PINOYAGRIBUSINESS

LIVESTOCKS => SWINE => DISEASES => Topic started by: jogie on September 10, 2009, 03:53:23 PM

Title: nagtatae na baboy
Post by: jogie on September 10, 2009, 03:53:23 PM
There are some who use vinegar for fever but its expensive kasi compared to using proper medicine.

You can use it as a temporary solution. Best pa rin is to give antipyretic drugs /kontra lagnat.

Hi Doc Nemo,

Need your help. Medyo nagtatae alaga ko and this happened on-and-off. Ano po ba gamut dapat ko painom. Maraming salamat in advance.
Title: nagtatae na baboy
Post by: yuan.ai.centrum@gmail.com on September 10, 2009, 05:05:29 PM
Anti-biotic subukan mo pero kung patuloy parin E. coli na yan. nag vaccinate ka ba for e.coli?
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on September 10, 2009, 05:16:23 PM
On and off...??? meaning mawawala at babalik kahit hindi mo ginagamot? Or Pagkatapos gamutin mawawala then babalik uli?

If on and off then nawawala kahit hindi ginagamot chances are enviromental factors ito, meaning weather, kapag malamig ang panahon magtatae then kapag uminit okay na uli sila. So, always sure n maintain ang temperature ng kulungan. Pag masyadong malamig, pwedeng lagyan ng trapal ang kulungan para matrap ang init sa loob and also put beddings.

If on and off kahit naggagamot then try to extend yun time ng pagbibigay ng antibiotic. Usually kasi paggumaling na ang baboy tumitigil na tayo sa pagbibigay ng gamot. Mas maganda sana kung iextent mo pa ito ng 1-2 days para kung meron mang natitirang bacteria sa katawan ng baboy ito ay mawawala na talaga.

Check also feeds, water , and  pakainan nila make sure na lagi itong malinis.



Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: rye0528 on February 15, 2010, 02:26:11 PM
pede din gumamit ng uling sa pagkain.. ;D
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: evjenov on May 24, 2010, 10:41:18 AM
doc
nag shift po kami from starter to grower 81 days na ang baboy 11 sila 3 ang nagtatae ano pong gagwin namin ? please pakisagut po asap. thank you po first time lang pong magalaga
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on May 24, 2010, 07:16:31 PM
maytendency po na magtae kung nabago agad ang feeds nila... kung hindi naman humina kumain at hindi namamayat usually magnonormalize ito.

Kung matagal na nagtatae at namamayat try to give kahit penicillin muna/
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: cristian18 on May 24, 2010, 08:18:52 PM
Dok aku rin po ngta2e apat kung biik pre starter stage cla,anu po kya mbisang gm0t na water s0luble or injectable..Kung injectable pwede po b aku nlng mg inject?,san part po ng ktwan ng biik,kung pwede..
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: evjenov on May 25, 2010, 11:04:53 AM
maraming salamat po doc sa information
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on May 25, 2010, 09:09:18 PM
Dok aku rin po ngta2e apat kung biik pre starter stage cla,anu po kya mbisang gm0t na water s0luble or injectable..Kung injectable pwede po b aku nlng mg inject?,san part po ng ktwan ng biik,kung pwede..
pwede sa pige injectionan kung kaya pa ninyong buhatin sila sa paa. kung hindi naman madalas ang pagdumi magwater souluble muna sila
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: cristian18 on May 26, 2010, 05:38:19 AM
,ah gnun po b.Tnx po d0k..
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: macky bernasor formoso on June 29, 2010, 10:12:19 AM
sir nasa grower stage na po baboy ko, tanong ko lang po kung anong mabisang gamot sa pagtatae po,bale yong isa lng po ang nagtatae po yong iba naman po ay hindi....pano po ba ito doc?
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on June 29, 2010, 06:51:22 PM
malakas ba kumain at  hindi namamayat or matamlay? Kung ganito kasi sitwasyon no need to give medicine. Pero kung namamayat at matamlay . ayaw kumain then need to give antibiotic like penicilline, amoxicillin.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: cutienicole on September 10, 2010, 08:37:34 PM

