Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: jmmondares on March 06, 2010, 11:10:45 AM

Title: Pano mag purga?
Post by: jmmondares on March 06, 2010, 11:10:45 AM
good day dok!

Ask ko lng po kung pano po mag purga ng baboy at kung ano po ang mga dapat tandaan at gawin bago sila purgahin at pagkatpos ito purgahin.?

Salamat po!

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: nemo on March 07, 2010, 11:53:40 AM
ako kasi ang gamit ko nun nasa field pa ako is dectomax or ivermection. Parehas po ito injectable. Kapag piglet pa sa pige po ito isinasaksak pero kapag malaki na sa leeg na po.

Meron din po naman mga pangpurga na ihinahalo sa pagkain or tubig tulad ng latigo , amisol,  , flumixan,  hunter 4 etc....

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: einel on March 08, 2010, 06:18:13 PM
gud day po dok!

may nabasa po kc me about 1o days before farrowing kelangan daw i deworm ang sow..ask ko po wala po b effect s incoming piglet then f ever na wala..ano po dapat n ipang deworm?

thanks po in advance.

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: nemo on March 09, 2010, 11:05:37 PM
usually ito yun safe stage ng pregnancy. So , okay lang na mag purga. meron injectable at oral dewormer.

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: einel on March 10, 2010, 11:27:46 AM
so it's true pla..now i know..d pla mapanganib mg deworm sa time n un..

thanks doc!

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: tomato_sus on March 20, 2010, 02:15:44 PM
usually ito yun safe stage ng pregnancy. So , okay lang na mag purga. meron injectable at oral dewormer.

ano po preferred nio pag buntis? oral or injectable?

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: nemo on March 20, 2010, 11:32:01 PM
I prefer  injectable especially dectomax and ivermectin. Both are for internal and external parasite na kasi

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: tomato_sus on April 02, 2010, 06:38:21 PM
I prefer  injectable especially dectomax and ivermectin. Both are for internal and external parasite na kasi

gusto ko po sana matutunan kung pano maginject ng mga baboy, para makatipid po ako sa bayad sa vet. ang hirap din kasi minsan depende pa sa availability nila

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: nemo on April 03, 2010, 11:26:34 AM
you have to practice sa animal nila.

Yun iba temporarily nag prapractice muna magsaksak sa puno ng saging para masanay lang sa pag tusok

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: tomato_sus on April 12, 2010, 10:04:50 AM
doc nemo.... hindi po nadeworm nung nagaalaga ng baboy ko ung isa kong sow.. manganganak na sha sa wednesday.. eh nagaalala po ako sa mga external parasites.. pede ko pa rin ba sha gamitan ng ivermectin? kasi baka po makaapekto sa pagpapadede ng biik ung ivermectin.. ano po bang mabisa na pangexternal parasites lang...? TIA

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: nemo on April 12, 2010, 09:18:08 PM
medyo atrasado na po yun gamot pag binigay. ihabol mo n lang yun deworming for internal and external parasite sa weaning age nung animal. Sa ngayon linis linis lang muna ng kulungan. Kung 2 weeks na ang biik at sa tingin nyo payat ska po sila magdeworm nalang.

Kung strict naman ang biosecurity nyo, meaning walang ibang hayop ang nakakapasok sa babuyan at kayo lang caretaker mo ang pumupunta dito mas less ang worm or parasite load nito.

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: tomato_sus on April 13, 2010, 10:15:19 AM
medyo atrasado na po yun gamot pag binigay. ihabol mo n lang yun deworming for internal and external parasite sa weaning age nung animal. Sa ngayon linis linis lang muna ng kulungan. Kung 2 weeks na ang biik at sa tingin nyo payat ska po sila magdeworm nalang.

