In theory kasi maganda yun mga nabanggit na breed. Pero sa breeding kasi you have know din kung ano talaga yun performance nun animal. Kahit na durok yan or landrace yan kung bansot naman hindi ka din makakaasa ng mgandang timbang....
Check mo yun ADG, FCR, BACKFAT thickness etc.... Kung maganda naman then pwede ka kumuha ng gagawin gilt and barako. Ang basic kasi ng genetics is kung maganda ang puno malamang maganda din ang bunga although minsan meron lumilihis din.
Ito naman yun advantage ng baboy na galing sa breeding farm mas assured na laging maganda ang kanilang baboy kasi dumaan na ito sa matinding selection at yun lumihis ay binebenta nalang as fattener.
Kung pag babasihan kasi ang book ni legates and warwick pag sinabi mo na F1 ito yun anak ng 2 superior na animal at ang f2 naman ay anak nung F1 na nabreed sa F1 din na usually kapatid niya.
Although yun iba pinasimple ito basta anak ng f1 = f2, anak ng f2 = f3.....
Personally ang masasabi ko lang kung ala ka pang budget at maganda naman yun naging timbang ng animal then kumuha ka nang gagawin mong breeders dyan at kapag kumita ka na saka ka naman mag infuse ng galing sa farm na breeder
Thanks po doc nemo.
Meron na po kc akong Pure Landrace Boar sariling panggamit po ito namin. Gusto ko lang naman po kc na magkaroon ng sarling terminal boar at kung may makuha po ako sayang naman po ung mga gilts na kapatid nya kung pang markey hogs kaya po baka pwedeng gawing inahin.