GOOD DAY po Doc,After po mawala ng mga bukol na parangn pigsa sa mga biik ko nagtatae naman po sila ngaun.Una po nag halo ako sa tubig ng Aquadox sa loob ng 4 days pero wala po changes kaya pina injectionan ko ng antibiotics.The following day medyo ok na ung dumi nila kaso nung 3rd day soft na naman ung dumi nila hanggang ung iba halos parang tubig ulit ung dinudumi.Minsan naririnig ko pa na kumukulo ung tiyan ng baboy ko tapos bigla nalang tutulo ung dumi kahit po tulog ung biik ko tumutulo ung dumi.One month and 1 week palang po naawat itong aking mga biik.Pls Help po..
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on September 11, 2010, 07:53:51 PM
everyday po ba silang nagsaksak ng antibiotic?

If possible po icontinue nila ang kanilang isinaksak sa kanilang baboy...
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: cutienicole on September 17, 2010, 12:20:10 PM
Every 5 to 7 days po ang interval b4 kami mag saksak ng antibiotic.inihiwalay ko po sila.kahapon po ika 3 saksak na nila ng antibiotic 2 nalang po ung nagtatae para po kasing umiihi kapag dumudumi sila.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on September 17, 2010, 06:29:58 PM
Ang saksak po kasi ng antibiotic is everyday unless stated sa label na every other day ang bigay.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: cutienicole on September 18, 2010, 12:33:55 PM
ah ganun po pala thank you po Doc for the info  :)
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: jogie on September 19, 2010, 09:08:50 AM
On and off...??? meaning mawawala at babalik kahit hindi mo ginagamot? Or Pagkatapos gamutin mawawala then babalik uli?

If on and off then nawawala kahit hindi ginagamot chances are enviromental factors ito, meaning weather, kapag malamig ang panahon magtatae then kapag uminit okay na uli sila. So, always sure n maintain ang temperature ng kulungan. Pag masyadong malamig, pwedeng lagyan ng trapal ang kulungan para matrap ang init sa loob and also put beddings.

If on and off kahit naggagamot then try to extend yun time ng pagbibigay ng antibiotic. Usually kasi paggumaling na ang baboy tumitigil na tayo sa pagbibigay ng gamot. Mas maganda sana kung iextent mo pa ito ng 1-2 days para kung meron mang natitirang bacteria sa katawan ng baboy ito ay mawawala na talaga.

Check also feeds, water , and  pakainan nila make sure na lagi itong malinis.




Hi Doc Nemo, Maraming salamat sayo and for those who responded to my inquiry.

Tama ka doc, it's more on the environmental side... naglinis lang kami kulongan/kainan then yun nawala nalang kusa. Siguro then sa change feeding from pre-starter to starter hhmm pero gradual naman ah 1 week nga transition ko? Anyway Doc may iba naman ako napansin ngayon sa isa ko biik. May bumubukol at mamula-mula sa bandang tiyan medyo malaki kay sa ordinary pigsa and i don't think it is? Wala naman ito last week? hindi kaya bituka ito? 50 days na siya. Medyo malakas pa namn kumain sa ngayon. Please doc kailangan ko tulong mo sayan din kon mamatay medyo malaki na hehehe. Thanks in advance.

Mabuhay ang kababoyan!
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on September 19, 2010, 10:06:11 PM
kung sa may bandang pusod then possible na lumuslos na bituka ito. Usually naman nabubuhay ang mga baboy na ganito. Ang nagiging problem lang kapag sobra laki nung luslos nababansot sila.

