Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: slauuu on October 13, 2011, 09:10:24 PM



Title: usapan baboy...
Post by: slauuu on October 13, 2011, 09:10:24 PM
mga sir/mam... kwentuhan naman tyo dito..

wala pa akong idea sa pagbababoy. ano ang maipapayo nyo sken..
ano ang una kong gagawin.. ano ang mga kailangan kong bilhin muna.. ano ang mga facilities na kailangan kong pagawa..at kung magbbreed man ako ano ang mga kailangan kong bilhin na sow at boar..

sa ngyn palang po nagpapasalamat na ako sa mga payo inyo.

doc nemo kung mali po ang pagpost ko thread pakimoved nalang po..


Title: Re: usapan baboy...
Post by: erik_0930 on October 13, 2011, 11:56:32 PM
Anu po ba ang gusto nyu? fattening or piglets production? Hanap po muna kau ng good breed na aalagaan para po maganda ang paglaki ng alaga nyu.


Title: Re: usapan baboy...
Post by: allen0469 on October 14, 2011, 04:57:23 PM
good day doc nemo & friend,
ask lang po kasi ang sow ko 3 days palang nag weaning kami bagla lang humina kasi nilipat namin ng kulongan bigla lang humina ang yon namatay na ka agad,pina katay ko wla namang nakitang kagat ng insect at ok naman ang laman loob nya,pang 5th parety nya malalaki mga 13 piglets na survive lahat.
hinala ko baka di kaya na " BINAT "
my tendency ba ang hinala ko doc & friend need advice para to avoid next time.


Title: Re: usapan baboy...
Post by: nemo on October 14, 2011, 06:31:33 PM
pinalo palo po ba ng naglipat sila.

normal lang naman na maglipat ng inahin kapag weaning, ang approach lang po ang dapat pag isipan mabuti.

less stress dapat sa animal, wag bibiglain or mamadaliin ang pag lipat.

sa aming kasi   gamit dati is dalawang board  ipang guguide mo sa katawan ng baboy...bale pa letter "V". yun pinakadulo ng tatsulok yun yung part ng likuran bale mapipilitan siyng magmove forward kasi mararamdaman niya na sarado yun puwitan area niya.ipit ipitan at bugaw lang ng konti para maglakad siya.

also always remember na dapat ala siyang nakikitang tao sa harapan niya kahit pa malayo sa kanya. matatakot kasi siyang maglakad kapag ganun.


Title: Re: usapan baboy...
Post by: slauuu on October 15, 2011, 04:14:36 AM
ERIK..

fattening sana sir. kung piglet palang sir mabilis bang maibenta..


doc nemo.. anong masasabi nyo po sa may pool sa kulungan ng baboy. ok rin po ba yan .ayos may natutunan rin ako sa binigay nyon payo sa pagmmove ng sow..



Title: Re: usapan baboy...
Post by: allen0469 on October 15, 2011, 09:25:07 AM
good day doc nemo,

yon siguro sir ang nangyari baka pinilit ng taga lipat ang sow kaya na subrang stress kasi na binat sya.
salamat doc sa magandang advice sa sunod talagang paimgatan during transfer.


Title: Re: usapan baboy...
Post by: nemo on October 17, 2011, 10:41:36 PM
@slauuu

yun  may pool is okay naman siya especially sa hot season. malinis na hayop ang baboy and they want na maligo sila lagi


Title: Re: usapan baboy...
Post by: slauuu on October 18, 2011, 04:43:01 AM
@slauuu

yun  may pool is okay naman siya especially sa hot season. malinis na hayop ang baboy and they want na maligo sila lagi

doc salamt ulit po sa reply nyo..

kasi medyo naguguluhan ako kung ano ang maganda .. meron din po kasing nagsasabi na maganda ang DBS style na may pool. less baho daw..



