PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => BREEDING => Topic started by: sanico on September 19, 2009, 04:49:01 AM
-
Hi Doc,
Gud Pm. Ang isang inahin namin sa first parity pa lang after 2 weeks of giving birth
to 10 piglets ay may 2 teats na dumudugo sa giliran nito. Suspetsa namin ay kinakagat
ito ng biik kong mag dede sila. Tiningnan namin ang ngipin ng 10 biik at ok naman at
di naman matulis. Nag spray kami ng combinex sa sugat ng mga dede. First time namin
na encounter ito na dumudugo ang suso ng inahin. Please help Doc, ano kaya magandang gawin dito?
Thanks.
-
continue nyo lang yun pag spray ng combinex .
Check din nila yun kulungan if meron matutulis na spot welding na nakausli.
Nung nagcheck ba kayo ng ngipin ng baboy kinapa nyo yung gums ng piglet to see kung meron remnants ng pinutol na teeth?
Pagfirst parity pa lang yun animal medyo hindi pa makapal ang dede nila kaya madaling magsugat later on kakapal din ito and titibay.
-
Doc may inahin din po ako nagkasugat sa didi, tanong ko lang po hindi po ba makaka apekto sa biik yung combinex, salamat po sa sagot