Kung sakali naman lumalaki at kumikintab ito pabayaan nyo nalang kasi kusa  naman itong pumuputok at gumagaling.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: piggypiggy on March 27, 2011, 08:14:41 AM
doc may problema ako sa biik ko,..nag tatae at namamayat,..tamlay kumain ano po kaya couse? kasi nag palit ako sa booster to pre starter,. parang dehydrated
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: allen0469 on March 27, 2011, 01:53:18 PM
good pm doc,
followup kulang po ang tanong ko last week kasi namganak ang inahin ko 12 piglets ang pang 9 po malakas pa at naka takbo takbo pa piro tapos naka didi po ilang minuto lang di na maka lakad at namatay nalang bigla,kawawa mga po ang mga kaapatid nya malalakas diin nag inject na ako ng irom after 3 days ito mgayon malakas na mag didi at kumain kasi sinonod ko po ang sabi mo na haployan ng feeds ang didi ng inahin ipiktibo po,kaya ang ko sana advice mo sa nangyari sa isa kong biik.
salamat po
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on March 27, 2011, 07:37:55 PM
piggypiggy, gradual ba ang shifting nyo and same brand ba ito? you can give mga antidiarrhea drug po.

allen0469
actually i cannot comment sa isa mong namatay kasi puzzled din ako kung ano pa kayang signs ang meron siya before siya namatay.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: mikegwaps on March 28, 2011, 12:45:35 AM
kuyang allen, habaan mo pa kwento mo bago namatay yung biik mo para sa susunod maiiwasan na. ilang araw/oras po yung biik bago namatay?
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: piggypiggy on March 28, 2011, 06:40:46 AM
doc kulay gatas yung tae nila,..na parang cream,..ano po kaya maganda igamot bukod sa oral medication,...suckling stage 20 days old
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nerifloriza on March 28, 2011, 04:55:34 PM
gud pm doc nemo
anu pong mabisang gamot sa biik na nagtatae ang kulay po ng tae nila ay parang kape na may halong gatas 1week pa lang at pagnatapos clang dumadede nagsusuka cla... reply asAp
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on March 28, 2011, 10:46:28 PM
piggypiggy, pag ganyan edad mag injectable na sila... like amoxicillin. Nasabi mo din na kulay gatas yun dumi ng animal, yun inahin po ba wala kayong napapansin kakaiba... minsan kasi kaya nagtatae ang biik yun nanay pala ang may problem...

nerifloriza, check din po nila yun inahin kung namamaga yun dede baka po kasi yun nanay ay part din ng problem. Usually po kasi ang ginagawa ko sa mga ganitong nagtatae ay nabibigay antibiotic na amoxicillin. kung hindi makuha saka nalang me nagpapalit ng gamot

Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: allen0469 on March 29, 2011, 10:11:18 AM
kuyang allen, habaan mo pa kwento mo bago namatay yung biik mo para sa susunod maiiwasan na. ilang araw/oras po yung biik bago namatay?
good day babuy laber,
pag panganak ng piggy ang weight nya 1.4kg normal at normal dn ang physical look tapos putol ng ipin pina didi at nag tatakbo pa mga around 20min.bigla lang nanghina at namatay ka agad kaya laking gulat namin,in fact 1st time palang kami namatayan ng piggy ever since nag papa alagaa kami ng inahin way back 5 yrs ago.


good day doc,
tama ka doc maski ang vet tech mga namin nagulat diin pinadala ko sa kanya pra ma suri for future info.
salamat doc
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nerifloriza on March 29, 2011, 11:03:47 AM
Gud mOrning Doc NEMO,
chineck po nmin ung inahin namamaga nga po ung dede nya ano pong dapat gawin doc? pinakakain nmin sa inahin ay lactacion at pero nung nakita na nmin na namamaga ung dede hinaluan na nmin ng vetracin premium ang kinakain. pwede po ba ung doc?
doc nung inenjectionan ng vet ng antibiotic natural po ba ung nagiiyak ung biik at ginulong ung katawan nya ng 2times pagkaalis ng vet tapos pinaiinum pa ng norfloxacin.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on March 29, 2011, 07:29:30 PM
kung medyo maga ang dede pwede po nilang punusan ng twalya na binabad sa maligamgam na tubig. Para lang maibsan ang pamamaga. Tuloy lang po nila yun medication na ginagawa nila.

