Title: pagpili ng inahing baboy Post by: darjen on February 10, 2011, 04:39:19 PM Gudpm doc. Baguhan po ako sa pag-aalaga ng baboy. Bale nakabili na ako ng 2 dumalaga at 2 inahin n. Totoo po bang wala talagang farm na nagbebenta ng inahin talaga kung di dumalaga palang na palalakihin mo pa? May nakapagtip po sakin na 1 farm na nagpupull out na ng mga inahin kase pinaalis na sila doon ng myari ng lupa. Nakabili ako sa kanila kahapon ng 2 inahin na buntis na. Ang 1 ay nakaanak na ng 2x, yung 1 naman ay nakaanak na ng 3x. Malaking inahin ang nakuha ko. Pano po kaya malalaman kung matanda na ang 1 inahin? Kase yung 2x na nanganak ay mukhang mas matanda kaysa 3x na nanganak. Maayos po ang tindig nya at mukhang malakas pa. Iba ang kanyang pagkabalahibo makapal(kaya ko nasabing parang matanda na) kumpara sa 1 na kapit pa sa balat. Sana matulungan nyo po ako. God bless more power...
Title: Re: pagpili ng inahing baboy Post by: nemo on February 11, 2011, 06:05:50 PM hindi po din natin masasabi kung ilang beses nanganak, kung baga sa tao kung maalaga po hindi magiging halata may anak/ marami nang beses nang nang nanganak.
Title: Re: pagpili ng inahing baboy Post by: darjen on February 14, 2011, 06:46:52 PM A ganon pala yun para ding tao...pwde p po 1 pang tanong? Kadalasan po hanggang ilang beses kayang manganak ng 1 inahin o gaano katagal bago magretiro ang 1 inahin? Salamat po doc wag po kayo magsasawang sumagot ng aming mga katanungan. Napakalaking 2long po nyo samin. Happy valentine's day...
Title: Re: pagpili ng inahing baboy Post by: nemo on February 14, 2011, 07:10:25 PM Dati ang recommendation around 6-8 times.... pero due to economics mas ginagawa nang karamihan ay hanggang maganda pa ang inaanak at maganda pa ang inilalaki ng kanilang anak, go lang ng go...
Title: Re: pagpili ng inahing baboy Post by: darjen on February 17, 2011, 02:30:31 PM Marami pong salamat doc...more power...
Title: Re: pagpili ng inahing baboy Post by: darjen on February 20, 2011, 10:47:19 AM Doc goodmorning po...Tanong lang po ulit ako. May guilt po ako bale almost 9 months old na po sya. At naka 2x ng naglandi. Ble 2 wiks na lng po at ipapakasta ko na. Meron lang po ako napansin sa kanyang ari na may lumalabas na animoy pulbos ng gatas pero konti lng po. Di naman po sya namamaga at namumula. Nag-aalala lng po ako at baka sakit na to. Salamat po.
|