Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: Bernie on April 03, 2011, 04:05:40 PM



Title: Pano pag benta ng Litsunin?
Post by: Bernie on April 03, 2011, 04:05:40 PM
Pano po ba pag benta ng lisunin na baboy? may market value ba same sa liveweight? or yung 1st 10kilos plus certain amount per excess weight?


Title: Re: Pano pag benta ng Litsunin?
Post by: nemo on April 05, 2011, 10:49:25 AM
ang ibig po ba nilang sabihin, magbebenta sila ng baboy sa mga naglilitson?

Same lang po ang bentahan tulad sa pagbenta ng fattener for slaughter sa palengke...

Demand and supply lang din po. kapag sa tingin ng iba yung naglilitson ay hirap makabili ng baboy for litsunin , tinataas nila presyo


Title: Re: Pano pag benta ng Litsunin?
Post by: erik_0930 on April 05, 2011, 11:46:24 AM
Merun po sa amin magli litson, ang kadalasan binibili nila eh ung mga slow grower or bansot. Plus 20-30 pesos sa current liveweight ang price nila depende na sa nagbebenta.


Title: Re: Pano pag benta ng Litsunin?
Post by: Bernie on April 06, 2011, 12:28:48 AM
tama po ang bebenta ko yung mga slow grower. kasi minsan may naghahanap ng lilitsunin nila pero ang problem d ko alam pano mag presyo. kasi d ako puede mag base lang sa market value, halimbawa binili ko ang biik na tumitimbang ng 10kilos at 2,000. ngayon naging slow grower siya. halalimbawa ang timbang nya 20kilos na pero bansot siya sa mga kasama nya sa akayan. kung base on market value 100/kilo, ang presyo lang nya is 2,000. lugi na ako sa gastos ko sa kanya:)

kapatid na erik ang sayo naman magiging 130/kilo, so bale 2,600 siya.

d po ba puede ang 1st 10kilos 2,000/100 excess. bale ang presyo nya is 3,000;


Title: Re: Pano pag benta ng Litsunin?
Post by: erik_0930 on April 06, 2011, 12:10:39 PM
Pwede bro ung idea mo, thanks sa idea ganyan na lang gagawin ko first 10 kilos eh 2200 d2 sa amin suceeding eh 100 kilos


Title: Re: Pano pag benta ng Litsunin?
Post by: nemo on April 06, 2011, 07:41:46 PM
pag magbebenta  kayo ng litsunin icoconsider nyo talaga yun price as piglets sa computation. kasi ang idea is that kung pinalaki nyo siya mas malaki pa kikitain nyo....


Title: Re: Pano pag benta ng Litsunin?
Post by: nat_81 on June 22, 2011, 10:24:15 PM
dito po sa toledo, cebu..dinadala sa slaughterhauz ung pang litsun den dun tinitimbang after ma dressed ug pigs..135/ kilo po d2 sa min..khiit bansot ung pigs dinadala po talaga sa slaughterhauz..mabait din po kc ung buyer nang mga pigs q.. ;D