Tungkol naman sa biik nila nangyayari minsan na parang  allergic/ makati sa animal yun gamot kaya umiikot sila or naiirita sila. reaction ng animal sa gamot po yun. Bihira po ito mangyari.

Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nerifloriza on March 30, 2011, 10:26:04 AM
maraming salamat po doc nemo
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nerifloriza on March 30, 2011, 09:57:05 PM
gandang gabi doc nemo
yung kinapon nming mga biik 2 weeks ng nakakaraan sa halip na gumaling,namamaga ang bayag nla sabi ng vet nana daw un tapos inenjectionan nya ng anti biotic mga 1 week na ngaun pero hangang ngaun namamaga pa din ung iba. pinipiga nmin pro matigas hndi nman lalabas ung nana. ano pong dapat gawin?
salamat po sa mga payo nyo. malaki pong tulong ang site nyo pra sa aming baguhan na nag aalaga ng baboy.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: mikegwaps on March 31, 2011, 08:52:57 AM
naranasan ko yan kuyang nung first time kong magkapon, ang mali ko hindi ko natanggal yung nakadikit sa balls (nakalimutan ko na tawag) yun yung isang dahilan kung bakit bumabalik yung bukol (parang balls din)
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on April 01, 2011, 12:30:06 AM
Yun pamamaga po ba ay mapula at lumalaki pa?

Malamang po kasi tumigas na ang nana sa loob and hindi na po talga mapipiga yan or masisipsip unless hihiwain nyo uli para dukutin yung matigas.

Sa tingin ko 2 option nyo. kung hindi naman lumalala at nakabukol lang  leave it as is nalang and in due time liliit din naman yan / dahil lumalaki ang animal mukhang maliit na lang yan compared sa size niya.

Pwede din naman pa hiwa nyo uli then palinis uli nila yun sugat at tanggalin yun matigas na nana.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: laguna_piglets on April 01, 2011, 05:45:04 AM
Usually po gaano kayo katagal (minuto) mag kapon sa isang biik??
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: mikegwaps on April 01, 2011, 09:28:29 AM
tama kuyang yung akin 3mos from birth di na pansin yung bukol. 1-3mins lang ang kapon
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: laguna_piglets on April 02, 2011, 04:03:25 PM
Ahh okay.. kami sabay pagputol buntot, ear notch, at pagkakapon then inject antibiotic for less than a minute.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: mikegwaps on April 02, 2011, 09:11:38 PM
wow! bilis naman, paturo naman teknik mo kuyang. i do it alone kasi
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: ronald31 on April 24, 2011, 09:04:14 PM
Doc gud morning!

   doc need advice mo talaga...yung biik ko going 3 weeks old this coming wednesday....yung tatlo ko po biik parang nang hihina at maliit ang katawan minsan tumatae ng para gatas na medyo basa... gamit ko po is tripulac na oral liquid bali every kain nila yung drops ko 3  times a day. Ok po ba ito? Or need to inject antibiotic?
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: laguna_piglets on April 24, 2011, 09:43:43 PM
wow! bilis naman, paturo naman teknik mo kuyang. i do it alone kasi
Dapat meron kang kasama taga-hawak sa biik (nakatihaya).
Sa pagkakapon isang hiwa lang ang ginagawa, tska pisilin ang balls para lumabas,
ganun din ang gagawin sa ikalawang balls.. at lalagyan ng iodine
at iinjectionan ng antibiotic, malapit sa pinag hiwa na sugat..
Pagkatapos kapunin, (nakatihaya pa ang biik) unahin muna pagnunumero sa biik, tska putol ang buntot.

