Title: presyo ng litsunin Post by: baby prince on August 11, 2009, 09:22:56 PM hi..
ask ko lang po sana sa inyo kung magkano ang standard price ng pang lechon na mga baboy na nasa 25 to 35 kilos na po. sa tingin ninyo hindi po ba lugi kung ibenta na ang baboy sa ganitong timbang? salamat po. Title: presyo ng litsunin Post by: nemo on August 14, 2009, 08:45:54 PM mas mataas ang chance na lugi sila kasi sa stage na ito malakas sila kumain pero hindi p kalakasan ang paglaki
Title: presyo ng litsunin Post by: Rouge on August 15, 2009, 01:16:11 PM Follow up po sa question ni babyprince; magkano po dapat ang price ng live weight kung pang litson para hindi lugi? should it follow the same price as the existing farm gate price?
Title: Re: presyo ng litsunin Post by: nemo on August 15, 2009, 11:30:59 PM Kung Farm price kukunin syo mas maganda. Kung backyard price kasi mas mahirap makabawi
Title: Re: presyo ng litsunin Post by: yuan.ai.centrum@gmail.com on August 19, 2009, 09:57:21 AM okay na yang timbang na yan para sa letchoning baboy.... pag per kilo khit 250-280 ang bentahan pag buo khit 230/kilo.
Title: Re: presyo ng litsunin Post by: baby prince on August 19, 2009, 12:57:14 PM eh doc.,same din po ba ang farm gate price ng fattening at lilitchoning baboy po?tnx
Title: Re: presyo ng litsunin Post by: nemo on August 19, 2009, 08:21:13 PM dapat sana ganun para maganda kita ng litsunin baboy.
Title: Re: presyo ng litsunin Post by: sanico on August 19, 2009, 10:35:39 PM Ang litsonin ay tinatawag ng mga biyahero na undersize (70kg pababa). Mas mababa kaunti sa presyo ng Standard Size nila from 80-90kgs. Ito ang sabi sa akin ng biyahero, ewan ko kong binobola lang ako. Sana may mag confimed nito, iyong mga kasamahan natin na matagal na sa business na babuyan.
Title: Re: presyo ng litsunin Post by: nemo on August 20, 2009, 02:35:47 PM Yun sa mga biyahero litsunin lang ang tawag nila pero sa palengke din napupunta yun. Kaya lang nila binababa ang presyo ay sa dahilan mas marami ang reseko nung animal. Mas konti pa ang laman na mahaharvest dito, mabigat pa ang timbang ng bituka nito na hindi naman maibebenta ng mahal sa palengke.
|