Title: Transport of Pigs Post by: Bok on May 13, 2010, 03:31:07 PM doc nemo,
1. tanong ko lang po kung ok lang magtransport ng sow or gilt from Sta cruz laguna to Lipa Batangas. baka kasi ma stress ng sobra ang sow. 2. pwede din po ba itransport ng ganun kalayo kung piglets? 3. tips and advise naman po sa pagtransport ng baboy lalo na sa ganitong situation. thanks Title: Re: Transport of Pigs Post by: nemo on May 13, 2010, 06:22:33 PM Pwede naman po itransport ito ng ganun kalayo as long as hindi kayo aabutan ng init ng araw. SA case po natin ngayon na sobrang init atleast hindi po sila dapat abutin ng 8 am sa daan. So dapat madilim pa eh, nakaalis na kayo para malamig pa sa pupuntahan nyo. Usually po naglalagay ng beddings sa saksakyan at binabasa ito para hindi magoverheat ang animal.
I do think kailangan din ng permit to transport ang animal so better ask your local government or municipal agriculture kung paano ang tamang proseso. Title: Re: Transport of Pigs Post by: Bok on May 17, 2010, 09:17:48 AM thanks doc. may alam kasi ako accredited breeder sa sta cruz kaya dun pa kung sakali manggagaling ang mga baboy. may alam po ba kayo accredited breeder sa lipa or katabing bayan? para po ndi maxado malayo yung kukuhanan ko ng baboy.
Title: Re: Transport of Pigs Post by: nemo on May 17, 2010, 06:20:57 PM i know luz farm ay nasa batangas, ito nakita kong addresss "Barangay Pinagsibaan, Rosario, Batangas."
Title: Re: Transport of Pigs Post by: r_chie88 on July 09, 2010, 01:37:16 PM thanks doc. may alam kasi ako accredited breeder sa sta cruz kaya dun pa kung sakali manggagaling ang mga baboy. may alam po ba kayo accredited breeder sa lipa or katabing bayan? para po ndi maxado malayo yung kukuhanan ko ng baboy. BOK pwede bang malaman ang breeder sa sta.cruz laguna balak ko din kumuha .. sa lumban lang ako kalapit lang nya.. salamatTitle: Re: Transport of Pigs Post by: Bok on July 09, 2010, 07:11:59 PM KINGSONS AGRICULTURAL DEVELOPMENT CORP.
Sitio Ilang-ilang, Brgy. San Jose, Sta. Cruz, Laguna Mobile No: 0917-800-0004 look for Mr. Ramon King Title: Re: Transport of Pigs Post by: rowell on August 18, 2010, 07:34:07 PM Pwede naman po itransport ito ng ganun kalayo as long as hindi kayo aabutan ng init ng araw. SA case po natin ngayon na sobrang init atleast hindi po sila dapat abutin ng 8 am sa daan. So dapat madilim pa eh, nakaalis na kayo para malamig pa sa pupuntahan nyo. Usually po naglalagay ng beddings sa saksakyan at binabasa ito para hindi magoverheat ang animal. I do think kailangan din ng permit to transport ang animal so better ask your local government or municipal agriculture kung paano ang tamang proseso. quote ko lng po yung sinabi po nyu doc na kailangan na permit to transport animals, ganun din po ba yung mga fattening? kasi po dito po samin sa ilocos eh mahirap na nga ang magbenta at ang baba pa ng presyo ng LW eh mas lalo pa humirap at bumaba kasi according dun sa mga pwesto sa palengke at ibang buyer na nakausap ko andami daw po kasing baboy coming from bulacan at oversize na raw ang mga ito at mura ang benta dito sa amin 85pesos,, nakakaperwisyo minsan (sori sa word) alam ko naman lahat tayo gusto makapagbenta pero everytime kasi may mga buyer ako kausapin eh yun lage ang reason nila na kesyo marami daw galing sa ganito at ganito lng kuha namin, etc,,, hay buhay... Title: Re: Transport of Pigs Post by: nemo on August 18, 2010, 08:05:46 PM Pati po fattener ang pagkakaalam ko dapat meron permit para matransport. Health certificate lang naman yun na healthy ang animal at ito ay itratransport from point a to point b.
85 to 92 ang bentahan sa backyard ngayon sa bulacan... So, kung dadalhin pa dyan sa ilocos at 85 lang din ang benta bakit pa sila gagastos para dyan ibenta at hindi nalang sa bulacan.? MInsan po style na lang yan ng biyahero... para mapilit ka na mabenta ang baboy mo sa mura. MAs maganda kung meron kayong iba pa sanang makakausap na biyahero, Tsambahan din kasi na makita ka nang mabait na biyahero. Di only option is not to sell kung sa tingin mo medyo lugi ka. Yun nga lang tiis ka na pakainin pa ang baboy at hopefully mabenta na masmataas ang presyo. Title: Re: Transport of Pigs Post by: rowell on August 18, 2010, 09:00:40 PM actually po yung mga may mga pwesto sa palengke ang nakausap ko po at sabi eh ganun nga na may sasakyan daw tlga na nagdedeliver sa knila at kuha nila 85 daw kaso nga lng oversize inaabot daw 130 up ung kilo nila,,, tapos 1 tym may nakita nga rin yung nanay ko isang sasakyan daw puro baboy ang lalaki nakahinto sa public market namin.. i was just wondering kung yun nga po kung magkno price sa bulacan eh yung trasportation expenses pa nila and everything...
Title: Re: Transport of Pigs Post by: nemo on August 18, 2010, 09:34:29 PM Malaman hindi bulacan galing yan. dyan lang sa malapit na farm yan. Sinasabi lang sa bulacan galing para hindi magalit sa kanila yun ibang nag aalaga within the area.
Nangyari din dati sa isang malaking farm sa bulacan yan . Nung hindi niya mabenta ang baboy at overweight na binagsak presyo na diretso sa mga palengke at mga biyahero. Dahil bagsak presyo siya bumaba ng husto ang bentahan sa bulacan kasi lahat sa kanya pumupunta. Title: Re: Transport of Pigs Post by: astro on August 19, 2010, 04:57:49 AM naku, may mga ganyan palang strategy sa bentahan, thank you po sa head's up. minsan po medyo nagdadalawang isip kaming mag-asawa tungkol sa pig farm na gusto ko kasi baka po hindi kami seryosohin pati baka i-take advantage kami kasi po bata pa po kami, pareho lang po kaming 24 y.o. at medyo mukhang nene at totoy lang kami. andami ko pala dapat paghandaan...
Title: Re: Transport of Pigs Post by: rowell on August 19, 2010, 06:59:21 AM yun nga rin po ang pinagtataka ko kasi kung biahe pa nila tapos 85 bagsak nila dito eh magkano nalang kuha nila kung tlagang galing pa sila ng bulacan? tsaka according po sa ibang nakaranas na bumili ng mga karne galing sa mga bihayerong katulad nun eh wala daw lasa at mapanghe yung karne...dito bagsak na nga eh pahirapan pa tlga ang magbenta laging yun at yun ang reason nila na kesyo marami daw tlga galing sa bulacan at mababa kuha nila...Anyway, maraming salamat doc!!!!
|