PAGTITIMBANG NG BABOY NA WALANG TIMBANGAN GAMIT LAMANG ANG TAPE MEASURE AT CALCULATORAng pinakamainam na paraan ng pagkuha ng timbang ng baboy ay sa pamamagitan ng pag-gamit ng weighing scale. Ngunit kadalasan ang ilang magbababoy ay walang sariling timbangan o kung meron man ito ay nakalagay malayo sa mga baboy na kailangan nating timbangin. Karaniwan sa farms, ang timbangan ay nakalagay sa marketing area o kung saan malapit sa pinag-bebentahan ng palakihing baboy.
Kung hindi naman kailangan na sobrang eksakto ang makukuhang estimate ng timbang ng baboy, isang paraan na maaari nating garin ay ang pag-gamit ng medida (tape measure) at calculator.
MGA PARAAN:1. Kunin ang sukat ng HEART GIRTH ng baboy sa pamamagitan ng medida (tape measure) gamit ang pulgada (inches). Ang heart girth at matatagpuan sa likod ng unahang paa o front legs ng baboy.
2. Sukatin ang haba o LENGTH ng baboy simula sa pagitan ng tenga hanggang sa puno ng buntot gamit ang inches or pulgada.
3. I-compute ang timbang gamit ang FORMULA
Heart Girth x Heart Girth x Length
Weight (kilos) -----------------------------------------------------
(400 / 2.2)
4. Halimbawa: Si Piggy ay may HEART GIRTH na 40Inches at LENGTH na 30Inches.
Girth Result = 40 x 40
= 1600
Weight (libra / pounds) = 1600 x 30
----------------
400
= 120lbs
Para i-convert sa kilos = 120lbs / 2.2lbs
= 54.5 o 55kgs
5. Kung ang computation kay Piggy ay aabot ng 150lbs, magdagdag ng 7lbs bago ito i-convert sa kilos. Halimbawa ang nakuhang timbang sa computation ay 150lbs.
150 + 7 = 157lbs
= 157lbs / 2.2
= 71.36 o 71kgs
Kung ang computation kay Piggy ay nasa 150-400lbs, wala ng adjustment ang gagawin. Pero kung ang computation kay Piggy ay nasa 400-425lbs, magbabawas ng 10lbs. Kung ang computation ay lumampas sa 425lbs, tayo ay mag-babawas ng 10lbs kada 25lbs na dagdag. Atin pong tandaan na ang computation na ito ay akma lamang sa baboy na nasa <400lbs ang timbang, at sa mga nagaalaga ng baboy na wala pa ngayong puhunan para makabili ng timbangan o baskula.
CONVERSION 2.2 Pounds = 1 Kilogram