PINOYAGRIBUSINESS
LIVESTOCKS => SWINE => BREEDING => Topic started by: sanico on June 04, 2009, 04:43:31 PM
-
Hi Doc,
1) Ask ko lang po, kung how many days after farrowing na puede na paliguan ang inahin?
2) At kung puede na paliguan ay dapat alisin ang mga biik sa farrowing pen?
Di kaya ang pag alis ng biik sa farrowing pen ay nagdudulot ng stress sa biik which
causes sa pagtatae ng mga biik? Ano kaya ang magandang gawin para iwas stress
at pagtatae ng biik?
Salamat Po.
-
Some do it as early as 2 weeks. light bath only. Wag babasain masyado ang inahin.
No need to remove the piglet, light bath lang kasi gagawin mo kaya mababasa lang ng konti ang piglet sometimes hindi pa nga nababasa ang piglet.
-
doc, pang ilan days po ba ang recommedended na puede na paliguan ang inahin?
salamat po
-
as early as 2 weeks medyo mild na paligo. and some after a month na lang nagpapaligo.
-
noted po, thanks doc...
-
doc, good am. nangyari po yan sa akin, nung pinaliguan ko yung inahin ko 1 week pa lang after forrowing, nanigas yung dede
at nagka lagnat, buti nalang na agapan ko.. 2 weeks na yung ginawa ko bago hinahalf bath, pero ganun pa rin nag ka lagnat,
buti nalang maganda pa rin mag bigay ng gatas sa mga biik nya.. ganun talaga ang problema ko doc, every time mag forrow yung
sow ko, hinahalf bath ko na two (2) weeks.. yun nag ka lagnat, maybe the next time,, isang buwan na hindi paligoan,,
Minsan kasi masyado tayong excited na paliguan ang inahing baboy natin para maging presko daw yung paki ramdam nya
lalong lalo na pag humihingal na. yun, pero dapat talaga 30 days, kahit tingnan na kawawa..
isa din siguro na problema,, di ako nakkapagbigay nong cccal ba yun? kasi ang alam ko, completo na yung sa feeds sa rely ako dun
yun,, nanigas ang dede,, yun punas na naman.. hahaytz.. pag aalaga talaga.. sacrifice.. minsan butas ang brief :)
as early as 2 weeks medyo mild na paligo. and some after a month na lang nagpapaligo.
-
Wala naman talaga kasing masasabing scientific basis kung kelan papaliguan... Kaya kalimitan sinusunod nalang kung ano ang nakagawian at naexpericnce sa mga baboy.
Yun cecical hindi naman obligadong ibigay ito, pangdagdag gatas lang ito kungmahina sila maggatas ang papatibay ng buto. Calcium supplement kasi ito.
-
salamat sa info doc.
-
mga sir pwede po bang d paliguan ang patabagin na baboy hangang sa ibenta? o kya once aweek lang paliguan pwede po kaya? kaya sabi kac nila po sa akin 2x a day dapat paligaun ang patabain na baboy para d magkasakit nd madaling tumba totoo po ba un? kaya 2x a day ko po pinapaliguan mga alaga kung baboy..saka pag naaarawan ba cla doc nagkakasakit ba cla? kac namatay ung dalwa kung baboy duda ko naarawan sya saka ko pinaligaun sir..
-
once lang po ay pwede na....
Kung taglamig pwedeng kahit hndi na. kapag tag init kahit dagdagan or dalasan....
Kung slotted type at malalim yun salo sa ilalim ng sahig kaht up to harvest pwede. Assuming na hindi ito aamoy. Kapag umamoy kailangan paliguan at linisin ang kulungan.
-
Wala naman talaga kasing masasabing scientific basis kung kelan papaliguan... Kaya kalimitan sinusunod nalang kung ano ang nakagawian at naexpericnce sa mga baboy.
Yun cecical hindi naman obligadong ibigay ito, pangdagdag gatas lang ito kungmahina sila maggatas ang papatibay ng buto. Calcium supplement kasi ito.
Doc Nemo, good AM. May isa ako inahin after 7 days walay na breed kaagad namin medyo payat siya kunti during breed time. After few days sa gestating pen napansin namin napilay yung left hind leg...nagtataka kami eh walang namang nangyari sa kanya na makapag papilay sa kanya and beside nasa ipitan siya? No sign of any bite as well? Doc may iba pa bang dahilan kon bakit siya nagkaganun? takot ako baka makunan sayang naman. Mag 21 days siya after service ngayong 26Jan... we closely monitor this sow for possible reheat.
Hoping getting your reply soon. More power Sir!
-
minsan po kapag nabibigla sila at biglang tayo napipilayan sila... baka meron naghabulang aso sa malapit sa kulungan etc... na naging sanhi para magulat sila....
Vitamins supplementation na lang po muna sila kahit yun water souluble....