Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: Kanyaman Neh' Snack House on July 03, 2011, 09:10:42 PM



Title: Prices of Feeds
Post by: Kanyaman Neh' Snack House on July 03, 2011, 09:10:42 PM
Doc,

Pwedeng magbigay po kayo ng isang brand ng feeds at mga latest prices nila. Kailangan ko po sa computation ng ROI.

Best Regards,

Wilfredo




Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Bernie on July 03, 2011, 09:27:03 PM
Kapatid

Booster              1,500
pre starter pellet    905
starter pellet       1,230
grower pellet       1,130
finisher pellet         865
gestating pellet      955
lactating mash       880

yung 1st batch na nilabas ko bale inabot ng 139days, simula pagbili ko ng biik na mga 6-8kilos ang timbang. 89kilos average nung nalabas. nung binili ko yung biik 2k isa. nabenta ko ng 113 per kilo.

sa feeds naman inabot ng 3.6 sacks


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Leo22 on July 04, 2011, 10:11:30 AM
kapatid na bernie, tanong kulang po kung magkano yung tinubo nyo sa bwat isang baboy at kung magkano lahat ng ginastos nyo mula sa feeds hanggang sa mga gamot at ano po bang feeds ang ginagamit nyo? kasi nung ako nag fattener halos wala man akong tinubo. Salamat!!!


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Kanyaman Neh' Snack House on July 04, 2011, 12:53:18 PM
Pareng Bernie per sack ba itong price na ito? Ilang kilo per sack?

Ang taas ng bentahan sa inyo P 113/kg. Taga saan po kayo? Dito sa amin sa Sta. Barbara Pangasinan P 95/kg ang liveweight.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: rannok_026 on July 04, 2011, 12:56:24 PM
Kapatid

Booster              1,500
pre starter pellet    905
starter pellet       1,230
grower pellet       1,130
finisher pellet         865
gestating pellet      955
lactating mash       880

yung 1st batch na nilabas ko bale inabot ng 139days, simula pagbili ko ng biik na mga 6-8kilos ang timbang. 89kilos average nung nalabas. nung binili ko yung biik 2k isa. nabenta ko ng 113 per kilo.

sa feeds naman inabot ng 3.6 sacks


Sir bernie anong brand ng feeds na e2?..Thanks!


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Bernie on July 04, 2011, 06:31:00 PM
kapatid na bernie, tanong kulang po kung magkano yung tinubo nyo sa bwat isang baboy at kung magkano lahat ng ginastos nyo mula sa feeds hanggang sa mga gamot at ano po bang feeds ang ginagamit nyo? kasi nung ako nag fattener halos wala man akong tinubo. Salamat!!!
LEO SAD TO SAY D KO MA COMPUTE KUNG MAGKANO ANG KINITA KO. NAWALAN AKO NG TIME SA PAG ACCOUNT. PERO BASE YAN SA BINILI KONG FEEDS AT BENTAHAN NG FATTENER.  SANA DUMATING YUNG TIME NA KAYA NA KITANG SAGUTIN.

Pareng Bernie per sack ba itong price na ito? Ilang kilo per sack?

Ang taas ng bentahan sa inyo P 113/kg. Taga saan po kayo? Dito sa amin sa Sta. Barbara Pangasinan P 95/kg ang liveweight.
WILFREDO DIWA PER SACK YAN. YUNG BOOSTER AT PRE AY 25KILOS PER SACK. THE REST IS 50KILOS PER SACK
TAGA STA MARIA BULACAN PO AKO

Sir bernie anong brand ng feeds na e2?..Thanks!
SIR RANNOCK BMEG DYNAMIX PO. YAN PO YUNG PANG FARM NILANG FEEDS. WALA PO KAYONG MAKUKUHA SA FEEDS STORE NYAN.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Kanyaman Neh' Snack House on July 04, 2011, 07:15:11 PM
Pareng Bernie,

Yung mga commercial feeds yung booster & pre starter 25kg ang per sack? The rest 50 kg na?

Thanks,

Wilfredo


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Bernie on July 04, 2011, 08:23:53 PM
yes bro


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: abej on July 25, 2011, 01:50:31 AM
Pareng Wilfredo,

Tanong ko lang sayo regarding sa Liveweight Price jan na P95/kg. sa Sta Barbara, Pangasinan. Nakapagbenta ka naba ng pigs mo? Meron kasi ako ready to sell by 2nd week of August dito ako sa Laoac, Pangasinan malapit sa Manaoag. Baka meron kang alam na buyer na mataas bumili, paki inform lang ako bro. Eto number ko #0933-5121160. Maraming salamat.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Kanyaman Neh' Snack House on July 25, 2011, 07:26:24 PM
Bernie,

Hindi pa ako nag aalaga ng baboy nag aaral pa lang ako habang nandito pa ako sa Dubai. Plano ko kasi magtayo ng piggery.

