PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => BREEDING => Topic started by: sanico on February 07, 2010, 07:37:20 PM
-
Hi Doc,
Please help ! Our sow is sked to farrow on Feb. 10 and we notice this afternoon na namamaga ang
rectum nito. Kinapa ng caretaker at may na feel sia na matigas inside. Ano po ba ang magandang gawin dito?
As of now, nag cold compress kami sa rectum. Di mo naman masabi na constipation ito, kasi may dringker
naman sa farrowing pen. Balak ko bukas mag wet feeding sa kanya.
Thanks Doc.
-
mag soft diet na lang po sila. Kung minsan tlaga kapag buntis prone sa constipation. Lets assume na constipation lang ito.
-
Hi Doc,
As of today, ganun pa rin ang condition ng Sow rectum. Bukas ay ika 114 days and tentative farrowing day.
This is pala the 2nd parity of Sow. The 1st parity wala kami problema except during gestation na medyo napilay sia
at di makatayo sa gestation pen, pero naging ok naman sia at 10 ang biik. Is there any tendency bukas na lumabas
ang almuranas kasi mag iire ito ? I keep you posted kung ano ang condition bukas. Thanks.
-
hope so na hindi lumabas. kung hindi pa siya nanganganak kuntian nyo na yung feed intake nito.
-
Hi Doc,
As of this time di pa nanganak ang Sow. Wala pa rin signs na manganak ito.
Wet feeding pa rin at pinabawasan ko ang pagkain nito.
-
Hi Doc,
After 3 days na puyatan, nanganak na kaninang madaling araw at 3:45 AM itong Sow
namin. 10 piglets with the ave. wt of 1.42 kg., 8 females and 2 males. Pumapatak sa 117 days
ang pag farrow nito. Pero kinabahan me kasi more than 1 hour ang paglabas ng pangngalawang biik.
Sabi ko sa caretaker, patayuin ang Sow at palakadlakarin at ng humiga nag change ito ng position at
mayamaya kaunti lumabas and 2nd biik with 1.8 kg wt.,ang iba ay 1.4 kg at 1.6 kg.
The smallest 1kg, yung 1st biik. Ok naman ang rectum nito, nadala sa cold at hot compress at soft diet.
Thanks sa mga advises mo at na apply ko na sa farm.
-
Hi Doc Nemo,
I need your help. Worried talaga ako sa Sow kong ito. Everyday lumalabas ang almuranas at ibinabalik lang po namin.
Despite sa soft feeding ganun pa rin sia. Is there any medication for this na di ma apektuhan ang suckling piglets ?
Mahal pa naman ang bili namin from a breeding farm. Pag ganito ba dapat i-cull na or wag muna kasi 2nd parity pa lang sia ?
Thanks.
-
sir cull na po yan, ang mahirap pa nyan babaratin yan pag nalaman na my almuranas dapat wag mo sabihin na my almuranas.at ipasok mo almuranas pag kukunin na sa u.
-
wait mo nalang pag walay ng piglet then saka mo benta. Continue d soft diet lang para hindi siya lalong lumala.
-
Ok Doc Nemo and Totz. Maraming salamat po.