Google
Pinoyagribusiness
December 23, 2024, 02:10:52 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
affordable vet products
News: 150 days from birth is the average time you need to sell your pigs for slaughter and it is about 85 kgs on average.
 
  Home   Forum   Help Search Login Register  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Pagtitimbang ng Baboy gamit lang ang TAPE MEASURE at CALCULATOR  (Read 1704 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
laguna_piglets
Full Member
***
Posts: 246



View Profile WWW
« on: January 17, 2012, 01:52:34 PM »

PAGTITIMBANG NG BABOY NA WALANG TIMBANGAN GAMIT LAMANG ANG TAPE MEASURE AT CALCULATOR

Ang pinakamainam na paraan ng pagkuha ng timbang ng baboy ay sa pamamagitan ng pag-gamit ng weighing scale. Ngunit kadalasan ang ilang magbababoy ay walang sariling timbangan o kung meron man ito ay nakalagay malayo sa mga baboy na kailangan nating timbangin. Karaniwan sa farms, ang timbangan ay nakalagay sa marketing area o kung saan malapit sa pinag-bebentahan ng palakihing baboy.
Kung hindi naman kailangan na sobrang eksakto ang makukuhang estimate ng timbang ng baboy, isang paraan na maaari nating garin ay ang pag-gamit ng medida (tape measure) at calculator.


MGA PARAAN:

1. Kunin ang sukat ng HEART GIRTH ng baboy sa pamamagitan ng medida (tape measure) gamit ang pulgada (inches). Ang heart girth at matatagpuan sa likod ng unahang paa o front legs ng baboy.




2. Sukatin ang haba o LENGTH ng baboy simula sa pagitan ng tenga hanggang sa puno ng buntot gamit ang inches or pulgada.




3. I-compute ang timbang gamit ang FORMULA
                                                      Heart Girth x Heart Girth x Length
                       Weight (kilos) -----------------------------------------------------
                                                                      (400 / 2.2)


4. Halimbawa: Si Piggy ay may HEART GIRTH na 40Inches at LENGTH na 30Inches.
                     Girth Result                          = 40 x 40
                                                              = 1600
                     Weight (libra / pounds)           = 1600 x 30
                                                              ----------------
                                                                      400
                                                               = 120lbs
                     Para i-convert sa kilos            = 120lbs / 2.2lbs
                                                               = 54.5 o 55kgs


5. Kung ang computation kay Piggy ay aabot ng 150lbs, magdagdag ng 7lbs bago ito i-convert sa kilos. Halimbawa ang nakuhang timbang sa computation ay 150lbs.
                                                             150 + 7 = 157lbs
                                                          = 157lbs / 2.2
                                                          = 71.36 o 71kgs


Kung ang computation kay Piggy ay nasa 150-400lbs, wala ng adjustment ang gagawin. Pero kung ang computation kay Piggy ay nasa 400-425lbs, magbabawas ng 10lbs. Kung ang computation ay lumampas sa 425lbs, tayo ay mag-babawas ng 10lbs kada 25lbs na dagdag. Atin pong tandaan na ang computation na ito ay akma lamang sa baboy na nasa <400lbs ang timbang, at sa mga nagaalaga ng baboy na wala pa ngayong puhunan para makabili ng timbangan o baskula.

CONVERSION  2.2 Pounds = 1 Kilogram
« Last Edit: January 17, 2012, 02:04:22 PM by laguna_piglets » Logged

Continuous stocks of piglets
Calamba, Laguna


E-MAIL & ADD us on FACEBOOK:   laguna_piglets@yahoo.com
Mylene
Newbie
*
Posts: 2


View Profile
« Reply #1 on: January 18, 2012, 02:22:48 PM »

Hello po, magtatanong lang po tungkol sa aking mga biik na 50 days  old na, at nagkaroon ng karamdaman, tumitigas ang katawan ayaw lumakad at ung mga paa niya hindi ma fold matigas at ung mga mata parang namumula, pag hinawakan ko ung parte ng katawan niya parang masakit dahil sumisigaw siya.... hindi kaya kinagat ng insekto o kaya daga? marami kasing daga sa baboyan namin... disposal period na sana at malulosog pa naman... tapos na ako mag hog cholera after 1 week po
Logged
Mylene
Newbie
*
Posts: 2


View Profile
« Reply #2 on: January 18, 2012, 02:48:18 PM »

Hello po, magtatanong lang po tungkol sa aking mga biik na 50 days  old na, at nagkaroon ng karamdaman, tumitigas ang katawan ayaw lumakad at ung mga paa niya hindi ma fold matigas at ung mga mata parang namumula, pag hinawakan ko ung parte ng katawan niya parang masakit dahil sumisigaw siya.... hindi kaya kinagat ng insekto o kaya daga? marami kasing daga sa baboyan namin... disposal period na sana at malulosog pa naman... tapos na ako mag hog cholera after 1 week po
Logged
alshane
Jr. Member
**
Posts: 50



View Profile
« Reply #3 on: March 22, 2012, 07:57:28 AM »

ang galing naman, malaking tulong to  sa amin na walang timbangan. thanks nagkaroon kami ng idea.
Logged
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

< >

Privacy Policy
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.3 | SMF © 2006-2008, Simple Machines LLC
TinyPortal v0.9.8 © Bloc
Valid XHTML 1.0! Valid CSS!