Sa ngayon pre misis ko ang bumibili tapos ibebenta lang niya sa mga kapitbahay.


Best Regards,

Wilfredo


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Kanyaman Neh' Snack House on July 25, 2011, 07:28:38 PM
Sorry wrong address para kay Abej pala ito.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on July 25, 2011, 10:47:21 PM
@Bernie,

Ok ung price ng dynamix mo, interesting. Sang area mo b?


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: abej on July 26, 2011, 12:11:50 AM
Bernie,

Hindi pa ako nag aalaga ng baboy nag aaral pa lang ako habang nandito pa ako sa Dubai. Plano ko kasi magtayo ng piggery.

Sa ngayon pre misis ko ang bumibili tapos ibebenta lang niya sa mga kapitbahay.


Best Regards,

Wilfredo


Maraming salamat bro sa reply. Sa tingin ko nga tama c bernie, aabot ng average 3.5 sacks ang konsumo sa feeds ng isang fattener bago mo ito ma-harvest sa ika apat na buwan mahigit nito.

Pigrolac feeds ang gamit ko samin, may kamahalan ang per sack. 1.2k ang grower feeds then ung finisher is 1,170. P30 lang ang dference. Mas mura pla ung finisher ng feeds ni bernie, P865 lang. 1st time ko mag-fattening, mgkkron nko ng study nito after ko maibenta ung 22 heads ko.

Ok goodluck sa piggery mo bro. Salamat.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on July 26, 2011, 12:49:04 AM
Dami rin nating tga pangasinan dito pla. Sa San Fabian nmn ung small farm ko. By dec/jan ung harvest sked ko nmn, mga 40 heads. Mukang mababa ung price ng binigay ng bmeg. nkbili ako dito ng pre starter premium 1020 e, 115 difference sa binigay na price ni pareng bernie.

dpende po ata yan sa volume ng order, bk marami kc order ni ka-bernie kaya nakamura xa. sino contact mo sa bmeg po? mkpaginquire rin.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Kanyaman Neh' Snack House on July 26, 2011, 01:13:03 PM
Abej & up_n_und3r,

Magkano live weight sa Manaoag & San Fabian? Anong brand ng feeds gamit niyo? Sa housing gumagamit kayo ng DBS using ipa?

Sa mga iba pang Kabaleyan na nagbabasa ng forum na ito na nagbababoy magpakilala na kayo dito.

Best Regards,

Wilfredo





Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Kanyaman Neh' Snack House on July 26, 2011, 01:35:48 PM
Doc Nemo,

Kung ang pagpapakain ko sa baboy 6am, 12pm, & 6pm ok lang po ba na pakainin ang mga baboy ng mga talbos ng kamote/Kangkong tuwing merienda like 9am & 3pm?

Ano po ang pagkakaiba sa lasa/quality ng karne/epekto sa baboy kung ang pakain ay purong kaning baboy o kaya mga talbos tulad ng nabangggit ko  VS. purong commercial feeds?

Best Regards,

Wilfredo



Title: Re: Prices of Feeds
Post by: abej on July 26, 2011, 06:37:00 PM
Dito samin sa Laoac, mga 15mins away lang naman sa Manaoag. nasa P90-P92 daw ang live weight ngaun. Pigrolac feeds ang gamit ko pre. Kapag grower stage malakas na talaga kumain mga pigs, mabilis din lumaki mga pis during this stage kaya dapat hindi nabibitin sa pagkain. 1.2k ang pigrolac feeds samin. medyo mahal nga ang benta. sa ngaun halos isang araw lang ng 22 heads ko ang isang sako ng feeds. Next week mag finisher na ako hanggang sa harvest ko mga 2nd or 3rd week ng August. Hopefully umabot ng 90kilos ang isa.. :) Karamihan kasi dito samin PIGROLAC ang gamit, yung iba kasi raw tlgang mabigat ang baboy pag tinimbang, solid ang laman kumbaga. Mas ok daw kasi kpag purong feeds tlga. Pero sana nga mkahanap din tau ng murang presyo ng feeds.