Kung strict naman ang biosecurity nyo, meaning walang ibang hayop ang nakakapasok sa babuyan at kayo lang caretaker mo ang pumupunta dito mas less ang worm or parasite load nito.

ahh ganun po ba.. it means na pag di nadeworm ang inahin 10 days before manganak... pede magkaroon din ng worm ung mga biik nito.
nagaalala talaga ako lalo na sa external parasites kasi kinikiskis nung sow ung balat niya sa bakal tapos merong parang butlig butlig... malalakas naman po kumain ang 2 sow ko. ano po kayang magandang gawin para macure un? baka kasi wala na sha gawin kundi magkamot ng balat sa halip na magpasuso ng biik.

ganun na lang po gagawin ko sa mga biik... observe till 2 weeks.. pag payat.. ideworm na kaagad.

thanks doc... lagi ka nanjan.. di mo kami pinababayaang mga nagsisimula pa lang..

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: mahal on April 13, 2010, 03:28:33 PM
gd pm dok
       k lng po ba kung d nlang pakainin ng prestarter ang
baboy dritso nlang ng starter?

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: nemo on April 13, 2010, 06:22:25 PM

ahh ganun po ba.. it means na pag di nadeworm ang inahin 10 days before manganak... pede magkaroon din ng worm ung mga biik nito.
nagaalala talaga ako lalo na sa external parasites kasi kinikiskis nung sow ung balat niya sa bakal tapos merong parang butlig butlig... malalakas naman po kumain ang 2 sow ko. ano po kayang magandang gawin para macure un? baka kasi wala na sha gawin kundi magkamot ng balat sa halip na magpasuso ng biik.

ganun na lang po gagawin ko sa mga biik... observe till 2 weeks.. pag payat.. ideworm na kaagad.

thanks doc... lagi ka nanjan.. di mo kami pinababayaang mga nagsisimula pa lang..

yes pag di nadeworm ang inahin ay pwede nitong mhwa/mpasa ang bulate sa mga anak nito.
sa pangangati naman aside from given medication a simple bath could help also. Also, give vitamins C. Pag mataas kasi ang level ng vitamin C nila mas nagiging resistant sila sa sakit and also pangangati

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: tomato_sus on April 14, 2010, 08:42:24 AM

thank you very much sir nemo

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: tomato_sus on April 16, 2010, 07:48:47 AM
sir nemo! nanganak na ung isa kong sow. 11 tas patay ung isa. all in all healthy naman ung mga biik! thanks po sa mga tulong mo ha. ang hahaba nila at ang cute.! ;D

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: nemo on April 18, 2010, 06:08:44 PM
Congratulation...
Hope so lumaki sila ng husto para laki kita nila....

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: tomato_sus on April 20, 2010, 06:13:41 AM
Congratulation...
Hope so lumaki sila ng husto para laki kita nila....

thanks doc.. ang nakakamangha pa . parang sinasadya ng pagkakataon.. nanganak na rin kahapon ung isa ko pang sow.. ganun ulit.. 11 piglets patay din ung isa..

pano kaya maiiwasan ung mortality? hindi sha stillbirth eh.. ang tawag nung nagaalaga "buaw" raw o kaya "luno". hindi raw kumpleto laman loob. di ko magets sir nemo.

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: nemo on April 20, 2010, 05:53:26 PM
The best po talaga na as much as possible wlang namamatay, wlang stillbirth, mummified etc... pero sa babuyan tlaga hong meron kadalasan.

Alaga nalang sa bakuna, management etc.... Ang iingatan lang lagi is yun bumaba sa 10 ang ianak ng kanilang inahin as much as possible lagi sana lagpas sampu. pag sobrang dami naman kasi usually hindi din maganda ang laki ng lahat meron napagiiwanan.

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: tomato_sus on April 20, 2010, 06:47:28 PM
The best po talaga na as much as possible wlang namamatay, wlang stillbirth, mummified etc... pero sa babuyan tlaga hong meron kadalasan.

Alaga nalang sa bakuna, management etc.... Ang iingatan lang lagi is yun bumaba sa 10 ang ianak ng kanilang inahin as much as possible lagi sana lagpas sampu. pag sobrang dami naman kasi usually hindi din maganda ang laki ng lahat meron napagiiwanan.

oo nga po,.. sana laging lampas ng sampu kasi ang hatian po namin ng nagaalaga is 1/3 ung sa kanya... kaya kung 12 po ang anak.. sakin po ung 8. kanya 4. kung bumaba po sa sampu.. lugi na po ako sa pakain ng sow pa lang

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: cutienicole on August 11, 2010, 02:57:14 PM
Good day po! Nakabili po ako ng gagawing inahin at ngaun ay 5 months ang 3 days na po sya mula pagkapanganak.Kailan po ba ito dapat purgahin at ilang beses po ba ito dapat purgahin sa loob ng isang taon?
Thank you very much po and more power!

