Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: Richelle on April 30, 2011, 06:23:30 PM



Title: sudden death in fatteners
Post by: Richelle on April 30, 2011, 06:23:30 PM
Dear doc nemo,
May i ask. May problem po kasi kami sa aming mga growers. Biglaan po silang namamatay ng walang ibang signs kundi pagtatae at nag uube ang balat nila and ang bilis ng kanilang pagkamatay. Kagaya po tuesday, isa sa fatteners ko nagtae then nakita na lang namin na patay na sya kinabukasan. Ganun din po ang nangyari sa 3 pa naming fatteners. Bale apat na po sa kanila ang namatay na. Inisip ko po posibleng hog cholera pero nag vaccinate naman po kami saka ang alam ko po sa hog cholera eh 100% ang mortality nya pero yung 6 ko pang baboy na kasama nila sa kulungan eh naka recover naman po. Ano po kaya tumama sa baboy ko doc. I already tried oxytet at tiamulin pero wala pong epekto. Dun sa amox po sila medyo gumaling. Sana po ay may makatulong sakin. Around 25 kilos po pala ang baboy namin na tinamaan. Salamat po sa makakatulong at sa inyo po doc. 


Title: Re: sudden death in fatteners
Post by: babuylaber on April 30, 2011, 09:07:02 PM
nagbooster shot po ba sila ng hcv?


Title: Re: sudden death in fatteners
Post by: Richelle on May 01, 2011, 06:33:37 AM
Hi sir good day. Di na po kmi nakapag booster ng hcv. Posible po kayang yun po ang dahilan kya po sila nagkahaganun? Nun tingnan ko po amg dumi nila meron pong iba na tubig na may halong mais na di natunaw. Meron din naman pong iba na dark yung kulay na masangsang ang amoy.


Title: Re: sudden death in fatteners
Post by: butongpakwan on May 01, 2011, 02:37:54 PM
hog cholera po iyan ganyan din nangyari smin dati me nabili mother ko ng apat na baboy di nya npansin na me cholera kaya every 3 days namatay isa isa


Title: Re: sudden death in fatteners
Post by: laguna_piglets on May 01, 2011, 03:41:45 PM
Ahh parang nag kukulay talong ho ang alaga ninyo?? na kumakalat sa buong katawan??   Para din ho bang namimilay sa paglakad?? Possible Hog Cholera ho yun.


Title: Re: sudden death in fatteners
Post by: nemo on May 01, 2011, 04:18:18 PM
suspect for hog cholera po yan...

Although nakabakuna sila it doesn't mean kasi na 100% ang protection ng kanilang alaga. Meron pa rin possibility na tamaan talaga sila pero mababa na lanf. Ang pinagkaiba lang ng bakunado sa hindi is kung tumama yan sa farm na walang bakuna malamang 90-100% ng alaga nilang baboy mamamatay.

Possible din namn although bakunado ang kanilang alaga meron failure sa vaccination, possible causes na mishandle ang bakuna. HIndi nakaref, nainitan, matagal bago naibigay sa animal etc.
Aside pa sa nasabi nila na parang alang booster ang kanilang alaga. Kaya hindi ganun kalakas ang protection level.

Para dun sa mga alaga nyo na alang signs ng hog cholera better na magbigay sila antibiotic sa painumin for 3-5 days to be safe lang.

SAbi nila amox ang naging epektib sa kanila so i suggest na ito na rin ibigay nila.


Title: Re: sudden death in fatteners
Post by: Richelle on May 01, 2011, 05:48:46 PM
Salamat po doc nemo at sa iba pang nagbigay ng insights nila. Hopefully eh  mapatigil na ang pagkamatay ng mga baboy ko. Ngaun ko po napatunayan ang kahalagan ng bakuna at ng booster shot sa kanila. Mas malaki ang loss. So ituloy ko na lang po ang amox and electrolytes sa mga baboy. Salamat po ulit ng madami sa inyo.