Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: yunik_10 on February 15, 2010, 08:34:12 AM



Title: Piglet queries
Post by: yunik_10 on February 15, 2010, 08:34:12 AM

Hi Doc,

Hope you can find to answers my query.

1. Ano po pwede pang gamot sa sugat sa tuhod nang biik(1 week old)?, meron po ba means na di sila masusugatan dahil sa pag dede?

2. Ilang days ko ba pwede na pakainin yung biik? Ano po pwede ipakain? base po sa inyong praktis.


GOD Bless,

Em


Title: Re: Piglet queries
Post by: yunik_10 on February 15, 2010, 09:45:03 AM
Additional po.

Ano po ang pwede igamot sa biik na may arthritis?


Thanks


Title: Re: Piglet queries
Post by: totz on February 16, 2010, 06:23:58 PM
Ganun talaga nasusugatan talaga yong tuhod ng biik kapag dumedede dahil nagagasgas pag nag aagawan lalo na pag semento flooring pero mawawala den kagad yan, saken pinapabayaan ko lang nawawala naman yang sugat habang tumatagal. 

 , yong pagpapakain sa biik dun sa taas basahin mo po yong "Proper Feeding" nandun po lahat.


Title: Re: Piglet queries
Post by: tomato_sus on May 11, 2010, 09:49:44 AM
doc ano pong negative effect sa biik pag 25 days old na sha nacastrate?


Title: Re: Piglet queries
Post by: nemo on May 11, 2010, 09:45:51 PM
mas madugo at stresful sa kanila


Title: Re: Piglet queries
Post by: tomato_sus on May 12, 2010, 06:50:48 AM
mas madugo at stresful sa kanila

thanks doc.. sana di maapektuhan ung paglaki nila..

yung kasing nagaalaga ng mga biik ko.. nasabi ko na sa kanila na 10 days dapat castrate na.. tumawag ako nagawa na raw,, pero nung nagpunta ako dun nung sunday,, hala! katatapos lang icastrate.. nakakainis... ang hirap pag hindi ako mismo ang nagaalaga,..nakakadismaya ba..parang gusto mo na ipullout at magpaalaga sa iba.


Title: Re: Piglet queries
Post by: yunik_10 on May 12, 2010, 10:15:37 AM

Sir Tomato_sus,

Magkano po bayad nyo sa inyong taga-alaga?,, ilang heads po ba inaalagaan nya?