@up n under, hopefully makapag 40heads din ako sa next batch ng fattening ko this coming august pag nbenta ko na yung 22 heads ko. San ba mura at mgandang klase na fattener bro? may alam ka ba? any tips? Salamat!


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: laguna_piglets on July 26, 2011, 07:03:47 PM
For 8years namin sa hog raising 6years kaming gumamit ng pigrolac feeds.. Suko na kami sa palaging pagtaas nito, hindi tlga sila nagbababa... Kaya lumipat kami ng ibang feeds.. Na mura at maganda ang quality.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Kanyaman Neh' Snack House on July 26, 2011, 08:05:28 PM
Anong feeds po gamit ninyo ngayon?

Sa taas ng feeds konti lang pala ang kita sa side ng nag aalaga average based sa forum natin dito 1,500 in 4 months (conservative)? Tapos risky pa dahil sa sakit.

About po sa fermentation ng feeds tama po ba na ginagamit po ba ito na pakain & disinfectant?


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Kanyaman Neh' Snack House on July 26, 2011, 08:33:52 PM
abej & up n und3r,

Saan niyo minamarket alagang baboy niyo? Bakit hindi niyo na lang ibenta directly sa consumer sa palengke?



Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on July 26, 2011, 09:30:29 PM
Sa local market lng marami na kumukuha. Ang ginawa ko kasing strategy was nagpunta ako mismo sa wet market to advertise. Then from there, word of mouth na. At first, mahirap nga rin pero when you know to play the game, madali lng. Tip ko lng sa mga bago, wag muna maxado pumili or maarte kung kanino ibebenta, basta kung nasa average price nmn pwede na. This will create a good market footprint and marami for sure ung babalik na buyers.

Meron ring nagpupunta galing baguio, mas mataas ung offer nila, about +3 pesos vs sa local market.

@abej - ayaw mo bng magalaga ng sow? At first bumili lng ako ng biik sa farm ng tito ko sa malasiqui (Dizon Farms, I think pwede pa ring bumili doon) then pumili ako ng gagawing inahin sa nabili ko. Right now, ung 3 sa 4, nanganak na, 13, 11, and 10 litters. For sure marami kang makukuhang tips dito kung paano pumili ng alagaing inahin. Ung malakas ung resistance sa sakit + magana kumain + mahahaba ung katawan un ung primary criteria ko. Next is by 6th month, dun ko is-shortlist kung may mothering ability xa, un na un.

Pwede ko rin ibenta ung mga biik ko, mahahaba pangangatawan and lahat nabuhay. Sa awa ng Diyos, di nmn kmi nahirapan sa 3 inahin sa panganganak. 30 days na nung una sa july 29.

@wilfredo - sa feeds brand, iba-iba pa rin gamit ko. Sunjin, ace and uno. i'm also trying again si bmeg. with regards sa lw, di pa ko nagtatanong kc mtgal p nmn harvesting ko. =)


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Kanyaman Neh' Snack House on July 27, 2011, 03:46:56 AM
Maliban sa Dizon farm ano2 pa ang mga alam ninyong farms sa Pangasinan?


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Kanyaman Neh' Snack House on July 27, 2011, 03:56:31 AM
up n under,

Damig biik nyan, anong lahi ng sow mo? Magkano mo binebenta ang biik? Anong lahi ng biik?


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on July 27, 2011, 08:36:47 AM
Hypig ung inahin. Ung father nya may lahing pietrain. Di ko sure kung meron pa ung kay Atty. Pinlac.
Complete immunization na xa. With respissure (for mycoplasma) and pestiffa (for hog cholera). Tpos na rin ung iron and multi-vitamins. Plan to sell it 2.2k each.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Kanyaman Neh' Snack House on July 27, 2011, 12:39:28 PM
Mayroon po ba sa farm sa Pangasinan nagbebenta ng magagandang breed na F1?


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: abej on July 27, 2011, 02:12:28 PM
For 8years namin sa hog raising 6years kaming gumamit ng pigrolac feeds.. Suko na kami sa palaging pagtaas nito, hindi tlga sila nagbababa... Kaya lumipat kami ng ibang feeds.. Na mura at maganda ang quality.

Aun nga napansin ko sa pigrolac, may kamahalan tlga. pero ano ung feeds brand na nilipatan mo bro? mahalaga sa negosyo ng hog raising ang kada sentimo na maile-less natin sa feeds kasi itong aspeto na ito ang pinakamalaking gastos sa fattening.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: abej on July 27, 2011, 02:16:46 PM
Sa local market lng marami na kumukuha. Ang ginawa ko kasing strategy was nagpunta ako mismo sa wet market to advertise. Then from there, word of mouth na. At first, mahirap nga rin pero when you know to play the game, madali lng. Tip ko lng sa mga bago, wag muna maxado pumili or maarte kung kanino ibebenta, basta kung nasa average price nmn pwede na. This will create a good market footprint and marami for sure ung babalik na buyers.