Title: Re: usapan baboy...
Post by: nemo on October 19, 2011, 09:10:02 PM
ang dbs kasi nasa trial and error stage pa.

i remember nun pumunta ako sa agrilink, yun isang speaker nila ang sabi... ang practice ng dbs usually is 1 foot na beddings at siya daw ay 2 feet na beddings ang gamit niya at para di umamoy yun basang parte tinatanggal niya at ginagawang fertilizer.. nag dadagdag at bawas din siya ng beddings...

this same speaker din kung di ako nagkakamali a year ago nagsabi kapag dbs ang gamit mo no need na magpalit or dagdag ka ng beddings at hindi babaho ang kulungan mo.

as you can see pati yun mga advocate ng dbs ay pabago bago/ nagmomodify ng system. so medyo mahirap irecommend ito sa mga baguhan sa pag aalaga ng baboy.

maganda lang ito para dun sa mga datihan ng nag aalaga at marunong mag adjust sa hinihingi ng pagkakataon.


Title: Re: usapan baboy...
Post by: up_n_und3r on October 19, 2011, 10:48:48 PM
doc, bkt napapansin ko lng mukang iisang feed brand po ung nagaadvocate ng dbs? (at least ung nakikita ko lng sa commercials, ating alamin program at youtube)


Title: Re: usapan baboy...
Post by: slauuu on October 20, 2011, 01:15:18 AM
doc nemo..

salamat sa info sa DBS doc.. meron po bang nabibiling dvd sa pagbababuyan.. kung meron man po saan ako makakabili nito ...


(http://pinoyagribusiness.com/forum/gallery/5274_24_04_11_3_02_01.jpeg)

NAKUHA KULANG ITO SA GALLERY... pasensya na po sa may ari hiramin ko muna ..
dun po sa may mga babuyan.. ganitong area for fattening po magkno sa tingin nyo ang gagastusin po nito..


Title: Re: usapan baboy...
Post by: up_n_und3r on October 20, 2011, 11:04:32 PM
Bmeg dynamix gamit nito a. =)
Mejo nakakatakot ung horizontal na pipe as wall nila kc pwedeng akyatin nila yan lalo na kpag makaamoy sila ng pagkain. Mas maganda kuyang gawin mong vertical round bars yan.

May iba ka pa bang picture nitong farm na to? Gus2 kong makita sana ung columns pano ginawa at ung bubungan nya. Mukang all metal pati roofing frame nito at mejo mababa vertical clearance.


Title: Re: usapan baboy...
Post by: slauuu on October 21, 2011, 02:51:36 AM
sir up,

wala na po akong nakitang ibang pixs nya. kahit ako rin sir gusto kong makita ang buong area..   

eto sir maganda ba ang ganitong style para sa fattener..
(http://pinoyagribusiness.com/forum/gallery/122_27_08_07_3_39_37.JPG)
pasensya na po sa may ari.. hiniram kulang po ang pixs..


Title: Re: usapan baboy...
Post by: slauuu on October 21, 2011, 02:58:21 AM
sa inyong payo mga sir.. saan ako makakamura.. bakal na wall or cemento na wall..

(http://pinoyagribusiness.com/forum/gallery/6655_17_04_11_10_35_46.jpeg)
gaano kaya kalaki ang kulungan na ito..

doc nemo.. ok lang po bang magTAG ako ng mga pixs dito fr gallery..





Title: Re: usapan baboy...
Post by: nemo on October 21, 2011, 08:13:09 PM
@up

marketing strategy yun sa isang feed company, to ride on the trend of so called "natural farming"... para maiba nga naman.

@slauu
ang tanda ko mas mura ang semento.

ang advantage lang ng bakal is kapag summer malamig pero disadvantage naman kapag rainy season sobrang lamig


Title: Re: usapan baboy...
Post by: slauuu on October 21, 2011, 08:28:56 PM
doc ...
kung ikaw doc saan ka djan.. dun kaba sa semento or bakal..

or dipende narin yan sa lugar ko sir  kung maraming puno or walang masyadong puno..
yun pixs itaas sa tingin ko maganda nga tlga ang semento dito kasi nasa taas sya at mukhang malamig ..









Title: Re: usapan baboy...
Post by: slauuu on October 21, 2011, 08:43:47 PM
(http://pinoyagribusiness.com/forum/gallery/3404_20_10_09_3_22_51.jpeg)

doc dba mababansot ang mga baboy kung sobra sila sa pakain..


Title: Re: usapan baboy...
Post by: laguna_piglets on October 21, 2011, 10:24:50 PM
Hindi sila mababansot lalo mo pa mamamaximize ang growth nila.
Kapag busog na sila titigil na rin naman sila sa pagkain.
Causes lang nag pagkabansot kapag hindi na prevent and mga sakit
tulad ng Scouring, Respi Problem, Internal/External Parasities...


