PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => DISEASES => Topic started by: totz on January 30, 2010, 02:10:14 AM
-
hello doc
Doc my nanganak ako , ngayon 10 days na nakalipas, napansin ko ngayon na pagnakahiga sya na padapa ang higa parang yong ari nya eh my bukol sa loob,ano kaya po 2 doc?
-
medyo mahirap masabi na prolapse yan kasi di ko naman nakikita. Try to feed soft diet sa animal nila /may tubig yun pagkain. In case kasi na prolapse pa lang ito na nagsisimula maiiwasan lumalal ito kung ang kanyang dinudumi ay malambot lang.
-
hello po doc, wet feeding ko po sya, pagnakahiga sya po doc, my bukol pero sa loob ng vagina yon bukol,matigas yon bukol, tapos pag tumayo sya bumabalik sa normal yon ari nya.. naturukan sya ng penicilin doc,itong gamot na to po ba doc ilang days papalipasin kong sakaling ebenta ko itong pig pagkatapos mawalay. ty po doc.
-
mga 2 weeks po withdrawal periods
-
Doc nemo ganito rin case ng aming inahin kapag naka higa (nakarelax) siya lumuluwa yung loob ng ari ng inahin tapos kapag tumatayo bumabalik ito.
Eh buntis po doc ang aming inahin 2months, after manganak at maiwalay sa biik ibebenta na namin... Ang iniisip ko lang doc hanggang kailan ang prolapse tumatagal kasi mahigit 2.5months pa bago siya maibenta. baka habang nagbubuntis ito lumala lalo na kapag manganganak ito baka mas lalong bumigay ang vagina... paano po gagawin doc?
-
Mataas ang chance na ang recomendation is benta.
Ang tendency kasi baka mamatay ang inahin and biik pag manganganak na kasi habang iire siya lalabas lalo yung prolapse.
Pacheck po nila sa local vet nila. baka sa thorough inspection ng vet malamang kung prolapse ba nga or bukol lang yun lumalabas.
-
hindi po bukol doc.. vaginal prolapse po talaga doc, kapag naka labas nakalawet po ang loob ng ari.. naku sana walang masamang mangyari kapag manganganak na.
-
Kumusta po ung mga inahin nyong may prolapse? Nabenta po ba or tinuloy nyo pagbubuntis nila? Gus2 ko pong malaman kung ano gnwa nila para in case mangyari sa akin,alam ko na rin ggwin. Thanks.
-
hindi po umabot namatay yung inahin sa gestating pen.. pagkacheck namin kinaumagahan noon hindi na gumagalaw... binaak namin yung tyan 13piglets ang nasa loob ng tyan... sayang f1 un.. charge to experience.
-
sorry to hear to that.
-
ok lng po doc may pang replacement naman po kami f2 14teats mula sa f1 then backcross sa landrace kaya mahaba at maganda ang katawan... good mothering at marami pa rin ang milk production kasi galing din naman sa LR at LW breeds na kilala sa ganoong ability/performance....
-
add to experience na lang everything and in the long run para lang kayong naglilibang at the same time earning din...
-
ito po vaginal prolapse nakita ko sa Gallery
(http://pinoyagribusiness.com/forum/gallery/3552_11_01_13_4_53_39.jpeg)
-
ano po causes nito?paano po maiiwasan ganito?
meron po ba gamot para dito?