Meron ring nagpupunta galing baguio, mas mataas ung offer nila, about +3 pesos vs sa local market.

@abej - ayaw mo bng magalaga ng sow? At first bumili lng ako ng biik sa farm ng tito ko sa malasiqui (Dizon Farms, I think pwede pa ring bumili doon) then pumili ako ng gagawing inahin sa nabili ko. Right now, ung 3 sa 4, nanganak na, 13, 11, and 10 litters. For sure marami kang makukuhang tips dito kung paano pumili ng alagaing inahin. Ung malakas ung resistance sa sakit + magana kumain + mahahaba ung katawan un ung primary criteria ko. Next is by 6th month, dun ko is-shortlist kung may mothering ability xa, un na un.

Pwede ko rin ibenta ung mga biik ko, mahahaba pangangatawan and lahat nabuhay. Sa awa ng Diyos, di nmn kmi nahirapan sa 3 inahin sa panganganak. 30 days na nung una sa july 29.

@wilfredo - sa feeds brand, iba-iba pa rin gamit ko. Sunjin, ace and uno. i'm also trying again si bmeg. with regards sa lw, di pa ko nagtatanong kc mtgal p nmn harvesting ko. =)

Salamat sa tips bro, il take note of that. ang plano ko nga is yung 2 heads ko gawin ko ng sow. kasi ang hard side lang naman ata ng sow is pagna nganak. pero aside from that, ung costings sa pag maintain mas minimal. And pag nanganak, sure money agad ito.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Kanyaman Neh' Snack House on July 27, 2011, 03:33:20 PM
Uso ba sa Pangasinan ang paggamit ng Deep Bedding System? Gumagamit kayo ng fermented feeds?


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: laguna_piglets on July 27, 2011, 04:58:20 PM
For 8years namin sa hog raising 6years kaming gumamit ng pigrolac feeds.. Suko na kami sa palaging pagtaas nito, hindi tlga sila nagbababa... Kaya lumipat kami ng ibang feeds.. Na mura at maganda ang quality.

Aun nga napansin ko sa pigrolac, may kamahalan tlga. pero ano ung feeds brand na nilipatan mo bro? mahalaga sa negosyo ng hog raising ang kada sentimo na maile-less natin sa feeds kasi itong aspeto na ito ang pinakamalaking gastos sa fattening.
Feemills na from batangas kasing quality rin sya ng mga commercial feeds na kilala natin pero hndi mabigat sa bulsa.. Direct pa kami nakuha sa company (company price) kaya abot kaya. Maicocompare ko ang pre-starter nila sa super start ng pigrolac.. Ang booster maganda din..


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on July 27, 2011, 05:27:24 PM
@laguna piglets - yan din sana ung direction ko, to get feeds from local feedmill. Wala pa akong mahanap dito sa pangasinan, i even created a topic for this but to no avail. heheh. So i have to settle for commercial mills which i'm not picking just one brand. Im still studying ung feed quality, cost, agent's responsiveness, and all para makapag settle ako sa iisang brand for all of the stages.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: laguna_piglets on July 27, 2011, 06:26:08 PM
Sa Batangas kasi maraming bagong mga bukas na feeds company ito ang magagandang quality ng feeds.. Maganda din kung magdidirect tayo sa kanila, dahil mababa ang price compare sa mga commercial feeds na galing sa mga dealer nito, mahigit P90 ang difference..


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Tinkerbell on July 27, 2011, 06:52:40 PM
@laguna_piglets  Alam mo pareho tayo kasi gamit ko din prgrolac kaso sobrang mahal talaga nila magbenta buti sana kung ang livewieght price is 125 per kilo kaso hinde eh...kaya dapat palage tayo naghahanap ng ibang mapagkukunan ng cheap yet good quality of hog feeds para makatipid sa gastos sa feeds...may i just ask kung saan ka mismo kumukuha ng supply ng feeds for your pigs? thanks!