Title: Re: usapan baboy...
Post by: slauuu on October 21, 2011, 11:34:02 PM
sir laguna salamt din sa reply mo ...

nabasa ko sa post ni doc sa kabilang thread..
mabilis nga silang lumaki at bumigat sa ganitogn style  .. kaso ang magiging problema lang nito..kapag mababa ang presyo ng LW sa area ntin.. ito ang magiging problema.

kailangan tlga makakuha ng magandang linyada ng inahin ..


Title: Re: usapan baboy...
Post by: elle on October 22, 2011, 12:44:14 PM
Gud day Doc. Earlier post you guided us on moving  sow on a forward direction with less stress. How is it done moving her backwards?


Title: Re: usapan baboy...
Post by: nemo on October 23, 2011, 06:40:41 PM
@elle

kung gusto mo silang ibaba mula farrowing pen then gumamit sila ng sako, ipasok nila yun ulo sa sako at hilahin ito patalikod. dahil covered ang mata niya mas malamang na sumunod nalang siya. minsan meron din taga hila ng buntot pero dapat hinay hinay lang. Lagyan din nila ng inclined plane yun pinto para hindi biglang bagsak ang paa ng inahin , kung wla pwedeng inclined plane, kahit maglagay sila ng sand bag para merong baitang yun baboy sa pagbaba.



Title: Re: usapan baboy...
Post by: elle on October 23, 2011, 07:05:19 PM
Thanks a lot Doc.


Title: Re: usapan baboy...
Post by: slauuu on October 25, 2011, 08:39:16 PM
DOC NEMO..

pwede po bang malaman kung papaanong gumawa ng biogas at anong sukat ..


Title: Re: usapan baboy...
Post by: nemo on October 27, 2011, 08:10:11 PM
check your mail


Title: Re: usapan baboy...
Post by: slauuu on October 27, 2011, 08:33:18 PM
doc maraming salamat.. sige pag uwi ko titignan ko ang email ko..


madre de agua tree.. maganda po bang pakain ito..
meron pa po akong tanong doc..sana wag kang mag sawang sumagot..
dun sa itatayo kong piggery doc meron po akong makakatabing babuyan...
at sa kabila naman itikan .. meron po bang magiging problema dito..

eto pa po ang tanong ko..

yung PIC GILT..kailangan ba nasa malamig silang lugar doc..


Title: Re: usapan baboy...
Post by: nemo on October 29, 2011, 12:49:26 AM
magiging ok lang siya kung maiiencorporate siya sa formulation.

just to clarify lang, yun lumalabas kasi sa mga report, articles about raw mats like madre de agua usually ginagawa nilang substitute sa corn or iniincorporate sa formulation.

hindi siya ipinapakain as is  na lang. To be really effective ihahalo siya sa formulation.

yun iba ang ginagawa same ration ng commercial feeds then saka na lang yun madre de aqua as parang meryenda.

kung galing sa isang tunnel ventilated system yun gilt mas magandang sa malamig na lugar siya mapunta.


Title: Re: usapan baboy...
Post by: slauuu on October 29, 2011, 01:22:39 AM
magiging ok lang siya kung maiiencorporate siya sa formulation.

just to clarify lang, yun lumalabas kasi sa mga report, articles about raw mats like madre de agua usually ginagawa nilang substitute sa corn or iniincorporate sa formulation.

hindi siya ipinapakain as is  na lang. To be really effective ihahalo siya sa formulation.

yun iba ang ginagawa same ration ng commercial feeds then saka na lang yun madre de aqua as parang meryenda.

kung galing sa isang tunnel ventilated system yun gilt mas magandang sa malamig na lugar siya mapunta.


doc maraming salamat sa reply..


Title: Re: usapan baboy...
Post by: up_n_und3r on November 03, 2011, 09:26:10 PM
Doc, sabi po nila mabaho ung madre de agua raw. Sa mga nkgamit na nito, totoo po ba ito? Maganda po bang ihahalo ung fresh leaves nya sa feeds?


