PINOYAGRIBUSINESS

LIVESTOCKS => SWINE => BREEDING => Topic started by: Wrangler on September 14, 2009, 10:57:38 PM

Title: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: Wrangler on September 14, 2009, 10:57:38 PM
Doc sow ko po expected farrowing nya bukas pero pinisil ko dede nya eh wala pang lumalabas na gatas.Normal pa rin kya ito?Ang pagkakaalam ko kasi dapat may lalabas na nagatas pag malapit na syang manganak,ito ung isang di po ba?
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: yuan.ai.centrum@gmail.com on September 15, 2009, 03:20:52 AM
sir depende yan sa performance ng sow.... nasa feeds kung okay ba ung lactating na ginagamit nyo. kulang ito sa calcium and vitamins. dont worry sir we have milk replacer like fostermilk and volac kung talagang wala od CBG for sow. ;)
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: Wrangler on September 15, 2009, 03:47:11 AM
I'm giving cecical naman, i also injected vit A,D and E.I'm using premium lacting feeds ng b-meg pero 3 days before expected farrowing ako nagbigay,baka kasi lumaki ung piglets at mahirapan manganak ung sow ko.
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: nemo on September 15, 2009, 09:04:10 AM
It is possible kasi na hindi pa tlaga manganganak ang kanilang animal. Although the average is 114 days it is possible na lumagpas or mapaaga ito, sa case possible na lagpas kaya ala pang lumalabas na gatas.
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: Wrangler on September 15, 2009, 04:14:44 PM
Doc kung may lalabas na na gatas sa teats nya mga ilang araw pa kaya bago ito manganak?
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: ALEXGARCI on September 15, 2009, 04:59:35 PM
doc ask lng po..
   
     anong recommended age pwedeng turukan ng GONADIN?
     almost 8mos na ang isang gilt ko kahit first heat wala pa.. dati kasing nagkasakit noong 5mos plang then after 5days na recover sya

tanks doc
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: yuan.ai.centrum@gmail.com on September 15, 2009, 07:19:28 PM
sir baka silent heat lang naman yan kaya hindi niyo nakita or anu po naging sakit ng alaga niyo.
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: Wrangler on September 15, 2009, 08:50:29 PM
Try boar teasing for silent heater sows or gilts. Mas maganda kung nakikita,naaamoy at naririnig ung sow or gilt ung boar. Pero disinfect first ung boar bago ipasok sa piggery house baka may dalang sakit.
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: Wrangler on September 15, 2009, 08:56:10 PM
Doc just in case na magkaroon ng agalactia/mastitis ung sow ano reccomended na ibigay oxytocin or prolactin?
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: nemo on September 16, 2009, 04:18:08 AM
agalactia= no milk
mastitis= inflammation of the teats .

In agalactia cases prolactin is better.
Mastitis cases oxytocin is better.

Magkaibang condition po kasi ang agalactia and mastitis. Usually in mastitis there is milk but it is stucked/napanis sa teats ng sow. So you need oxytocin so help in expulsion of the milk.

agalactia no milk and prolactin is for milk development
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: Wrangler on September 16, 2009, 04:27:43 AM
Yes doc di ba ung mastitis un yung titigas ung udder ng sow?
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: nemo on September 16, 2009, 04:43:09 AM
yup, mastitis is yun tumitigas ang dede
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: Wrangler on September 16, 2009, 07:18:45 PM
Sa wakas nanganak na sow ko,12 ang anak kaso maliliit cla,parang tuta lng.Di kaya magiging bansot mga yun?Sna makabawi sila.
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: yuan.ai.centrum@gmail.com on September 16, 2009, 10:39:46 PM
Vit ADE lang sir for first day.. babawi din yan after 10 days makikita mo na kung mabilis cla lumaki. ;D
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: Wrangler on September 17, 2009, 12:47:47 AM
Kht po yung viton 500 lang?
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: Wrangler on September 17, 2009, 03:42:43 AM
Ok lang ba na i-cold compress ang kakaanak lng na sow?
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: nemo on September 17, 2009, 04:56:37 AM
mainit ba yun animal?