Ginagawa namin yun sabaysabay para iwas stress ang biik the more hahawakan ang biik mas lalo sila na-sstress..
Ginagawa namin un sa edad 15-20 days old.. Karaniwan ang pagkakapon ginagawa nila ng 10-14 days old

Safe pa din mag kapon sa ganung edad, kasi ligtas ang biik dahil umaasa pa sila sa gatas ng inahin, na parang bang
merong healing process ang gatas ng inahin, at madali gumaling ang sugat ng mga biik.


Mas mainam kung magkakapon ka sa malalaking baboy meron kang sutures, para tahiin ang hiwa. at bigyan ng antibiotic.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: mikegwaps on April 24, 2011, 10:52:10 PM
intramuscular parin kuyang or subcu? anung antibiotic po binibigay niyo? ml? gusto ko sanang matutunan practice mo kuyang, kung ok lang baka pwedeng pakivideo kahit sa cp lang. salamat ng marami
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: laguna_piglets on April 25, 2011, 10:47:56 AM
Kapag antibiotic sa biik mga 5kilos,  0.2ml lang ang pagbibigay..
Kasi delikado kapag sumobra pa doon, magsusuka sila.
Terramycin gamit namin.
Sige vivideo namin, sa sunod na magkakapon kami.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: mikegwaps on April 25, 2011, 02:35:03 PM
thanks kuyang. aantayin ko po video niyo.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: jazz on September 29, 2011, 08:42:41 PM
 ;) :) :D helo po sa lahat may tanong din po ako sa lahat about sa mga Inahin na nagtatae,. maaari ko po bang turukan ng amox? 1 week na po sya after weaning. Same like Shower po. ano kaya ang dahilan nito? sa Feeds po ba? o sa kulungan na madumi?

Thank you po,.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: pigery on October 10, 2011, 08:57:56 PM
luslos or hernia tawag dun
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on October 11, 2011, 07:23:50 PM
hindi po siya hernia,

ang story ni nerifloriza eh namamaga pa yun mga itlog ng biik niya, usually ang luslos paisa isa lang yan. at assurance na rin na nakita ng vet na maga ito at hindi luslos....
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: Jeann on June 14, 2012, 08:15:37 PM
Gud day po Doc..Tanong ko lang po, kasi on & off ang pagtatae ng mga baboy ko. 2 1/2 months na sila, ganun pa rin ang lagay nila, pero ang lakas po nila kumain at masisigla naman po sila sa awa ng Dios. kaso lang parati basa ang tae nila, tapos mawawala na naman, pinapainum ko na sila ng ora antibiotic at apralyt ng mga 5 days na..till now ganun pa rin, pero malakas naman po sila kumain. Anu po kaya ang dahilan kung bakit ganito sila, mula nung binili namin?

Salamat po..
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: erlynjane on September 04, 2012, 09:47:59 PM
Hi Doc Nemo,

Need your help, may alaga akong pig buntis 20 days nlang kulang bago manganak. bigla nlang syang nagtatae at tumamlay, pinaliguan ko ng suka at try ko pinakain ng uling pero ayaw nya. in 3 days namatay sya. nong tiningnan nmin 11 ang babies nya, sayang at nakita din nmin na ngingitim ang baga nya. gusto ko lng malaman kung anong cause ng pangingitim ng baga nya.sana maturuan mo kami sa dapat na gawin pag mangyayaring ganun sa alaga ko.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on September 11, 2012, 09:02:44 PM
greetings!

sorry for the late reply....

di mo po nbanggit kung anung part or area yun nangitim. baka po kasi venous pooling lang yan at hindi sakit.

venous pooling sa case na ganito kasi kapag namatay ang animal yun area na kung saan sila nakaratay yun ang area na nangingitim kasi nagaacumulate ang blood doon.

sa nabanggit kasi nila nagtae at tumamlay. ala naman silang nabanggit na respiratory sign.


ang tanong lang po siguro kung nakapagbakuna ba sila ng animal....