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: abej on July 28, 2011, 01:56:40 PM
@laguna_piglets, kung malapit lang sna ang batangas sa pangasinan, hehe.. makkatipid na sana. Mganda nga rin ata na strategy kpag kumuha ng maramihan for stock purposes bka maile-less pa ang price ng feeds. tska ayun ang best way, na direkta sa company at hindi sa mga store retailers.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: abej on July 28, 2011, 02:03:08 PM
@laguna_piglets  Alam mo pareho tayo kasi gamit ko din prgrolac kaso sobrang mahal talaga nila magbenta buti sana kung ang livewieght price is 125 per kilo kaso hinde eh...kaya dapat palage tayo naghahanap ng ibang mapagkukunan ng cheap yet good quality of hog feeds para makatipid sa gastos sa feeds...may i just ask kung saan ka mismo kumukuha ng supply ng feeds for your pigs? thanks!

ms rosalyn, magkano po ang pigrolac feeds sa inyo? may study kna po ba kung hanggang anong timbang ang inaabot ng mga pigs mo until the harvest using pigrolac feeds?


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Tinkerbell on July 28, 2011, 07:17:11 PM
@abej  Hanggang starter lang ang natry namin sa pigrolac kasi sobrang mahal talaga.   Naisip ko magstop na kasi konti na lang kikitain kapag na dispose na fatteners.  As of today kasi, 100-105 lang ang liveweight price. As far as I remember ang price ng starter per sack is 1,380 sa Rizal area. Maganda naman ang pigrolac pero kelangan talaga na humanap ng iba na mura pero maganda pa rin ang quality.   :D


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: abej on July 28, 2011, 07:52:36 PM
@ rosalyn. yes tama po kayo, talgang may kamahalan ang mga feeds kaya kung mkakahanap tau ng mas mura na alternative pero high quality din naman, malaking bagay po. lalo na sa fattening. the more the better, pero malaki rin ang investment na ilalabas. Kaya mlaking bagay kung mkakaless sa price ng feeds. cheaper pa po pla sa pangasinan area ang pigrolac at 1.2k per sack. kaya nga lang, mas mataas ang bentahan sa area ninyo ksi mlapit sa metro manila.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: laguna_piglets on July 28, 2011, 08:00:41 PM
Grabe ang mahal.. Iboycot na yan hehe..
As i remember the current price of Pigrolac today here (Dealer).
Pre-starter is P1040
Super start is P1080.

Way back Year 2009
Pre starter P910
Super start P960

Look at their difference, at kahit ni-minsan hindi tlga sila nagbaba ng kanilang feeds..

Para din itong malaking problema ng presyo ng langis sa world market,, hindi natin alam kung hanggang kailan pa sila mgpapatuloy sa pagtataas ng kanilang presyo after 5years from now, pero ang live weight is still the same.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on July 28, 2011, 08:48:22 PM
@laguna piglets. Sama ng loob mo kay pigrolac ah  ;D.
Ano ba ung next in line na maganda ung performance ng feeds pero mura sa tingin mo? Di pa ko nkpagdecide tlga kung kanino ako magfofocus ng order sa lahat ng stages ko. Heheh...



Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Bernie on July 28, 2011, 10:37:43 PM
Hi-Grade share ko lang pero hindi po ito ang gamit ko... para lang sa mga naghahanap ng basis;

Booster mini pellet 25kls 1861
Pre Starter mini pellet 25kls 1086
Starter mini pellet 50kls 1282
Grower pellet 50kls 1134
Finisher pellet 50kls 1114
breeder pellet 50kls 1119
Lactating pellet 50kls 1179

as of april 2011


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Bernie on July 28, 2011, 11:06:39 PM
FARM GRADE HOG FEEDS


Product   kilos/bag   HIGH DENSITY
                       Mash    Crumble
Pre Starter   25             1,040   1,095
Starter Booster   50    1,555   -
Starter   50            1,180   -
Grower   50            1,100   -
Finisher   50            1,055   -
Gestation   50            1,055   -
Lactation   50            1,130   -



Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Bernie on July 28, 2011, 11:08:03 PM

   FAMOUS HOG FEEDS
         
Product   kilos/ bag   Premium
                       Mash
        
Mama 80   1      220
Starter   50   1,295
Grower   50   1,225
Finisher   50   1,160
Brood Sow   50   1,200
BMX   50           1,715



Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Bernie on July 28, 2011, 11:11:15 PM
MIGHTY HOG FEEDS

PRODUCT   kilos/ bag   PLUS                Caliber              Premium
                    pellet   mash   pellet   crumble   pellet   crumble
                            
Pre-starter   25                                   1055
Starter booster   50                           1,480
Starter   50       1195                              1,255   
Grower    50       1130                      995          1,185   
Finisher   50        1085                      950           1,135   
Brood Sow   50        1105                      970           1,175   


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Tinkerbell on July 30, 2011, 05:36:27 PM
@laguna_piglets  Oo nga dapat boycot na... ;D :D
300 peso difference....terrible!  :o


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: abej on August 05, 2011, 12:44:39 AM
Good day sa lahat!

