Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: gateway on August 16, 2010, 10:58:52 AM



Title: Tangke ng dumi sumabog
Post by: gateway on August 16, 2010, 10:58:52 AM
Hello experts:

I have my tank for manure storage, nakaclose siya pero meron siyang pvc pipe na singawan para hindi maipon ang gas at baka sumabog. Pero recently lang, yung caretaker ko nag welding sa taas ng tanke kasi meron ikabit na bakal, biglang nagspark tapos sumabog mabuti nakatakbo ang caretaker ko. Ano kaya ang dahilan ng pagsabog. Sa tingin ko baka yung spark ng welding rod siya ang kinain ng gas residue at nagconnect sa loob kaya sumabog, nacompress cguro ang gas. Ngayon pinatigil ko muna ang pagtrabaho tapos pinalagyan ko muna ang ibang pasingawan ang tangke... ang tangke ko ay nag cater ng 100 fatteners. Wala kasi akong lagoon, kaya ito ang ginamit ko..

please share your thoughts.



Title: Re: Tangke ng dumi sumabog
Post by: nemo on August 17, 2010, 06:11:54 PM
Kahit po kasi maypasingaw sila may maiipon na gas sa loob nyan usually yun lumalabas lang is yun sobra dun sa bakanteng space ng inyong tanke.

kaya po kapag napasukan yun tanke nyo ng spark sasabog yan although hindi ganun kalakas kasi hindi naman siya compressed gas...


Title: Re: Tangke ng dumi sumabog
Post by: gateway on August 18, 2010, 11:10:03 AM
ah ok po doc. Medyo malakas daw po... Kaya meron na kaming experience ngayon na delicate pala itong methane gas na ito kapag may nagwewelding. Anyway hindi naman siya compress kasi sa nngayon pinadagdagan ko ng pasingawan na 2 pvc pipe each septic tank, kasi 2 tank yun...

thank you doc


Title: Re: Tangke ng dumi sumabog
Post by: nemo on August 18, 2010, 08:49:15 PM
kung medyo malakas it means maraming bakante space yun naoccupy ng methane sa inyong tanke. kaya nung may spark yun expansion ng air malakas.

anyway, ingat ingat lagi.



Title: Re: Tangke ng dumi sumabog
Post by: tomato_sus on August 21, 2010, 08:21:03 AM
convert mo na lang sa biogas digester para mapakinabangan mo yung methane gas. i wonder if pede kaya yung septic tank as digester. possible siguro yun


Title: Re: Tangke ng dumi sumabog
Post by: nemo on August 22, 2010, 10:21:01 PM
actually ang septic tank ay isang uri/crude type  din na biogas digester hindi lang kasing efficient ng isang tunay na biogas digester pewro meron talagan methane production ito.


Title: Re: Tangke ng dumi sumabog
Post by: gateway on August 26, 2010, 05:42:50 PM
atleast doc nemo naka experience kami ng ganito dagdag kaalaman at ingat din... pero natapos rin ang nursery pen pero super ingat na talaga.. every welding may nakaabang na pag may spark buhos agad ng tubig. Dagdag working force para safety....

Salamat po