Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: Richelle on May 08, 2011, 10:41:05 AM



Title: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: Richelle on May 08, 2011, 10:41:05 AM
mga kababuyan, meron po ba kayong alam para di gaanong mangamoy ang dumi ng baboy. medyo nakakahiya na rin kasi sa kapitbahay lalo na  kung basa ito. bukod sa maamoy eh malangaw pa. salamat po.


Title: Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: Richelle on May 08, 2011, 10:57:53 AM
saka po pala yung fatteners namin may chronic diarrhea. since nabili namin sya, around 40 days ago, nagtatae na po sya. ok naman po ang kain nya. although bansot po sila. ano po kayang maganda dito? actually di ko talaga sure kung nagtatae po sila o wet stool lang. pano po ba madifferentiate yung 2. salamat po sa magrereply at magbibigay ng inputs


Title: Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: adrianquiogue on May 08, 2011, 04:32:52 PM
try mo po mgbiogas, my source ka pa ng gas methane na parang gasul, tipid ka pa, kung my budget ka pa pwde mo dn convert sa electricity,


Title: Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: babuylaber on May 08, 2011, 08:43:59 PM
frequent na pagtae, halos parang lugaw na tae nila. isang alternative para maminimize yung amoy ay basahin mo yung page ng "no wash pig technology" dito sa forum.


Title: Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: Richelle on May 08, 2011, 09:03:45 PM
salamat sir. actualy, mukhang maganda nga yung "no wash pig technology" although dito samin sa batangas eh wala pa akong nakikitang ganun pero gusto ko din sya itry. biogas po is mejo magastos. konti pa lang naman po ang mga baboy ko sa ngaun. 

yes sir. chronic as in hindi nawawala pero ok naman po ang kain nila. nabansot nga lang po ang paglaki nila


Title: Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: babuylaber on May 09, 2011, 09:24:17 AM
ive been in lipa, malamig dun. almost maghapon nakatrapal mga kulungan ng baboy. siguro environment muna iccorect niyo, then bigay kayo ng gamot sa mga baboy niyo.


Title: Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: nemo on May 09, 2011, 07:29:56 PM
isa ding dahilan kung bakit mabaho ang kulungan is lagi itong basa. as much as possible yun painuman dapat nasa mababang parte ng babuyan malapit sa garter para hndi nababasa ang dumi ng baboy.


Title: Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: cutienicole on June 17, 2011, 08:25:17 AM
ung mga fatteners ko lusaw ung dumi tawag dun ng vet ng pig ko nag iispadahang dumi. :)pinabawasan nya ang water inatake ng pig ko as in kaunti lang after 2 days na ginawa  ko un matitigas na ung dumi nila.kaya every time na lalambot ang dumi nila bawas lang ako sa tubig lalo na kung wala naman itong malansang amoy


Title: Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: up_n_und3r on June 19, 2011, 06:48:18 PM
Alam ko pwede ring lagyan ng charcoal ng perimeter ng babuyan. it can absorb foul odor similar to what we do in our refs. =)


Title: Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: allen0469 on June 19, 2011, 09:20:18 PM
Alam ko pwede ring lagyan ng charcoal ng perimeter ng babuyan. it can absorb foul odor similar to what we do in our refs. =)

kuyang isa sa sinabi ni doc ang paligid ng baboyan mo taniman mo ng rose o kaya sampagueta maski anong bulaklak pra parang air freshener ang dating para walang amoy na malalanghap ang kapit bahay mo.ako nag tanin na diin at my kasamang malungay.


Title: Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: laguna_piglets on June 20, 2011, 12:11:53 AM
Sa layout ng aming ginawang Building (orientation) is from East-West..
Base sa daloy ng hangin at sikat ng araw mula east to west...
Makakasama din sa pigs ang sobrang ammonia, madalas ngkakaroon sila ng mga respiratory problems


Title: Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: erik_0930 on June 20, 2011, 02:08:39 AM
Kami po may 20 puno ng sampaguita sa tabi ng building nagkataon lang na may tanim kami maganda pala yun pang alis ng amoy, merun ding ilang ilang na puno sa gilid ng babuyan


Title: Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: allen0469 on June 20, 2011, 02:58:57 AM
Sa layout ng aming ginawang Building (orientation) is from East-West..
Base sa daloy ng hangin at sikat ng araw mula east to west...
Makakasama din sa pigs ang sobrang ammonia, madalas ngkakaroon sila ng mga respiratory problems

laguna_piglets ask ko lang ikaw diin ba si crisis sa ibang forum,by the way pariho tayo ng lay out ng baboyan east -west direction kasi base ko sa weather geoposition ng wind and weather position kong baga sa NE at SE moonson ng panahon sa pinas kaya laging ligtas ang baboyan ko sa malakas na hangin lagi sa ginta kasi sya.
about sa effect ng ammonia not so sure kong makaka apicto sa pig kasi mga ang halaman ko ay itinanim ko sa leeway hindi sa windward ng baboyan ko kaya pag dumaan ang amoy ng baboy mag convert sya sa amoy ng plant ko going sa ibang lugar.but sometimes sablay diin makakatakas parin ang amoy but not too much..he he he


Title: Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: laguna_piglets on June 20, 2011, 04:42:25 PM
Yup ako nga yun..
Ang hangin na magmumula sa west papasok sa loob ng building at ilalabas ng hangin ang ammonia papunta sa east side, kaya safe sa respiratory problems ang ating mga alaga.. Kaya wala ka maririnig na may coughing dito sa aming mga biik, ppwde kasi maging cause yun ng pag-bagal nila sa paglaki..


Title: Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: babuylaber on June 20, 2011, 09:06:59 PM
another reason kung bakit east-west ang recommended orientation ng kulungan dito sa atin ay para even ang distribution ng araw sa tanghaling tapat


Title: Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: allen0469 on June 21, 2011, 01:14:58 AM
Yup ako nga yun..
Ang hangin na magmumula sa west papasok sa loob ng building at ilalabas ng hangin ang ammonia papunta sa east side, kaya safe sa respiratory problems ang ating mga alaga.. Kaya wala ka maririnig na may coughing dito sa aming mga biik, ppwde kasi maging cause yun ng pag-bagal nila sa paglaki..

ok`s pala kasin parang familiar ang mga note ko kya nag ask ako,by the way at least pasalamat ako at pati pala kayo diin tama ang pag gawa ng piggery nyo kasi marami ang ang contra ta idea ko na ganoon ang setup ng gawing kong kulongan ng pig.
salamat uli mga ka baboy friends


Title: Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: laguna_piglets on June 21, 2011, 05:14:30 AM
another reason kung bakit east-west ang recommended orientation ng kulungan dito sa atin ay para even ang distribution ng araw sa tanghaling tapat
Tama ka dun bro. Sa conventional type ng pen ayaw natin papasukin ang araw sa ating mga pens, kasi nga makakasama yun sa kanilang mga balat (rashes)..  Pero sa DBS type ng pens ang building orientation naman nila pa North-South, dahil gusto naman nila papasukin ang sikat ng araw sa loob ng pen, sinasabi nilang natural disenfectant ang init ng araw para matuyo ang basang dbs which is tama din naman yun.


Title: Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy?
Post by: babuylaber on June 21, 2011, 11:27:52 PM
kung sabagay kuyang, ang sinag ng araw alone kasi ay nakakamatay ng germs