i halo sa feeds or water? wla po bang vaccine itong TGE pra next time ma prevent na ito? and lastly what kind of test pwede gawin para ma confirm ito doc saan at paano i test na possitive sa TGE ang mga biik? ty doc nemo sa advice
-
actually literal na uling lang, iwan mo lang sa labangan para ngatngatin nila. try mo din baka sakaling may activated charcoal sa mercury kung meron pwede mo isaboy sa feeds
my vaccine not sure lang kung may available sa mga store. try to ask sa mga big poultry supply sa area nyo.
Kung hindi umuulan sa area nyo , mas malamang na PED siya... kasi PED mas tumatama sa walay na biik.
-
doc last question yung duplocillin po ba broad spectrum antibiotice po ba ito? what kind of test ang gagawin pra ma confirm na TGE or PED ito, papaano at saan i conduct ang test?
-
broadspectrum din po siya.
lab test kasi ang confirmatory niyan. either sa mga regional animal diagnostic center... RADDL ata tawag nila limot ko na. sa ngayon nga kasi suspect for TGE or PED siya.
-
maraming salamat po doc nemo gud luck and godbless po