Title: Re: usapan baboy...
Post by: babuylaber on November 03, 2011, 10:55:55 PM
pasingit doc.
madre de agua or trichantera, samerienda ko po ito ibinibigay. hindi ko po ito hinahalo sa feeds. mabaho? mapa tae man o yung leaves mismo ang tinatanong nila kung mabaho ay hindi po. compare na lang po nila yung baboy na kumakain ng may halong darak (mula sa palay w/c is a "grass") less po ang amoy compare sa purely feeds, ganun (or halos) din po ang effect sa trichantera.


Title: Re: usapan baboy...
Post by: slauuu on November 03, 2011, 11:54:10 PM
pasingit doc.
madre de agua or trichantera, samerienda ko po ito ibinibigay. hindi ko po ito hinahalo sa feeds. mabaho? mapa tae man o yung leaves mismo ang tinatanong nila kung mabaho ay hindi po. compare na lang po nila yung baboy na kumakain ng may halong darak (mula sa palay w/c is a "grass") less po ang amoy compare sa purely feeds, ganun (or halos) din po ang effect sa trichantera.

sa unang pakain sir hindi ba magtatae ang baboy..
ano po ba ang naibibigay ng madre de agua sa mga alaga ntin..


Title: Re: usapan baboy...
Post by: up_n_und3r on November 04, 2011, 09:42:31 AM
thanks babuylaber.

May nagtitinda po kaya dito sa Qc circle sa may AANI? Malapit po kc ako dito.


Title: Re: usapan baboy...
Post by: allen0469 on November 04, 2011, 07:43:28 PM

pasingit doc.
madre de agua or trichantera, samerienda ko po ito ibinibigay. hindi ko po ito hinahalo sa feeds. mabaho? mapa tae man o yung leaves mismo ang tinatanong nila kung mabaho ay hindi po. compare na lang po nila yung baboy na kumakain ng may halong darak (mula sa palay w/c is a "grass") less po ang amoy compare sa purely feeds, ganun (or halos) din po ang effect sa trichantera.


@baboy,
ano po ibig mong sabihin mag pa kain ng madre de agua pang meryinda paki expalin po fresh po ba o dry mag biyag.sorry parang d ko ma gets kasi eh..
thanks


Title: Re: usapan baboy...
Post by: babuylaber on November 10, 2011, 10:36:31 PM
@saluu
kapag nag-iintroduce po tayo ng bago sa mga alaga natin, dapat incremental para hindi sila mabigla. 1 tangkay sa unang araw ay ok na

@up_n_under
kuyang suggest ko punta ka na lang ITCPH -Lipa. sa 500 pamasahe mo sako sako maiuuwi mo.

@allen
6am at 5pm po ang kain ng fatteners ko ng feeds. meryenda sila ng madre de agua ng 9am at 3pm at kung minsan kahit 12nn.
 


Title: Re: usapan baboy...
Post by: allen0469 on November 11, 2011, 03:26:39 AM
@baboy,
thanks po sa info,ask po ulit mga gaano ka dami mag bigay ng dahon kasama po ba ang tangkay ng madre de agua kong mag bigay,sa nakita ko sa you tube kasi kasama na pariha po pag bigay ng tangkay ng malongay.


sa inahin po ba pwdi rin ang nasabi mong prosiso pag bigay ng dahon,at wala po bang side effect sa ating alaga kong mapa dami ang maibigay mong madre de agua.


Title: Re: usapan baboy...
Post by: babuylaber on November 13, 2011, 01:02:25 AM
kasama na tangkay kuyang, mas madami mas maganda, as long as nakakain din nila yung tamang amount ng feeds. sa inahin naman binibigyan ko lang sila tamang pampalipas lang ng gutom kumbaga sa commercial sa tv "mag skyflakes ka muna"  ;)


Title: Re: usapan baboy...
Post by: allen0469 on November 13, 2011, 05:46:10 AM
@babuy,
thanks again ha sundin ko ang advise mo kasi malaking tulong diin sa kabawasan sa feeds super mahal na kasi ang commercial feeds wala na yatang balak ibaba lalo pat shortage sa corn balak ko 60% nalang feeds 40% darak kasi wala tayong tubo sa negrosyo pag puro sa feeds at vaccination,med.at vit. nalang ma punta ang kita.