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: nemo on August 11, 2010, 07:32:54 PM
Pwede nyo na po sila purgahin.

Usually kasi bago ibreed pinupurga sila at tuwing bago manganak nagpupurga uli so aroung 2-4 times a year sila mapurga

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: cutienicole on August 12, 2010, 02:24:56 PM

Thank You Very Much po!God Bless....

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: alshane on March 27, 2012, 09:01:43 AM
doc good day, tanong ko lang po kung ilang besis ba purgahin ang baboy hanggang ibent? at ilang ml ng dectmax o ivermectin ibigay biik at ilang ml naman pra sa malalaki?

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: allen0469 on March 27, 2012, 09:33:53 AM
good day doc,
ask lang po sa apr 3 po ang skid ng farrow ng sow ko pwdi pa po ba mgangon mag purga d kaya late na doc.
thanks doc

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: nemo on March 28, 2012, 08:13:12 PM
ang pag pupurga, usually 1-2 times hanggang mabenta. kung lagi nyo naman napupurga inahin at barako then ang kanilang biik nag mula dito then kahit once na lang.

@allen0469,
yes ,ihabol po nila.

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: allen0469 on March 29, 2012, 11:12:24 AM
good day doc nemo,
thanks po sa advice,sabi po ng vet namin ok lang po na hindi na ma purga 10 days before farrow kasi po pag landi po ng sow bago sya kinastahan nag purga na po.paki korik naman po kon tama po ang vet or hind para po sa next week my isang sow po ako na skid to farrow diin po,ay ma correct ko po.

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: nemo on April 01, 2012, 01:33:37 PM
i cannot say kung tama or mali siya.

ganito po idea ko kung bakit need pa ng anothershot before mag anak.

Yun first shot kasi before magbreed ito ay para mawala yun mga bulate na pwede maging problem during nagbubuntis ang inahin. syempre kung may worm magiging anemic si inahin and possible na maging anemic din si piglet.

Then yun second shot naman bago mag anak is para maprotect yun piglet. Kung tutuusin kasi halos 4 months na mula ng nagpurga ka. Kung meron natirang bulate or  nakaingest uli siya ng bulate pwedeng maipasa ito sa piglets.

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: allen0469 on April 01, 2012, 05:21:58 PM
good day doc nemo,
thanks sa info yon diin po ang nasa isip ko kasi 4 months mga na kumakain pa sya so my tendency na mag form ang bulati,kaya tahimik nalang akon sa vet ko but next time ang advice mo po ang sundin ko.
hope for the best nalang,one of this days manganak na..pang 4 parity na po 1st = 13,2nd = 13,3rd = 17.Ilan kaya ang pang 4th parity?

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: Jeann on May 16, 2012, 12:56:11 PM
Gud day po Sir Nemo, ask ko lang po, kasi pinurga ko ang aking mga biik ngayon ng Latigo 1000, and last April 28 ng ivermectin, bale 6 po sila pinurga ko, ang 3 ivermectin kasi meron pa kasi natira before, at yong 3 latigo 1000, 10g bale 3 sila, mga nasa almost 30 kls. na ksi sa tingin ko,malalki kasi sila na biik, 70 days old  pa lang. Ang problema ko ngayon ang 3 na biik na pinurga ko ng latigo 1000 hindi kumain ng lunch, at parang tumamlay, which is napakasigla naman nila kahapon..

Hindi kaya na ovedose sila sa pampurga?
First time ko kasi mag alaga ng baboy, kaya di ko pa masyado alam.. Pls. help me..la kasi ako idea.

 Salamat.

Title: Re: Pano mag purga?
Post by: nemo on May 16, 2012, 07:52:27 PM
give vitamins lang po, possible na naoverdose nga yan, also be sure na lagi meron water na inumin sila

ang recommended kasi is at weanling 10 piglets per sachet
at kapag 90 days of age 3 piglets per sachet.