Any buyers sa Pangasinan area dito, mlapit kami sa Manaoag. meron na kasi ako ready to sell this month of August, 20 heads. Pwede nio po ako contact @ 0933-5121160. Thank you very much.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on August 05, 2011, 08:44:28 AM
Kelan po kaya aakyat sa 100/kg ang lw, sa november b?

@bernie - i was able to talk to a bmeg agent and their prices for dynamix 1&2 are very competitive. bibisita ung boss nya to see my semi-farm backyard and prices might still get lower raw.

dito sa san fabian, ang malakas na feeds are goldlabel and excell. ung mga kakilala ko right now nagshift na sila sa excell with their new marketing strategy, 90-days bgay nila but srp-based ung price. interesting to small backyard and semi-backyard owners kc they will not think of getting payment of feeds kc upon harvest time lng sila magbbyad, so no cash-out the entire duration, only to find out nmn na mas mababa kikitain kc walang discount. but they say, mas ok na raw un kesa pahirapan silang maghanap ng source for a 30-day terms, etc.

b-meg can't increase the terms to 90-days. hanggang 30days lng daw tlga sila. so that's a challenge for them how to penetrate the market here. i'm pretty sure, marami rin ditong mga agents reading this forum, so it's reall a good source of inputs tong pinaguusapan natin. :)


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: abej on August 05, 2011, 11:59:10 AM
@ up n under: ok yan ah, excell mrketing strategy, that's actually one best way to get small backyard's loyalty to their feeds. U mean, u can get all the feeds that u need during ur fattening period then just pay them after harvest? Ok na ok nga kung ganun, btw, how bout their price bro and the quality of course? Competitive ba? Pls let me know nman their offce or any agents na pwde kausapin, para i can make deal with them. San fabian lang ba cla? Thanks bro!


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on August 05, 2011, 12:49:38 PM
Yup, maganda nga ung strat na un.
Kumuha nga rin ako pero for 30-days. Kung di ko na kaya, cguro dun ko na lng isipin to try nga un. Basically, this is similar sa contract growing. Sila na rin kc kukuha to sell it, kaya wala k ng prob tlga. And ung selling price is same sa local market rin, so di ka rin talo.


Ok rin ung price nila, xempre mejo mataas compared sa 30-days. SRP-based na ung price ng feeds. Distributor xa for the entire pangasinan, I can give you the boss' name and contact para rekta ka na makipagusap, just mention my name (Francis Dizon) that i refer you kc they will ask it.

To all those interested, text me at 09392758626. Thanks.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: abej on August 05, 2011, 02:01:36 PM
Maraming salamat sa mga info bro! npaka helpful lalo na sa mga nagi start pa lang sa hog raising. Ok bka next week uwi ako pangasinan, andito kasi ako ngayon manila. I'll talk to your known distributor sa pangasinan to make a deal. Kasi meron na ako 20 heads ready to sell this month. Hanap pa nga ako buyer sa area namin sa Laoac or kahit sa Manaoag, Binalonan, Urdaneta, nearby towns kasi smin un. I'll set an appointment. Of course wiht all courtesy to you bro na nirefer mo ako. :) Pag nabenta ko na yung batch na to this month of August din kuha ulit ako fatteners, I'll make it 30 or more cguro para sakto tau sa november or by december mataas na malamang ang live weight price. More power to us all!


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on August 05, 2011, 05:30:52 PM
no prob dude. tulungan lng tyo. eto ung kagandahan sa forum na to. talk to them rin kc pwede ka rin nilang tulungang idispose yan.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on August 05, 2011, 10:23:47 PM
May nagtitinda po dito ng corn grits/feeds? Need ko po kc. txt na lng po kyo: 09392758626


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: erik_0930 on August 06, 2011, 01:40:29 PM
Sir up_n_und3r merun kaya ang excell marketing strategy na binanggit mo d2 sa parteng Bulacan or Pampanga..boundary ng 2 Lalawigan ito. Sana merun d2 din sa amin para maka avail din kami ng 90 days strategy na yan...thanks