------------------------------------


Join the Pinoyagribusiness Mailing list and be entitled to join the
(Pinoyagribusiness mailing list (http://www.pinoyagribusiness.com/subs.html))  swine manual raffle this coming October. Please after subscribing check your email/ spam box to confirm your registration. thank you...

Note: previous members/ old members are not automatically registered in the mailing list. You need to manually subscribe.. Thank you
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: happypig on July 29, 2014, 10:00:04 PM
Dok Nemo good evening po.... I found this site very informative by just reading all the topic... dok nemo may question lang po ako newbie lang po kasi ako sa pagbababoy may problem po ako sa mga biik ko 45 days na po cla 14 po cla lahat sa isang kulungan ang 8 magkapatid sa isang inahin ung 6 naman po sa ibang inahin ang problem po nagtatae po ung 8 na color grey minsan black na tubig na minsan parang wala na clang control basta tutulo nalang last Saturday po nag umpisa nag inject na po ako last Monday ng antibiotic almycin kaso po same pa din now minsan buo na tae nung apat tapos babalik na nman pro ung 6 ok naman po and one thing din po dok malakas cla kumain lahat at walang nanghihina .... really nid ur help talaga dok worry talaga ako ditto... dalamat dok in advance...
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: rayfarmer on October 09, 2014, 01:40:32 PM
doc nemo good day po...nagtatae po yung nga biik namin. binigyan na namin ng tylosin injectable nag ok naman ang iba pero merong isa na hindi pa po. tuloy tuloy ang pagtatae at meron kasama na dugo. pabago bago kasi po ang panahon sa amin. ano po dapat ibigay na gamot? maraming salamat po
   
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on October 20, 2014, 08:17:58 PM
try po sila tiamulin and vitamix basta continue lng for 5-7 days ang antibiotic
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: bolothegreat143 on April 12, 2015, 01:47:24 PM
hi doc pwedi magtanong ka si ang 58day old na baboy ko ay nagtatae tapos minsan nagsuska din at mahina kumain at nanamlay tapos yung sinusuka at dinudumi nya parang may plema pero wala naman siyang ubo doc tulongan nyo po ako ano kaya ang pinakamabisang gamot sa ganyang sakit? thank you doc
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on April 13, 2015, 07:32:39 PM
Magbigay po sila ng vitamins sa alaga nilang baboy and antibiotic like penicillin. pag malakas na po ang alaga nila ideworm po nila ulit ang kanilang alaga.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: kimv132629 on July 07, 2015, 10:06:17 PM
hi Doc,
ask ko lang po doc kung ano po kaya cause ng pagkamatay ng baboy ko. 50 days old pa po. ok naman po siya kahapon pero kaninang moring kay namatay na. kahapon nagtatae po siya, pero malakas naman kumain. tnx sa sagot doc.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on July 08, 2015, 07:13:46 PM
yun sudden death po sa animal na usually weanling  ang possible na cause is edema disease isang type po ng e coli ito.

kung medyo namaga ang mukha nito mas mataas ang chance na ito nga ang dahilan ng sakit.

usually po may bakuna na ibinibigay sa inahin para kahit paano magkaroon ng  protection ang mga piglet and hoping na kapag weanling na ito ay meron pa rin protection sila.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: kimv132629 on July 09, 2015, 06:43:20 PM
hi Doc,

hindi naman po namaga ang mukha ng baboy doc...  Doc meron na naman po akong nanghihinang baboy, 3 days na siya naka antibiotic. pero ngayon Doc ay hindi siya kumain ng boung araw at hindi namakatayo. ano po kaya pwdeng gamot dito doc para makarecover pa siya? tnx sa sagot Doc...
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on July 10, 2015, 06:17:12 PM
mas  maganda sana kung mabibisita ang alaga nilang isang vet para maassess ng husto ang kanilang alaga.