If may high fever then pwede kung ala naman wag nalang.
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: Wrangler on September 22, 2009, 02:46:07 AM
Opo nagkalagnat po ung sow ko 1 day after farrowing.Pero ok na po sya, cold compress ko sya then kinabukasan i gave oxytetracycline.
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: Wrangler on September 22, 2009, 03:09:40 AM
Doc 109-119 ba ang gestation period ng sow or 109-120? 117 days na kasi yung isang sow ko baka maglapse sya sa gestation period nya,kaya ask ko sana doc if what day ako mag-inject ng oxytocin if ever na di sya manganak.
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: nemo on September 22, 2009, 05:06:34 AM
longest na yun 119 days.

ADviseable kasi na dapat may vet na magbigay ng oxytocin / pitoxal (brand name) para mamonitor  incase na magkaproblem.

At 117-119 pwede na magbigay. Ako minsan pinapapaabot ko pa ng 119 kasi so far yun ang longest na day na naexperience ko na delayed ang baboy manganak.

Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: Wrangler on September 22, 2009, 12:19:51 PM
Pag nainject na yung oxytocin sigurado na bang magkakaroon na ng uterine contraction at mailalabas na tala yung piglets?I have not yet tried using this kasi.Ilang oras doc bago umepekto yung oxytocin?
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: Wrangler on September 22, 2009, 07:14:30 PM
Mas ok ba maginject ng oxytocin ng mdyo mas maaga sa last day of gestation period nya?
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: nemo on September 23, 2009, 05:44:19 AM
Mas maganda na late siya.
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: ALEXGARCI on August 21, 2012, 07:27:33 PM
doc yung sow ko 1st parity, 28days weaning and ai service after 4days lng, yung dalawang teats nya sa harapan tumigas may nana na lumalabas,
wala naman po syang lagnat at maganang kumain..

ano po gagawin  sakanya doc?...

maraming salamat po..
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: nemo on August 22, 2012, 05:03:30 AM
greetings!

kung hindi naman mahina kumain ang gawin nalang nila is punasan ng basahan/tela na meron maligamgam na tubig yun dede and pisil pisil nyo ng konti para lumabas labas yun nana.

then give vitamins na lang para makahelp sa immune system niya


possible kasi naging magatas ang inahin at nung before nagwean hindi po nila nadecrease ang feed intake ng animal kaya tuloy tuloy ang dami ng gatas niya
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: Rjay on February 14, 2013, 06:11:47 PM
doc,

 ung bagong nawalay na inahin kusa lang ba un natutuyo ang gatas nya? inahin ko kasi marami pa gatas natira baka kasi magka-mastitis doc. lumalaki na ung suso pero hindi p naman naninigas
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: erik_0930 on February 15, 2013, 11:28:55 AM
Ang lakas ng gatas sir pag ganyan. anu feeds mo? Pag nag aawat sir hindi na pinakakain sa araw ng walay para mabilis matuyuan ng gatas
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: Rjay on February 16, 2013, 04:23:50 AM
@erik_0930 tnx po s reps

Pigrolac milkmaker ang gamit ko yung classic lang. hindi ko n nga pinakain nung araw ng pagwalay pero sa kinabukasan nung nagsimula na  akong magpakain ng Gestating eh bumukol yung suso. kaya ngayon binawasan ko muna yung pakain mga 0.75 kg per day hintayin ko n lang hangang matuyo saka ko na lang ibalik yung normal feeding
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: erik_0930 on February 16, 2013, 12:49:03 PM
Ganda ng mothering ability ng sow mo ako hindi na nagbabawas ng pakain after awat kc ilang araw lang maglalandi na kaya dapat madaming pakain na cya para madaming eggcell ang mailabas nya during ovulation period...sa iba tawag dyan FLUSHING..
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: Rjay on February 16, 2013, 02:33:01 PM
sabi daw ng iba ok n daw n hindi n magflushing after first parity kasi may naipon na daw siyang energy during lactation ewan ko lang kung totoo. pero nung una ay nagfflushing din ako
Title: Re: Inahin na wala pang lumalabas na gatas sakanyang dede
Post by: nemo on February 19, 2013, 03:55:31 AM
kung hindi pinabayaan ang inahin during pagpapadede no need to flush pa yun animal.

nagbabawas ng pagkain kung malapit na mag awat kasi iniiwasan yun mastitis.

kung sakto lang yun katawan minsan kahit hindi na magbawas ok lang