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: nemo on August 07, 2011, 09:41:40 PM
dati ang nagpapautang ng feeds is JFL sa mabolo,malolos pero atlas feeds ang dala nila.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on August 08, 2011, 01:20:47 AM
Try nyo lng po magcontact sa mga feeds po. Alam ko po kc depende rin yan sa laki ng farm. Sa mga semi-farms, open rin ata si Ace magpautang ng 90 days. Si Excell kc kht maliit lng backyard, ok lng s kanilang gawin un. Kaya halos lahat ng mga backyard owners dito, un ung feeds nila.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: erik_0930 on August 08, 2011, 02:47:50 PM
Doc Nemo nag exist pa po ba ang JFL, pahingi naman po ng contact number nila..maganda din po ang Atlas.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: nemo on August 09, 2011, 07:38:37 PM
wala po ako contact ng jfl. try to visit nlng their store,,,


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Kanyaman Neh' Snack House on August 15, 2011, 09:45:55 PM
Tanong ko lang po kung anong epekto ng pakain na purong darak & mga talbos vs commercial feeds?


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: nemo on August 16, 2011, 06:46:28 PM
in theory kasi mas mabilis ang paglaki kapg commercial compared sa darak and talbos.



Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on August 16, 2011, 07:27:32 PM
e doc ung wet vs dry feeding nmn po? may mga studies po ba kung ano mas ok in terms of fcr?anong stages po ung nirerecommend ang wet or dry feeding?


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Kanyaman Neh' Snack House on August 16, 2011, 10:45:01 PM
Doc kung ang pakain from birth to 5 months ano po ang estimate weight using commercial feeds vs darak with different plants? Ano din po ang epekto nito sa quality ng meat?



Title: Re: Prices of Feeds
Post by: nemo on August 27, 2011, 10:13:17 AM
mas mataba po yun ouro darak or kung hindi naman maspayat.. extreme lagi.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on September 04, 2011, 06:13:19 PM
Booster              1,500
pre starter pellet    905
starter pellet       1,230
grower pellet       1,130
finisher pellet         865
gestating pellet      955
lactating mash       880

@ Bernie - Yan bang price ng gestating at lactatning na binigay mo, dynamix 1 p rin b yan?


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Tinkerbell on September 07, 2011, 09:52:03 AM
Sana may Ace or Excel feeds din sa Montalban,Rizal para makapag avail din ng 90-day payment term... :D


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: nemo on September 08, 2011, 05:04:22 PM
ang terms po ng payment hindi solely nakasalalay sa feed company ang mas may say dyan is yun distributor ng feeds...

Ganito po kasi setup ng feed system sa atin:

from big company sa isang province or region mamimili sila ng exclusive distributor... so ang burden ng exclusive distributor ay dapat makabenta siya ng let say 10 000 bags of feeds per month. then si distributor ang perks naman niya is siya ang panggaling ng brand A sa buong region or province... magkakaroon siya ngayon ng downline / dealers... so yun dealers ay siyang magtitinda sa mga munisipyo or brgy depende sa capacity niya minsan may kota rin sila....

Then si distributor ang usapan dyan is usually 30 days pautang siya sa company.... kung mapera si distributor pinapayagan na hanggan 60 days or 90 days. Pero kapag nag cash siya mas malaki ang discount na makukuha niya. at the same time kapag lumagpas siya sa kota niya meron siyang additional rebate...

ngayon kapag si distributor ay magaling magsugal ang gagawin niya ay ipapautang niya ang fids niya ng halos 60 days kung ang pautang ng company sa kanya ay 90 days. kung hindi man kapag mapera si distributor ipapautang niya ng 60 days ang fid niya hoping na makakota siya at madagdagan ang rebate niya...

Sa mga play-safe naman pagpinautang sa kanila ng 30 days ang fids , ibebenta nila ng cash basis para ang ending wala silang puhunan pero meron silang tubo...



Title: Re: Prices of Feeds
Post by: abej on September 08, 2011, 05:15:06 PM
Hi doc nemo, tanong ko lang about purina feeds, eto po ba ang feeds pnakamataas ang presyo sa market? if so, ayos po ba ang performance nito? bka po may feedback lang po kau re purina feeds. salamat


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: nemo on September 08, 2011, 05:32:58 PM
i am not sure kung sila ang pinaka mataas? Pero for sure high end ang price nila. in terms if performance maganda naman ang mga feed back


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: babuylaber on September 09, 2011, 01:28:41 PM
dito samin, masmahal pa rin ang pilmico


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: abej on September 09, 2011, 08:28:29 PM
@babuylader: bro, magkano ang pilmico feeds sa inyo? kmusta nman performance?


