Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: terblanche37 on April 27, 2011, 08:07:55 PM



Title: reklamo sa piggery...
Post by: terblanche37 on April 27, 2011, 08:07:55 PM
existing na piggery for almost 5o yrs na.At that time,wala pang mga residential structure around piggery namin.It was my dad who started the whole business.Less than one thousand square meters ang sukat ng lote,so definitely it goes to residential classification under the municipal assessment.At present may limang bahay na sa katabi ng piggery namin,5 years ago,nireklamo nila ako sa baranggay.Dahil nangangamoy baboy daw.Gusto nilang ipasara ko ang piggery ko at ilipat sa ibang lugar.any help,nauna ako diot,then nagtayo sila ng b...ahay.Eversince alam nilang may babuyan bat dun pa sila nagtayo?Any advise from you guys...thanks


Title: Re: reklamo sa piggery...
Post by: Bernie on April 27, 2011, 11:47:07 PM
Kapatid sa pag kakaalam ko hindi sa paunahan, based sila sa classification ng area. Nasa real estate kasi ako before kaya pag namimili kami ng lupa dumadaan kami sa municipal/city zoning to know the classification ng land. bihilang municipality/city na nagbibigay ng zoning na restricted ang isang lugar. kasi lahat sila based sa iuunlad ng municipality/city. yan lang naman po ang pagkaka alam ko.


Title: Re: reklamo sa piggery...
Post by: nemo on April 28, 2011, 07:32:38 PM
sad to say maraming mga piggery and poultry ang narerelocate dahil nagiging residential ang kanilang zoning... Kung ikaw ay nakakuha ng business permit etc.. sa iyong babuyan medyo mapaalis ka man hindi immediate. Kasi ang contention is bakit papayagan magtayo o magpalakad ng piggery sa isang residential area, kung nagbigay ka ng permit kahit papaano fault din ng  munisipyo yun. Ang kalimitan end result mawawala ka parin pero meron naman time frame na ibibigay...

Kung makukuha sa pakiusapan , try makiusap ka sa kapitbahay. baka makakuha kayo ng solusyon pa.