usually po kapag hindi po gumagana yun antibiotic after 3 days nagpapalit ako ng ibang antibiotic.

try to give din multivitamins injectable sa animal para ganahan ito kumain
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: leletgr on December 19, 2015, 12:28:09 AM
helo po doc,tanong ko lang kung anong sakit o gamot
35 heads ng fattening namin nasa edad 3 mos pataas at 2 mos.pataas
sabay sila nagtatae lahat kulay gray at cream sumabay pa mga inahin namin
pahelp naman po doc...maraming salamat
ano kaya ang cause ng sakit nito doc/
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: leletgr on December 19, 2015, 12:55:29 AM
nanamlay at di po sila kumain
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: nemo on December 19, 2015, 01:05:58 PM
yun sakit po hindi ko siya matutukoy specific .pero possibility related sa panahon natin, kung minsan kasi kung sobra lamig panahon nag uubo at tae mga baboy dahil bumababa immunity nila. pwede din dahil tag ulan baka nakakainom sila ng ulan or yun tubig nila is nabubulagbog or nahahaluan ng ulan..

temporarily na pwede gawin is yun kulungan po ng animal ay harangan po nila ng trapal or sako para hindi masyado malamig sa loob at maglagay din sila dayami para pang dagdag init .

give oral antibiotic then po sa kanila kahit penicillin or oxytetracycline. water soluble vitamins din po lagay sila sa inumin para hindi madehydrate ang animal
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: leletgr on December 19, 2015, 06:13:08 PM
baka po doc nabubulagbog o nahaluan ng ulan ang tubig
inumin nila kasi yong inumin nilang tubig is galing sa conrete tank
bali yong manhole ng tank pwede makadaloy sa loob ng tangke ang ulan kasi walang sealed 
maraming2x salamat po doc sa responsed
God bless you always.... :) :) :)
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: leletgr on December 21, 2015, 09:07:28 PM
 helo po doc ok na ang mga fattening namin
nag inject kami ng amoxicilin
problema namin yong mga inahin di pa nakarecover
kasi terramycin L.A lang ginamit namin sa pag inject
kasi mga buntis sila
tanong ko lang pag inject kami ng amoxicillin
di ba ito maka abort?
den ang ibang inahin di tinamaan ngayon tinamaan
na sila nagsusuka nagtatae di kumain
nalito na kami po doc kung bakit
parang outbreak kasi yong kapitbahay din namin tinamaan
ng ang kanilang mga inahin
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: leletgr on December 21, 2015, 09:16:31 PM
di ba kaya ito epekto  sa vaccine ng hogcho ng aming isang kapitbahay
kasi naghogcho sila last week,sa amin di kaugalian  magvaccine ng hogcho
yong kapitbahay namin nagvaccine ng hogcho maybe ang layo namin nasa 400meters
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: leletgr on December 21, 2015, 10:14:43 PM
doc Nemo,  can i ask favor
pwede po humingi ng hogcho
vaccination program from piglets to sows
maraming salamat po doc!!!
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: Propigraiser on January 18, 2016, 10:53:22 PM
Good evening Doc. ano po ba ang brand ng antibiotic para sa biik ....na nag tatae at sa nanginginig na biik. at saka doc ano vitamins para pampagana kumain.
Title: Re: nagtatae na baboy
Post by: jay cruz on February 22, 2016, 01:02:16 PM
hello po pa tulong naman po kase po my 6 na biik ako age 25 days old po, nag tatae po sya na parang gatas at tubig na tubig na po ang dumi nya. nag bigay na din po ako ng injection bacterid pro 7 days na po wala pa din po pag babago ganun pa din po ang dumi nila, medyo namamayat na din po sila... ano po kaya magandang gawin at ibigay sa kanilang gamot... pls help