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on September 11, 2011, 12:11:53 PM
Doc Nemo - Ung mga medium or large commercial feeds, rekta na sila sa manufacturer para mas mura and mas marami perks. Alam ko po may quota requirements sila para maging direct.

Pano po b ung computation ng feeds, per sow-level rin po b? Di ko po alam anong formula para maproject ko feed orders ko monthly for a 10-sow level; 15 sow-level and 24 sow-level. Appreciate the assistance.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: nemo on September 11, 2011, 06:01:23 PM
Kapag medium minsan direct or may sarili na silang gawa na feeds. Pag large usually maysarili silang mix.

Actually di ko din kabisado ang orderan monthly, based kasi yan sa dami and klase ng baboy na nasa iyong farm on that particular day / week. 

The best kasi na order is weekly basis rather than monthly.

Weekly kasi makikita mo kung gaano kagana gumain sila and then makakaadjust ka sa order mo. Also, weekly para mas fresh ang nakukuha mo na feeds. Ang lifespan kasi ng feeds ay usually halos 2 months lang kapag pellet form. So kung oorder ka ng for monthly basis and hindi mo naman sure kung ilang days na sa bodega ng agrivet ang ibibigay sayo baka masiraan ka lang ng feeds on the long run..


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on September 11, 2011, 08:52:16 PM
Ok doc.
Last time cguro ayaw pa nla ng weekly kc onti lng ung orders ko. Tingin ko pwede na ngaun ang weekly or every 15th and 30th, sakto sa sweldo. =)


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Bernie on September 12, 2011, 12:00:24 AM
up and under sorry d na ako nakareply sa text mu

dynamix gestating pellet      955
jumbo lactating mash       880


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on September 12, 2011, 12:45:46 PM
Ok lang un @ Bernie. Thanks for clarifying ung feeds na gamit mo. Mataas bgay skin sa dyna 1 prestr - 960, jumbo lac - 900. Di bale, bk pwede p raw babaan ito, though nagbbgay sila ng free medicines naman. =)


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: allen0469 on September 12, 2011, 12:51:55 PM
@up and bernie,
ask lang po ang dynamix ba nation wide narin ang sales nila kasi pag ganyan ang price at maganda diin ang quality ng feeds nila mas maka save tayo.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on January 24, 2012, 07:48:34 PM
Sad news is that may price increase na naman si BMEG this January (+30)! E kaka increase lng nila nung November (+35). In months period +65 ung increase?!!! Can't believe it, halatang sila na... Sila na nga ang nagdidictate ng pricing sa market! I'm changing my feeds na ngaun...

Sa mga BMEG users, ganun rin b ung kwento sa inyo??? Lipat na po tayo sa iba... Di na makatarungan ito, kawawa hog raisers na tlga, di pa tumataas ung lw. Kamote tlga....

Hayz...


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: Tinkerbell on January 31, 2012, 01:47:23 AM
Members,
Wag na tayo magbigay ng pure feeds sa mga hogs natin...mag darak n lng tau with cooked corn grits & gabi...plus at least 40% ng feeds...bibigat din sila. I think mash is also good instead of pellet kasi mas mataas p price kapag in pellet form yung feeds. Kasi based sa mga computations ko dapat lowest market price must be 100/kilo liveweight  to make hog bisnes profitable as far as prices of feeds today is concerned. Kung may 15k extra money pa tayo n naitatago, gawin nating additional capital to put up our own meatshop or just rent a small stall para tayo n ang magbenta ng mga baboy natin in wet market.  These are the two options n nakikita ko para magpatuloy p tayo sa negosyong ito sa kabila ng walang katapusang pagtaas sa price ng feeds.


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: allen0469 on January 31, 2012, 11:58:47 AM
@ up_,
try nyo po pag isahan ng mga kaibigan mong nag aalaga ng baboy sa lugar nyo para po kong bumaba ang sales ng BMeg baka mag reduce sila ng sale kita nyo po naman  malakas sila sa advertisement kaya saan nila babawein ang gastos nila kaya sa amin halos nag si lipatan na, marami namang katulad ang content ng feeds nila sa ibang product.
ako lipat na ng Uni feeds wala namang pinag bago sa alaga ko mula sa BMeg.
Suggestion lang po....


Title: Re: Prices of Feeds
Post by: up_n_und3r on January 31, 2012, 02:25:29 PM
Thanks Allen.

Inuumpisahan ko na ring lumipat actually. Naghhnap ako tlga ng maganda gandang offer and ung maganda rin ung service nila.